[ Summer ]
Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako.. tsaka, anong tinawag nya kay Cass? -Camille?
Samut-saring mga tanong ang namutakte sa isip ko pero wala akong mahagilap ng sagot sa mga iyon..
Parang slow motion ang lahat sa panonood ko sa kanilang dalawa.
Para akong nanonood ng fairytale, yung prinsepe na nakita ang kanyang prinsesa..at ako? ano ako? ano ang role ko sa fairytale nila?
Try to imagine.. yung taong niyakap ka ng mahigpit ay tatalikuran ka lang ng ganun na lang without saying anything...
Putres, mapapamura ka!
T*ngna talaga!
Ang saya ko sa nakikita ko!
Sana lang ay may mag magpaliwanag diba? Pero wala eh!Agad naglandas ang mga luha ko sa pisngi ko. Kita ko parin ang pagka-shock sa mga mukha nilang lahat na nakatingin kay Cass- Lahat sila tila hindi makapaniwala sa nakikita nila.
At ako, hindi rin makapaniwala sa nasasaksihan ko..Pakiramdam ko ay isa lamang akong Audience sa isang drama at sila ang bida..
Isa lamang Audience..
Walang nakakakita.
Walang nakakarinig.
Walang nakakapansin.Habang tumatagal na pinapanood ko sila ay lalong pasakit ng pasakit. Kaya hanggat hindi nila napapansin na nandito pa ako ay Agad na akong tumalikod..
Dala-dala ang pagkabigla at sakit sa hindi malamang dahilan.
Gusto kong lumayo..
Gusto kong Umalis..
Gusto kong mapag-isa..Ang pinakamasakit lang na part ay yung hindi man lang nya naalala na May Tangang Summer pa na naghihintay na ipaliwanag nya ang lahat.. Hindi yung Mangyayakap na lang sya bigla..
Pero- Hindi sa siguro kailangan pang ipaliwanag ang lahat..
Gaga ako pero hindi ako Bobo para hindi maintindihan ang lahat..Guess, This would explain everything...
Si Cassandra ay si Camille...
Ang unang minahal ni Cody..
Ang iniyakan ni Cody..
Ang dahilan ng pagkakalungkot ng ilang taon ni Cody..Nagpatuloy na ako sa paghakbang papalayo...
ENOUGH OF YOUR STUPIDNESS, SUMMER..
2 years later...
[ Clint ]
"Oh, ano na naman yang mukhang yan?" baling ko kay BU-Dianne na nakasimangot na naman.. Nasa MDU kami ngayon.. may mangilan-ngilan din na members ang nandito na nakikinig lang samin. Mababakas din sa mukha nila ang lungkot everytime mababanggit si Summer.
"Miss ko na kasi si Berks..." sabi nyang nangalumbaba.
Oo, nga pala.. Eksaktong 2years na pala simula nung hindi na namin sya nakita, as in wala na.. Walang text.. walang tawag... Walang Communication at all.. Ni wala nga kaming ideya kung nasan sya..
Ang pag-alis nya ay yung araw din na nagimbal ang lahat ng makita namin si Camille. Actually, kahit nga ako. Lahat kami.
Sinong hindi magugulat diba? kung biglang na lang lilitaw sa harapan mo ang taong akala mong matagal nang patay?? -Pero ang nakakalungkot sa lahat ay, wala nang naaalala si Camille. Pero hindi na muna iyon importante, ang mahalaga.. Buhay sya..

BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
General FictionAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...