Chapter16

507 10 17
                                    

#Woooohooooo!!

namiss nyo ba ako? or ung UD ko lang ang namiss nyo?? :((

hmmm.. pasensya na po kung medyo bitin. Inihabol ko lang po ito kasi super dami na po talaga ng inaasikaso ko sa work kaya minsan hindi ko na maharap.. pero diba, tulad ng promise ko na as soon as maka-libre ako ay mag-UD agad ako... kaya heto na! yoooo!

sana magustuhan nyo po ang chappy nato.. libre comment and vote.. :))

[ SUMMER ]

"Dito ka nakatira?" Manghang tanong ni Cody sakin. Kakarating lang namin sa mismong tapat ng bahay at ewan ko dahil parang gulat na gulat sya makita yung tinitirahan ko.

"Oo.. may problema ba?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Grabe ka Mangku!  Eto ang bahay na tinatawag mo?" Sabi nyang halos idinikit pa ang mukha sa windshield at inikot ang mga mata nya sa kabuuan ng bahay.

"Ano bang  problema?" muli kong pagtatanong. Malay ko bang kaya ganyan ang reaksyon nya ay baka dating kilalang Haunted house ang bahay? Medyo luma na kasi ang itsura nito. Kung ihahambing mo sya sa mga gusali ay para syang smaller version ng ancient castle sa London. "Ano bang problema sa bahay namin?" Naiinis na talaga ako dahil pinagmamasdan padin nya ang facade ng bahay na animo wala ng bukas.

"Thank you Mangku!" Kinulong nya ang magkabila kong pisngi at pinisil-pisil yon. Direkta ko tuloy naramdaman ang init ng mga palad nya.

Hindi naman ako naiinis ngayon... KINIKILIG lang ako! yeeeeeee!!!

"Teka, ano bang problema mo? Bakit kaba nagpapasalamat? Nanalo kaba sa lotto? sa masiao? or sa swertres? o baka naman sa jueteng? naku Cody- araaay!" napatigil ako sa pagsasalita ng kutusan nya ako. Matapos naman nun ay hinarap nya ako na may malapad na ngiti.

"Hindi mo ba alam na isa to sa mga pangarap ko?" -siya

kunot noo ko syang tinitigan. "Dream? Ang alin? Teka- ano ba kasi pinagsasabi mo?" Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. Nakakabwisit kasi, hindi naman ako manghuhula para malaman yung pinagsasabi nya.

"THE OLD WATT MANSION.." palingi-lingi nyang sinabi na ibinalik ang tingin sa bahay.

"THE OLD WATT MANSION? Oo, yan ang pangalan ng bahay na yan! Oh? eh, anu ngayon? tsaka, bahay namin yan."  naguguluhan na talaga ako. Bahala sya. Diko magets!

"Hoy, Mangku! BAHAY ang tawag mo sa gusaling yan?" Itinuro nya ang bahay.

"Kasasabi lang diba? Binge lang?  tsaka, Oo nga!, bahay namin yan at- Araaay! ano ba? bakit kaba nambabatok?" binatukan na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon, Pangalawang beses na to! isa nalang ihahampas ko na talaga ang takong ko sa kanya!

"You really dont understand, do you? Alam mo ba na nasa History yang bahay na tinatawag mo? THE OLD WATT MANSION ay nagsisilbing white house kung sa presidente pa ng USA?! This is a dream come true to see that MANSION with my very own eyes! Hanggang picture ko lang kasi to nakikita simula nung maliit ako, and look now? Nasa harapan ko na sya! tapos ikaw parang wala lang? You're unbelievable!" Paglalahad nyang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.

Wow! Historian ang peg?

Oo na! alam na nya ang history!

Maniwala man kayo or sa hindi, Alam ko din ang lahat ng pinagsasabi nya. Kahit wala akong interes sa Gang thing na yan ay responsibilidad ko pa din na alamin ang lahat. Maging ang pagkakasunod-sunod ng mga pamumuno nito ay alam ko. Mga taon ng kapanganakan nila, Kailan sila namatay, Paano sila namatay, Paano sila namuno, maging ang background nila, alam ko! Pati chika ng mga kapit-bahay nila alam ko! hndi JOKE lang! alam ko lahat ng bagay pagdating sa Mugen-dai. Kaya naman hindi ko masisisi si Cody kung ganito ang naging reaksyon nya. Sa totoo lang kasi, wala pang nakakapunta dito kahit isa sa mga regular members ng Mugen-Dai.. Ipinagbabawal yun. Maliban sa kaibigan ko na si Alexa na matagal ng pabalik-balik dito ay wala ng ibang nakakapunta dito, pinupuslit ko lang si Alexa pag pumupunta sya. Pero katulad ko ay nag-iingat din sya.

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon