[ Summer ]
Hindi ako nag-expect na Limang oras pala ang magiging byahe namin! nakanang! kung alam ko lang edi sana nagdala ako ng unan sa pwet dahil parang naluto na ata ang pwetan ko sa limang oras na byahe!
Limang oras ang naging byahe pero nabawi din naman sa view na nasaksihan namin.. Nasa isang resort kami at wag nyo na tanungin kung san to kasi wala akong ideya..
Wala din akong gana magtanong at wala na akong pake kung sang parte ng mundo to as long as mae-enjoy ako!
Sa view pa lang ng paligid ay alam kong magiging maganda nga ang 4 days na pagbabakasyon namin dito at good news yun kasi sa byahe pa lang ay grabeng stress na natamo ko dahil sa lalaking walang ginawa kundi bwisitin ako.
Since apat lang kaming babae ay kumuha kami ng dalawang kwarto, magkasama sa kwarto sina Lie, Alexa and Ate. Kami naman ang magkasama ni Dianne. Dalawang kwarto din ang kinuha namin para sa mga lalaki. Magkasama sa kwarto sina Lee, Dash at Grey. Samantalang nasa iisang kwarto naman sina Clint at Cody.
Gabi na at kailangan namin magpahinga since walang gustong maghapunan dahil naghahanda daw sila para sa swimming bukas.
Para namang lolobo sila agad-agad pag kumain sila ngayon?!
-mga timang lang!
Pero akong hindi sanay na walang hapunan ay nagpasya na lang magpunta sa lounge kung san naghihintay ang buffet ng hindi nagpapaalam.
Baket? kailangan ko pa bang magpaalam bago kumain?
Pagkarating ko pa lang dun ay agad nakong dumiretso sa mga nakihilerang mga pagkain at walang pakundangan akong dumampot na lang ng dumambot sa mga pagkain na nakatakam sa mata ko.
Kita ko naman ang mga waiter na nakatingin lang sakin, particularly sa plato ko. Puno na kasi yun pero kuha parin ako ng kuha..
PAKE ba nila? eh, gutom ako eh! -tsaka, ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng masiba?
Hindi ko na sila inintindi at kumuha na lang ng kumuha. As in every tray kasi kinukuhanan ko, eh masarap sila tignan lahat eh!
Nasa panghuling tray na sana ako ng may kamay na biglang pumigil sa pagkuha ko.
Ng lumingon ako ay ang bwisit sa paningin ang nakita ko.
nakanang tipaklong, Pati ba naman dito?
" Hindi magandang kumakain ka ng Kinilaw lalo na pag gabi.." sabi nyang hindi ako tinitignan na inumpisahang kuhanin sa plato ko yung kinilaw na kakukuha ko palang at unti-unti nyang binabalik yun kung san ko kinuha.
Matapos nyang maibalik lahat ay saka naman niya ako tinignan.
"...kasi baka hindi ka matunawan." pagpapatuloy nya.
Napataas naman ang kilay ko.
"Lalong hindi magandang kumakain ka ng sobra-sobra kasi gabi na.. you can take muffins and juice kung gusto mo."
Mas lalong tumaas yung kilay ko, Dietary doctor lang?
"Higit sa lahat, hindi magandang umaalis ka nalang sa kwarto ng hindi nagpapaalam.. gusto mo bang mabaliw na naman kami- I mean SILA kakahanap sayo tulad noon?"
Mas lalong pa tumaas ang kilay ko sa mga huling sinabi niya.
tumikhim muna ako bago nagsalita.
"kung kainin ko man lahat nung mga kinuha ko, wala ka na dun!" saka ko binawi yung sandok sa kamay niya.
"At kung may pakialam kapa sakin nun, alam mong Ayoko ng muffins at ayokong mag-juice.." sabi kong tinalikuran ko sya, magpapatuloy na sana ako ng may bigla akong maalala.
![](https://img.wattpad.com/cover/18096063-288-k177391.jpg)
BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
Fiksi UmumAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...