Chapter 2

795 16 1
                                    


Tulad nga ng inaasahan ko.. Late nga ako.

Bwisit kasi na lalaking yon!!.. antipatiko na, ang yabang pa!!.. dahil sa kanya mas na-late ako lalo!!..

Sumilip muna ako sa gilid ng pintuan ng room namin. Nagsisimula na nga sila sa exam.

Mula sa labas ay nahagip ng mata ko si Alexa, siya yung medyo nerd din na sosyal kong friend. Classmate na kami since Gradeschool kaya naman halos lahat ng bagay ay napagkakasunduan namin.. Nakita niya din ako mula sa pagkakasilip ko at sinenyasan ako na pumasok. Muli akong sumilip at kita kong nakatalikod si Starwax. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at dahan-dahan akong Pumasok..

Pero, Hindi pa man ako nakaka-limang hakbang ay nadinig ko ang "Ehem" ni starwax..

Patay ako! -ito na yun!

Unti-unti akong humarap at kita kong nagsalubong ang kilay niyang mas makapal pa ata sa akin..

"Why are you late? I've been waiting for you since earlier." Tanong niya na nakikinita-kinita kong para na siyang toro sa galit.

Ako? hinihintay? Kelan pa?

Medyo nataranta ako kasi Hindi ko alam kung anong isasagot ko.. Dapat ko bang sabihin na may nakabunggo akong sobrang yabang at bastos na gorilyang pogi sa corridor ng building at tumilapon ako at nag-away kami kalaunan? Or dapat kong idahilan na kasalanan to ng alarm clock ko which is ginawa ko na din na dahilan last time?

Ewan! Diko na alam! Parang naubusan na kasi ako ng isasagot.

Dapat pala mangolekta na ako simula ngayon na pwede kong idahilan kada late ko..

Tumikhim muna ako at tumayo ng tuwid.


Keri ko to!


" Kasi Sir- "

" Im sorry Sir.. Nag-away kasi kami ng Girlfriend ko kaya natagalan... Pasensya na po. Di na mauulit."

Naputol ang pagsasalita ko ng may biglang nagsalita sa likod ko..

Unti-unti kong inikot ang paningin ko at ganun na lang ang gulat ko ng makilala ko kung sino yon.

"sdsdffggdfdf!" impit na pagmumura ko sa loob ko

Bwisit! siya na naman?

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya habang nakatayo pa din kami sa may entrance ng Room.

"I should ask you the same question. Ano bang ginagawa ng creature na katulad mo dito? Wala namang Witchcraft na subject dito aahh?" Sagot niya sa akin na nagsimula na namang magsalubong ang kilay niya.

Anak ng-

" Creature? Ako?Creature? " Tinuro ko yung sarili ko. "Alam mo Kung nandito ka para bwisitin ako, mag-isip isip kana, kaya chupi! -alis! " pagtataray ko.

Tinapatan ko na ang temper niya. Akala niya aahh?!

"Kung gusto mo.. ikaw na lang ang umalis! Maawa ka nga sakin.. Sira na nga ang araw dahil sa ka-pangitan mo, idadamay mo pa ako!"

"Ako talaga? hindi mo ba itatanong kung hindi din ba nasira ang araw ko dahil sayo?" Medyo mataas na ang boses ko.

Waahh! nakakabwisit na talaga siya! pikang-pika na ako sa kanya! Patawarin na lang ako kung mahambalos ko to sa sahig ng wala sa oras!

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon