[ Cody ]
"Si GREY..."
Matapos kong marinig iyon mula kay Summer ay parang biglang naging blangko ang pandinig ko at nandilim ang paningin ko.
T*ngna! Sino daw?
Hindi ako makapagsalita at tila bumara lahat ng sasabihin ko sa lalamunan ko.
Oo, may problema kami ni Grey pero hindi ko sukat akalain na siya ang magiging dahilan ng lahat ng ito."Nagbibiro ka lang..." sarkastiko kong sabi.
narinig ko ang mapakla niyang pagtawa mula sa likod ko.
Ayaw kong maniwala!
Pero Kung sya man, Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan at nagawa niya ang bagay nato'.
Gusto kong malaman kung bakit at anong ibig sabihin ng kahangalan niyang ito! Kahit galit ako sa kanya, Kaibigan ko pa din sya, pero t*nga! sya ba talaga ang may pakana ng lahat ng to'?
teka nga- bwisit na lubid to, ayaw matanggal! sinubukan kong tanggalin or kahit maluwagan man lang pero ayaw talaga, hanggang sa makarinig ako ng *Tiiiit* na tunog ng relo ko.WAAAAAH! na-reset na naman yung time! kainis!
"Gaano ka kasigurado na sya nga-"
"Bakit kasi ayaw mo pang maniwala?"
Nag-init ang buo kong katawan at tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo pagkarinig ko sa boses na yon. Ayaw ko man maniwala pero... Siya nga. Ayaw talaga matanggal, Kaasar!
"Grey...." Pagalit kong bulong sa pangalan niya. Gustong-gusto ko isigaw ang pangalan niya sa galit, gusto ko syang murahin, gustong-gusto ko, pero... p*tcha! MASAKIT SA LALAMUNAN YON!
"We meet again... Old Friend." sabi niya na sa pakiramdam ko ay nakangisi sya habang sinasabi niya yon. Unti-unti ang naging paglapit nya samin hanggang sa huminto sya sa harapan ko.
P*tres! makawala lang ako dito, gigilitan ko talaga sya ng leeg!"Anong kahangalan to, Grey?" tiim bagang kong tanong sa kanya. "Bakit?" habol ko.
Hindi sya sumagot sa tanong ko, sa halip ay kinuha nya ang isang isang bangko mula sa mga babae na agad kong nakilala, ipinwesto nya ito sa mismong harapan ko, balak ko sanang tadyakan pero pati ang mga paa ko ay kapwa nakatali din. Bwiset!
"Bago pa napunta dito si Summer, alam na niya ang lahat, so bakit hindi mo itanong sa kanya ang dahilan?" baling nito kay Summer. "Right, Summy?" dagdag nito.
Hindi umimik Si Summer na tahimik lang sa likuran ko.
"Ano, Summer? bakit hindi mo sabihin sa kanya kung anong nalalaman mo at nang maliwanagan na tong Boyfriend mo?!"
"Hindi ko sya boyfriend!" pagalit nitong sagot. Aba! hindi daw ako boyfriend? nakanang! Nagpunta pa naman ako dito para iligtas sya pagkatapos hindi niya ako boyfriend? mapapa-WTF ka talaga!
".... Cause' He's my fiance' and ikakasal na kami soon... Very soon." dagdag niya nakapag-pahinto sa puso ko ng ilang segundo.
Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang pag-igting ng mga panga ni Grey. Ilang sandali pa ay nagbago na naman ang reakyon ng mukha niya at Umikot ito sa kung saan nakaharap si Summer.
"Kayo? magpapakasal? Ni wala ka ngang sing...sing?" Hindi ko alam kung anong nangyayari sa likod ko pero tila naging dismayado ito, agad nitong nilapitan si Summer at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay nito.
"Bakit may sing-sing yan?" dismayadong tanong nito kay Summer.
Sing-sing? may engagement ring si Summer? panong nagkaron sya ng engagement ring? sinong putakte ang naglakas loob na yayain ang Summer ko ng kasal?
![](https://img.wattpad.com/cover/18096063-288-k177391.jpg)
BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
Fiction généraleAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...