[ Summer ]
Matapos ang nakakalokang exam ay dali-dali akong lumabas ng room dahil sobrang bwisit na bwisit na ako kay Cody at sa pakikipagharutan nya dun kay Cathlyn.. Ang mas nakakabwisit pa, matapos ang exam ay bumalik sya dun sa likod para makipag-landian ulit sa mga Fans nya! Ang mas nakakagitil pa talaga ay twing makikipag-landian sya ay tumitingin pa talaga sa gawi ko na tila ba nang-aasar! Buti na lang nabawi ng goodnews nila Dash at Lee ang mood ko.. Yup! tungkol to kay Pillow ko at kay Dianne.. Sa wakas at nagka-aminan na din sila!
Akala ko nga ay magiging wasted lahat ng oras na plinano namin nila Dash eh.. Buti nalang pala at naging maayos ang lahat. At yun na nga! Habang papunta ako sa MDU ay nadaanan ko pa silang magkatabi sa bench at nag-ngingitian, Promise, ang sarap nila pagmasdan! Kahit papano ay alam ko ang pinag-daanan ni Dianne, ganun din si Pillow.. kaya naman masaya talaga ko para sa kanila.
Malayo-layo na din ang nalakad ko mula sa mismong University ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.
"Hoy, Miss na panget!" Sabay harang nito sa harapan ko. Nakita ko naman ang biglang paglitaw ng dalawa pa nitong kasama na mula naman sa likod ko. Malalaking tao ang mga ito. Kung sa itsura lang ay may ibubuga din naman kahit mga mukhang sanggano, ganun din ang dalawa nyang kasama na kapwa makikisig at may mga sinasabi, Nakabukas ang mga uniform nila at base sa mga suot nila ay hindi sila taga-dito..
"Aris, wag ka naman ganyan, masyado kang honest eh!" Sabad naman nung ikalawa na nasa likod ko sabay buhakhak nito ng tawa.
"Eh, sa panget naman talaga Klyne eh!" sagot ulit nung Aris.
Mga tukneneng tong tatlong to! nagawa pa talagang pansinin ang itsura ko! Akala mo naman kung sinong mga gwapo! Kung pagtatadyakan ko kaya to?
"Wag nyo naman ganunin si miss.." lapit naman nung ikatlo saka marahang hinimas ang braso kong may pasa pa. May pagka-chinito naman ang isang to. Nangilabot naman ang buong katawan ko sa pagkahawak nya sa parteng yon. "...para kasing natatakot na oh.." sabay silip nya sa mukha ko. Agad ko naman Iniwas ang braso ko.
"kung maka-first base ka Lex, wagas ahh!" sabay tawa naman nung Klyne.
Anak ng! Kung hindi lang masama ang tama ko sa pagkakahulog sa hagdan ay kanina pa lumipad tong tatlo papalabas ng University! Ang kaso ay hanggang ngayon, masakit padin ang buong katawan ko. Wala ako sa mood para makipag-patintero sa kanila.
"Ok lang yan pare.. kahit naman panget sya.." sabay tingin sakin nung Lex mula ulo hanggang paa. "Preskong presko naman. Pwede na pagtyagaan!"
Hindi na ako nakapag-pigil at akmang tatakbo ako ng pigilan ako sa braso nung lalaking nagngangalang Aris. Napaigting naman ko sa sakit dahil ang nahawakan nya ay parte na may pasa.
"San ka pupunta panget na miss? Hindi pa kami tapos sayo!" Kapit nito sa braso ko. Samantalang napunta naman sa harapan ko ang lalaking tinawag nilang Klyne. Nasa likod ko naman yung Lex
"Bitiwan nyo ko!" Halos paiyak kong sabi.
"Miss, Wag ka munang umalis at makikipag-laro pa kami sayo.." mala-demonyong ngisi nung Klyne.
"Oo nga naman miss.. Gusto kasi naming lumabas ang sinasabing leader ng Mugen-Dai.. Balita ko ay mainitin ang ulo nun.. Kaya naman baka pag nabalitaan nya ang gagawin namin sa iyo ay baka lumabas yun, Gusto lang namin syang makita.. Wala pa kasing nakakakita sa kanya eh.." singit nung Aris
Putek! ngayon ko lang ulit naalala na ako lang pala at ang member ng MD ang may alam nang biglaang pagpapalit ng leader.. Nasabi din pala ni Kuya na dapat walang ibang makaalam nito bukod sa mga piling tao dahil isang taong lang naman ang itatagal ng kontrata ko bilang leader ng MD. Ang malaking problema naman Kung hahayaan kong may gawin sila sakin at malaman ito ng buong Mugen-Dai, tiyak gulo na naman ito at yon ang hanggat maari ay dapat na iwasan..
