Chapter 4

655 10 0
                                    



[ CODY's POV ]


"Selfish to say but, Ayoko pong may iba pang tatabi Kay Ms. Akiyama maliban sakin."

Parang gusto kong masuka matapos kong sabihin yun!!.. pero kailangan ko yon panindigan dahil kailangan ng babaeng to pagbayaran ang pagsapak niya sakin.. buti sana kung sampal lang dahil matitiis ko pa yun! Pero, SAPAK talaga! buti sana kung mahina lang, kaso parang daig pa ng maton ang witch na to sa lakas makasapak!

Sa huling sinabi ni Sir sa kanya, napatayo siya.. balak pa atang makipag-argue dahil katabi niya ko.. Aba'y pasalamat nga siya kung hindi dahil sa pagganti ko, hindi niya ako makakatabi!!.. sa dinami dami ng babae na gustong makatabi ang isang Cody Sebastian, sa kanya ko pa napiling makatabi sa upuan!!..

Magsasalita na sana siya nun at bigla kong naisip na kung kakausapin niya pa si Prof. baka makumbinsi nito si Panot na mailipat si Witch ng upuan at mababalewala ang plano kong gumanti..kaya naman kahit labag sa loob ko, hinawakan ko ang kamay niya at ng makaupo na siya ay ikinulong ko sa mga malalambot kong palad ang oily niyang mukha at inilapit yon sa mukha ko na para bang hahalikan ko..

unti-unti ang ginawa kong paglapit ng mukha niya sa mukha ko para may thrill effect.. nakita kong napapikit siya nun,

Tinignan ko muna yung mukha niya sandali para alam ko ang detalye na ipapakulam ko.. HAHAHA.. Pero, langya'! nakaka-inis talaga yung kilay niyang makapal na parang linta!!.. medyo bumawi naman sya sa taas ng ilong niyang sa tingin ko ay may kapareha.. ganun din yung mga pilik mata nyang mahahaba.. maganda din kahit papano yung hugis ng labi niya at pati ang hugis ng mukha niya na sadyang maliit.

Teka nga!!, anu bang pinagsasabi ko??.. Nalintikan na!!..

Bago pa man ako ulit makapag-isip ng kung ano-ano ay ibinalik ko na ang pag-iisp ko sa katotohan.. Katotohanan na saksakan siya ng panget!!.. kaya naman nung medyo malapit na talaga yung mga mukha namin ay agad kong binitiwan ang mukha niya pero diko pa rin winawala ang smile ko.. kaylangan ko yun para sa mga audience..

"In your Dreams Witch!!" Halos pabulong kong sinabi yun sa kanya.. nakita kong nakabusangot ang mukha niya na matagal ng busangot matapos ko siyang bitawan..

The Fvck naman na hahalikan ko siya?!!!.. Asa pa siya!!.. HAHAHAHA :))



*****



Gabi na nun ng makaalis ako sa bar kasama ng mga kabarkada ko, Just driving alone, buti na lang pala at hindi ako madaling malasing.. nagyaya kasi sila ng toma sa isang bar na pagmamay-ari ng Father ni Clint Javier.. Siya yung nag-iisang member ng Gang na mapagkakamalan mong bakla sa unang tingin pa lang.. masyado kasing malamya, mahilig ding mangyakap. Akala ko nga dati kaya sumali sa Gang tong mokong nato' ay dahil sa mga lalaki. Kasama din namin sina Dash Richard na kilalang playboy ng Gang, Si Lee Alcantara, ang gwapong bookworm pero humahabol sa pagka-playboy ni Dash, Grey Cristopas naman yung sumunod sa akin sa pagiging matino.

Ehem!!.. Ehem!!.. Matino naman talaga ako, nagiging abnormal lang ang nagiging takbo ng isip ko pag nandito yung mga kaibigan ko.. Eh, sino ba naman kasing hindi magiging abnormal kung pure at certified na mga abnoy ang mga kasama mo??!!..

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon