Chapter12

483 9 11
                                    

Matapos ang ilang saglit na titigan dahil medyo matagal na ata simula nang magkita kami at ginawang nyang unan ang mga binti ko ay dina kami ulit nagkita.

"Naku Summer, pasensya kana ha?"

sabi nyang inalalayan akong tumayo.

Pero bago pa man ako makatayo nakita ko ang isang cellphone na nasa gilid ko. Agad kong dinampot yon at dahil sa masyadong Usyusera ang mga mata ko ay nakita ko ang wallpaper ng isang babae at di ako pwedeng magkamali dahil sigurado akong kilala ko ang nasa litrato!

"Hephep! akin na yan!"

Dali dali nyang kinuha mula sa kamay ko ang cellphone,

sooo, sa kanya pala yun!

" Hoy, Clint! ano mo yung babaeng nasa cellphone mo?" naiintriga akong tanong sa kanya.

"ha? sino?" Patay malisya niyang tanong.

"Yung babae dyan sa Wallpaper mo!" sagot kong itinuro pa ang Cellphone nyang bahagya nyang itinago sa likod niya.

"Walang babae sa Cellphone ko ah!" Pagdedeny nya.

"Wag mo nga akong gawing bulag! ano mo ang babaeng yan?" -ako

"Pi-pinsan ko.."  Mahina nyang sagot.

"Pinsan?" taas kilay kong inulit.

"O-oo! pinsan ko!" taranta nyang sagot.

Sinong niloloko nya? Pinsan?

"Bakit nasa wallpaper mo?" interrogation na to!

Natigilan siya saglit saka ulit nagsalita. Hindi talaga siya magsasabi!

"Bakit? hindi ba pwedeng gawing wallpaper ang pinsan?" -siya

Ramdam ko na ang kaba at alam kong natataranta na sya. Ngayon ko lang napagtanto na dapat pala nag.investigator na lang ako.

"Pinsan talaga??" Mas diniinan ko pa lalo ang pagbanggit ng pinsan.

Hindi talaga ako naniniwala. Shete! Sinong niloko nya? May malapit din akong pinsang lalaki at never akong naging wallpaper ng gag*ng yon!

Teka, sino nga bang maglalakas loob na gawing wallpaper ang panget kong mukha sa Cellphone nila? pwede pang mangyari yon kung gusto nilang may anti-nakaw ang Cellphone nila.

Nakita ko ang gamunggo niyang mga pawis na nag-uunahang tumulo sa noo niya. Kasalanan niya din! Ayaw pa niya sabihin ang totoo! hindi ko naman siya aanuhin! Naimbyerna lang naman ako dahil don! nakakaloka talaga tong si Clint! kung inamin na niya kanina edi hindi na sana hindi sya mukhang hindi mapa-ire  ngayon?!

"Kilala ko ang babaeng yan!" -ako

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya matapos marinig sakin iyon at agad-agad tong kumapit sa braso ko na parang batang nagpapabili ng kendi sabay pa-cute cute pa ng mata nyang natural na mapupungay.

"Bestfriend...." may himig nang paglalambing sa boses niya.

BESTFRIEND???

"Kailan pa tayo naging mag.bestfriend??" nilayo ko ang braso ko sa kanya pero hinigit niya iyon pabalik.

"Remember mo nung nagkakilala tayo? Yung sa may likod ng university? Yung kinalbo mo ung mga damong nandun? Yung hinigaan kita?  Yung mga malalaking dibdib? Yung arshhhenteinnn sha maysharrnn-"

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon