Chapter 4

68 3 0
                                    

Uncomfortable

"Saan ang lakad mo?" Tanong ni Ate Flair. Naayos na ang electric fan niya kaninang umaga, kaya naibalik niya na rin ang electric fan ko. Bumaba ang tingin niya sa braso ko.

"Bakit ang dami mong rashes?" Tanong niya. Oo nga pala! Tinakpan ko ng jacket ang rashes ko.

"Oh, wala nakamot ko lang." I lied. Honestly, I didn't sleep well last night and it was too hot in my room kaya ang dami kong rashes.

"Pupunta ako kina Carla." Sagot ko sa tanong niya kanina. Tumango siya at pumasok na sa loob. Kinuha ko na ang bike ko sa may gilid ng apartment namin at nag bike papunta sa bahay nila Carla.

Pumasok ako sa isang malaking village, kilala naman na ako ng guard kaya nginitian ko na lang siya. Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay namamangha pa rin ako.

"Cassie! Miss na kita!" Sabi nito habang yakap ako as if we didn't see each other for a long time.

Natawa na lang ako sa kaniua. "Come on, isang araw mo pa lang akong hindi nakikita. Huwag kang OA!"

Humaba ang nguso niya. "Eh kasi naman! Wala akong makausap nang matino sa bahay. Si Mommy naman lagi lang akong inaasar," nakabusangot na sabi niya.

Iginiya niya ako papasok ng bahay nila at sinalubong kami ng mga kasambahay nila.

"Ate Kara, give her a glass of juice, please." the maid nodded and went out to the kitchen.

"Ano'ng gagawin natin ngayon? Bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong ko. Akmang magsasalita na siya nang may bumaba sa staircase nila na isang ginang na kamukha ni Carla.

"Good morning, Tita Belle." I greeted her. Her smiled widened.

"Mom, where are you going?" Carla asked her Mom. She looked at me. "Hi there, Cassie. You look nice as usual." I just smiled at her awkwardly. "Thank you po."

"I'm going to your cousin's house, why?" Carla's eyes widened.

Oh no.

"Can we come too?!" She excitedly asked. Her mother nodded. "That's a good idea, Carla. Sumama ka sa 'min Cassie." sumunod naman kami sa kaniya at sumakay sa kotse nila. Sabi ko na nga ba at madadala nanaman nila ako kung saan. Hindi naman sa ayaw ko pero minsan ay ginagabi na ako kaya nagagalit si Mama. Akala niya kung saan-saan na ako nagpupunta.

"Oh my gosh— wait. Who's cousin, Mom?" Carla asked. Her mother chuckled while driving. "And why are you driving?" dagdag pa ni Carla.

"Wala anak, gusto ko lang mag drive, and we're going to Nicolas house, to your Uncle Mike." sagot nito. I don't know the names they mentioned because Carla didn't tell me about them and it's none of my business.

"What?! Oh, come on. Stop the car, Mom." nakabusangot na turan ni Carla na nagpatawa kay Tita Belle.

"What? Why are you so annoyed?"

"Because Nicolas sister is a brat! I don't like her—"

"Carla," nagbabantang saad nito. Natatawa lang ako habang nagsasagutan sila hanggang sa makarating kami roon. Halatang ayaw na ayaw niya talaga sa pinsan niya, akala mo ay hindi pinsan ang pupuntahan niya.

"Mom!" Carla shouted in annoyance. "Carla, stop it already. We're here." Napapadyak sa inis si Carla.

"I'm sorry about that, Cassie." Tita Belle looked at me apologetically.

"It's fine, Tita. Who's Nicolas, by the way? If you don't mind." natawa naman siya, nag doorbell na siya at pinagbuksan naman kami kaagad ng kasambahay.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon