"Goodmorning Boss!!"
"Ay, Tipaklong!!" Halos matapilok na nasabi ni Summer dahil sa gulat niya sa pagbati sa kanya na isa sa mga myembro ng grupo na pinamumunuan niya.. Agad naman siyang inalalayan ng nanggulat sa kanya.
Naglalakad siya nun sa Hallway ng Biglang may sumulpot sa Harapan niya habang pinupunasan ang Eyeglass niya na medyo madumi na.. Kakaratihin niya sana ng hampas yung taong iyon kung hindi niya agad nakilala. Si Clint Javier. Ang masasabi niyang Mr. Childish ng Grupo at una nyang nakasundo sa Gang.
Ilang sandali pa ay may bumati na naman sa kanya na isang grupong nag-uumpukan sa isang sulok habang nagbabasa ng Calculus.. Under din niya ang mga iyon.. Hindi niya sukat akalain na ang Nerdy Girl ng St. Ferg University (itinatag sa panahon pa ng kopong-kopong) ay kakayanin ang isang Napakalaking responsibilidad na ipinatong ng kuya Gayle niya sa mga kamay niyang walang kamuwang-muwang sa ganitong bagay..
Katulad pa rin ng dati, Ngiti lang ang iginanti niya sa mga ito.. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa isang basement kung saan Dun mismo ang Hide-out ng Grupo nila..
Oooppss!!! Hindi po sila mga kriminal haa.. :)) Isa silang Gang na nagsimula pa noong 1940's na pinamumunuan ng myembro din ng Grupo na may sapat na kakayahan upang pamunuan ito at magpasa-hanggang ngayon ay buo pa din ito sa bagong Henerasyon. Nagtagal ito ng dahil nadin sa mabuting pamumuno ng mga nagiging leader. At ang Angkan nila ang may pinaka mahabang Termino sa kasaysayan ng Gang.
Sa kasalukuyan ay siya ang namumuno dito. Si Summer Akiyama. Half Japanese, Half Pinay at 100% Kalog.
Ang Gang na pinamumunuan niya ay kinatatakutan ngunit nirerespeto at tinitingala sa loob man at labas ng University nila Dahil nadin sa History ng Grupong ito..
Ang MUGEN-DAI Gang.
[ Flashback ]
"Tell me kuya Gayle you're just kidding, right??.. Tell me na hindi mo gagawin sakin ito??!! "
Halos paiyak nyang nasabi iyon sa Kuya Gayle niyang inikot lang ang Swivel Chair papatalikod matapos sabihin sa kanya ang plano nito sa kanya..
"Kuya please.. im Begging you.. i dont wanna do this. Please.. Kahit ano gagawin ko, Wag lang yun!!"
kulang na lang at maglulupasay at magpagulong-gulong siya sa flooring ng opisina ng kuya niya para magmakaawa na bawiin nito ang sinabi sa kanya.. oh, well.. hindi pala sinabi.. pinagagawa sa kanya.. Gusto man niyang magwala tulad ng mga napapanood niya sa mga teleserye pero naisip nya na hindi na lang niya gagawin dahil magmumukha lang siyang isang napakalaking kahihiyan...
Si Gayle Akiyama ang Pinuno ng Nasabing grupo... Ang kilalang Strikto at Nirerespeto maging ng mga Teachers man ng University at mga taong nakakakilala kung sino siya.
Grupo na matagal pinamununan ni Mr. Russel Akiyama. Ang tatay nila at naipasa ito kay Gayle nung 15 years old pa siya. Nagtataka siguro kayo kung bakit bata pa ay hinayaan na si Gayle mamuno??.. Ayon kasi sa batas ng MUGEN-DAI Gang, Pipili ang mga kawani nito sa mga myembro man or anak man ng mga myembro na magiging susunod na leader kung biglaan ang pagkawala ng pinuno nito.. Walang nakakaalam kung ano ang pamantayan ng pagiging magaling na pinuno. Tanging ang mga piling member lang nito ang may alam at syempre ang leader.. Pero sa Kalagayan ni Gayle noon ay wala itong pagpipilian kundi pamunuan ang Gang sa ganung murang edad kaya naman hindi na nakapag-tatakaka kung maagang naging-matured si Gayle.
Pero kung si Summer ang tatanungin.. Wala siyang panahon pag-aralan ang mga iyon. Matagal na niyang alam ang tungkol dito kahit nung buhay pa ang mga magulang nila na namatay dahil sa isang aksidente na may kinalaman sa Gang na yan..Kaya naman kahit kailan ay hindi siya magkaroon ng interes na alamin pa ang tungkol dito.
Ngayon ay kaylangan niyang timbangin, Ang DUGO ba or ang PANININDIGAN niya na gawin ang isang bagay..
Ang Pamunuan ang MUGEN-DAI sa loob ng isang taon.
####
Uso ang Vote mga lalabs ko!!!
hahaha!!!
actually, bigla na lang kasi pumasok sa isip ko ung story nato habang naglalakad ako papauwi sa amin and sana magawa ko siya talaga.. with the help of your votes and comments..magagawa ko yun.. hhihi.. :))
please support the upcoming Chapters mga lalabs...
may mga mari-reveal na din tayong mga bagong characters and katulad ng pangako ko.. isasama ko yung mga names niyo dito sa story..
GODBLESS!!!!
_KaiWhatever
BINABASA MO ANG
She's the Gang Leader
General FictionAno ang gagawin mo kung ikaw ang napili bilang maging Leader ng isang Gang? Gang na kinatatakutan.. Isang Grupo ng mga Sikat.. Pinaka-Siga.. Pinaka-Astig.. Pinaka-Matatapang.. Pinaka-Basagulero.. At higit sa lahat, Pinaka-Gwapong mga Member nito?? A...