Chapter37

185 2 0
                                    

[ Summer ]





"Pasensya kana kung bigla-bigla ang pang-iinvite ko sayo haa.. i just really need a partner.." mahinahon kong baling sa kanya habang nagda-drive.


"its ok.. wala din naman akong gagawin eh..then, masaya din akong samahan ka." nakangiti nyang sabi.


Buti na lang pala at nandun lang sya sa Condo nya at walang ginagawa. Medyo nahiya pa ako nung pagbuksan nya ako ng pinto. Gulat naman ang nabakas sa mukha nya pagkakita sakin. Pero hindi ko na pinairal ang pagigng mahiyain since wala naman talaga ako nun.


"By the way, diba sabi mo na kanina pa dapat ang alis nyo? hindi kaya late na tayo?" Nag-aalala nyang tanong.


"they'll be fine.. dont bother yourself too much about it."


"Are you sure? baka kasi magalit sila sayo.." muli nyang tanong. Makulit din ang lahi nya.


"that wont happen.. believe me." Aba! sila na nga nagpumilit tapos na late lang ng halos dalawang oras magagalit na sila? Sila na lang mag-outing kung ganon din lang!


"Okay.." para naman syang bata na napahulukipkip nalang sa sasakyan. Saglit ko syang sinulyapan. Minsan nakakatuwa din sya lalo na kapag ganito. Gwapo naman talaga siya at sobrang amo ng mukha. Kaya naman hindi nakapagtataka na bukod kay Cody ay isa din sya sa mga habulin ng babae noon sa University at maging magpasa-hanggang ngayon.


Ilang minuto lang naman ang naging byahe naming dalawa at nakarating nadin kami sa meeting place namin kung saan naghihintay ang Bus na sasakyan namin. Hindi naman kami masyadong marami pero mas ginusto nilang Bus na lang ang kunin since ayaw din naming magsiksikan. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang mukha ng lahat ng may halong pagkainip at pagkainis.


The hell i care! Ngayon ko lang sila pinaghintay ng ganito katagal kaya wala silang karapatang mag-inarte!

Pero sa lahat ng naghihintay sakin ay ang mukha ni Cody ang kinasabikan kong makita.. wag kayong kiligin! gusto kong masaksihan ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya kung makikita nya kung sino ang kasama ko.








[ Dianne ]



Woooh! grabe tong si Berks ah!

hindi pa man kami nakakapag-beach ay grabeng sunog na natamo ko sa balat kakabilad dito sa araw kakahintay sa kanya!

nakakaloka! pero ayos lang naman samin ni Alexa, kasi much better nang ilang oras paghihintay kesa sa dalawang taon!

then kahit ma-late sya ng lima pang oras ay okey lang sakin kasi itong bonding namin ay para lang din naman sa kanya at sa pagbabalik nya..

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon