"Mugen-Dai.. I want you to meet..My Sister." Pagpapakilala ni Aruji Gayle sa babaeng nasa pintuan.
Ewan ko kung nagkataon lang pero sabay kaming nagkatitigan ni Grey na para bang hindi din siya makapaniwala sa nakikita nya.
Nabigla ako natural at alam kong siya din, halata naman sa facial expession nya. Hindi ko na din inabala ang sarili ko para tanungin ang mga bagay na makakapagpagulo sa isip ko. Wala din kasing kwenta kung tatanungin ko pa sa sarili ko kung Bakit sila magkapatid dahil wala naman talaga kaming nalalaman sa Pagkatao ni Aruji Gayle. Sa totoo lang, nagulat lang talaga ako dahil hindi ko inaasahan na Magkapatid pala sila?! Ang katotohanang kapwa sila naging tahimik sa pagiging magkapatid nila. Ang katotohanang Siya na ngayon ang mamumuno samin At papalit pansamantala kay A.G.. At ang katotohanang iba ang itsura niya ngayon.
Sh*t! heto na naman ako! Bwisit! Sino ba naman kasing tao ang hindi sasabihin ang ganun kung ang isang kakilala mo na sobrang panget ay Bigla na lang Gumanda ng ganun?? Ika nga nila: PAGBABAGONG DI MO INAKALA!
Who would have thought na ang babaeng akala mong hindi marunong magsuklay at hindi marunong mag-ayos ng sarili ay makikita mo na lang na Ganito ang itsura?
Itsurang sobrang TINO!
At sa sobrang tino ng itsura nya ay hindi ko na mapigilan ang sobrang pagwawala ng dibdib ko. Fishtea! Ano ba tong pinagsasabi ko?? Napakalayo na kasi ng itsura nya nung last na nakita ko sya kumpara sa itsura nya ngayon?! Mukha kasi syang mangkukulam nun!
Pero, mukha pa din syang mangkukulam para sakin, Tapos!
Naputol ang pag-iisip ko ng muling magsalita si Aruji Gayle.
"Gentleman.. I want her safety... Kaya naman inaasahan ko na hindi nyo sya pababayaan." Muli nitong sinulyapan si Summer na nakayuko lang. Pero, bigla akong nanlamig ng titigan ako ni Aruji Gayle. Mga tingin na hindi ko alam kung may ibig bang sabihin or wala. Ayoko namang manghula at ayokong mag-assume. Pero, dama ko sa mga tingin nya na may gusto syang sabihin sakin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagpaalam na ai A.G at sinadyang iwan si Summer. Nakita kong kumapit pa si Summer sa braso ni Aruji Gayle na parang batang ayaw magpaiwan pero, hinalikan nya lang si Summer sa noo at niyakap saka dire-diretso nang umalis. Nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito habang tinititigan ang kapatid. Mga titig ng tiwala. Hindi ko alam ang iisipin dahil biglaan ang naging desisyong iyon ni A.G, pakiramdam ko din na hindi niya ilalagay sa pwesto si Summer ng ganun na lang kung wala itong mabigat na dahilan. Hindi nya isasakripisyo ang sariling kapatid.
"Summerrrrrrr!" Gulat ako nung narinig ko ang malakas na tawag na yun sa pangalan ni Summer at ang sumunod na lang na nakita ko ay nakayakap na si Clint kay Witch at halata naman sa mukha nito ang pagkagulat.
Teka-
Magkakilala sila??
Inilibot ko ang mata ko sa bawat kasulok-sulukan ng Kwarto hindi man kapani-paniwala ay iisa lamang ang tanging nakikita ko sa nangungusap nilang mga mata, yun ay ang PAGHANGA kay witch.. Actually, Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or dapat akong mainis dahil sya ang magiging pinuno namin.. Hindi ba mukhang nakaka-insulto? Boy Gang pero ang leader ay BABAE?
Haaayy.. nakakaasar!! Nevermind na nga lang!
Ilang saglit pa ay isa-isa nang nagsitayuan ang mga ka member ko na tila nagdiriwang at parang artistang nilapitan si Summer..
Ang babae namang yon! Tuwang-tuwa naman!
nakakaasarrrr! Bwiseeeet!
"Lapitan mo na kasi..."
BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
General FictionAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...