"Anong pinagsasabi nyo? Wala akong alam sa mga bagay na ganyan kaya pwede ba, Bitiwan nyo na ako!" Halos pasigaw kong sabi. Lintek! Ang sarap nang tumakbo kung hindi lang masakit ang mga binti ko.
"Miss naman.. Ang tagal naming naghintay dito tapos papakawalan ka lang namin? Hindi naman ata tama yun, diba mga pare?" lingon nung Lex sa mga kasamahan nya na kapwa sumang-ayon sa kabulastugang pinagsasabi nya.
"Nag-aaral ka dito at alam kong alam mo ang Mugen-Dai na sinasabi namin.. Kahit sa University namin ay kilala ang MUgen-Dai kaya imposibleng hindi mo iyon alam. Alam mo miss, Gusto lang naming makaganti sa kanila!" nanlilisik na mga mata na sabi nung Lex.
"Paalisin nyo na ko dahil wala kayong mapapala sakin!" Pagalit kong sabi. Kahit na mataas na ang timbre ng pagkakasabi ko nun ay tila ba walang epekto iyon sa kanila.
"Kung hindi namin makikita ang duwag na leader ng Mugen-Dai.. Edi, Sayo nalang kami makikipaglaro.." sabi nung Lex sabay buong lakas akong hinatak papunta sa kanya. Napamura naman ako sa sakit ng pagkakabangga ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay tila umikot ang buong paningin ko ng maalog ang utak ko ng bumangga ako sa dibdib nung Lex na humatak sakin sabay pilit akong pinahiga sa damuhan. Nagpupumiglas ako pero parang nawalan iyon ng saysay dahil Agad namang hinawakan ang Magkabila kong paa nung Klyne at yung Aris naman ay agad napunta sa ulonan ko hawak ang magkabila kong kamay. Yung Lex naman ay nakapatong lang sa akin habang takip-takip ang bibig ko. Gusto kong magsisisigaw pero hindi ko man lang magawa.
Naramdaman ko ang pagdikit ng dibdib nung Lex sakin sabay ang unti-unti nitong paglapit ng mukha nya bandang tenga ko. Bigla akong napalibutan ng kaba sa ginawa niya.
"Walang makakapansin kung may gagawin man kami sayo dito... Masyadong malayo itong lugar nato sa maraming tao.. Sadyang minalas kalang siguro talaga ng pinuntahan ngayong araw.. Miss Panget!" Sinimulan nyang halikan ang kaunting bahagi ng leeg ko, tanging iyak nalang ang nagawa ko dahil hindi ko magawang manlaban dahil sa higpit ng pagkaka-kapit nila sakin. tanging maliliit lang na padyak ang nagagawa ko at ang maliit na paggalaw sa ibang bahagi ng katawan ko ang naigagalaw ko.
Hanggang iyak na nga lang talaga ang nagawa ko sa pagpapatuloy na paghalik ng lalaki sa leeg ko. Nagpalipat-lipat sya ng halik sa leeg ko, pagkatapos sa kabila at sa kabilang bahagi naman. Naging marahan ang paghalik nito ng bigla itong huminto at muli akong tinignan na patuloy pa din sa pag-iyak.
"Alam mo bang mas gusto kong nakikita ang mga babaeng umiiyak habang ginagawa ko to?" Nagtaas baba ang tingin nung Lex sa mukha ko at sa dibdib ko.
Nagsimula na akong kabahan ng husto sa mga iniisip kong susunod na mangyayari..
Hanggang maliit lang na sigaw ang nailalabas ko mula sa lalamunan ko dahil sa pagkakatakip sa bibig ko.
Habang ang kaliwang kamay nya ay nakatakip sa bibig ko, Ipinatong naman nya ang kanyang kanang hintuturo sa noo ko, Naging marahan ang pagbaba ng daliri nya sa noo ko.. pababa sa ilong ko... bumaba naman ang daliri nya sa likod ng tenga ko at muli nya itong inakyat sa leegan ko. Tila Huminto ang oras para sa akin at pigil hininga ako ng unti-unti ang ginawang paglalakbay ng daliri nyang iyon sa gitnang dibdib ko.
"Kahit anong iyak ang gawin mo ngayon.. Walang. Tutulong. Sayo.." matapos nun ay unti-unti nyang sinimulang tanggalin ang pagkakabutones ng blouse ko. Agad nag-hysterical ang buong pagkatao ko habang ginagawa nya yon.
"Parang awa nyo na! kahit sino, please tulungan nyo ako!" Sigaw ko sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/18096063-288-k177391.jpg)
BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
General FictionAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...