Chapter 6

564 9 6
                                    


[ ALEXA's POV ]



Baaaa.. si Author bumabait.. Binigyan talaga ako ng POV ko.

Friends.. Readers.. Magpapakilala muna pala ako.. Im Alexa Stefan Kim Grace Tan Llanarez

Haba ng pangalan ko no??.. Ako lang naman ang nag-iisang Besfie ng bida nyong si Summer Akiyama a.k.a Summy.. bestfriends na kami simula ng nalaman namin pareho na isa lang ang trip namin at isa lang ang dugong nananalaytay sa mga ugat namin, ang pagiging beautiful nerd.

Oo, nerd kami pero hindi katulad ng napi-picture out nyong halos hindi na nagsusuklay and with braces pa, pero ,minsan si Summy, Ganun! Pero, Syempre kami ni Summy, mga seksing Nerd kami.. eto lang naman kasi si Summy, di mahilig maglagay ng kolorete sa mukha niya, hindi maruong magpa-sexy. Ayaw daw niyang inilaladlad sa madla yung katawan niya.. Siya yung tipo ng babae na ipapalaman sa tinapay ang lipgloss kasi mabango at matamis! nakakaloka diba?

She's simply beautiful and very innocent at never niyang na-appreciate ang katangian niya dahil tinatago niya yun sa buhaghag niyang buhok at pagkalaki-laki niyang eyeglass. Pero kahit ganun, i still love her no matter what!

We're NBSB. Pero hindi ibig sabihin na walang nanliligaw. MAGANDA KAYA KAMI! -oh, epal?

Dahil sa maganda nga kami, kailangan naming maging choosy. Kaso, yung mga babaeng saksakan ng maldita tulad nila Cathlyn and her disciples ang napapansin ng mga fafalicious na boys. Talo kasi ang beauty and brains namin ng mga flirt na kagaya nila, lalong-lalo na yang si Cathlyn sa saksakan ng arte. Sa sama ng ugali niya parang kami lang ni Besfie Summy ang nagbibigay buhay sa kontrabida niyang character sa University.. Parang kami lang kasi ang nakikita niya at kami palagi ang napapagtripan.. Ewan ko ba kay Summy kung bakit hindi pinapatulan yung babaeng yun! kung ako lang matagal ko na sigurong ibinaon yun ng buhay sa Compost pit!

Masyado naman kasing Humble tong' Bida nyo eehh.. nakakapika na minsan ang pagiging mabait.. ansarap na batukan ng lola niyo!


Anyway, Gabi na nung nakauwi ako mula sa bahay nila Summy.. Pero, infairness haa, naloka talaga ako dun sa sinabi ni Summer sa akin na si fafa Cody ang stalker niya. Ang heavy naman kasi ng sinabi nya. Sinong hindi maloloka diba?

Sa dinami-dami ng masasamang loob na pwedeng maging stalker ng maganda niyong bida ay talagang si Cody pa ang nagso-stalk sa kanya! -oh? edi nabaliw din kayo!

Landi talaga ng bangs ni summy! pahingi nga ng hibla besfie, kahit isa lang!

Medyo napa-paranoid pa din ako sa bilis ng mga pangyayari simula nung ipag-pilitan ni fafa Cody na sa tabi ni Summy sya Uupo..

Gosh!, sino ba naman di mawiwindang sa eksenang yon, diba? na kahit ako nga ilang santo na ang tinawag ko nun para makatabi si Cody pero di parin tumalab! tatanungin ko nga sana nun si Besfie summy kung mas madami ba ang natawag niyang santo kesa sakin kaya naman mas pumanig sa kanya ang pagkakataon na makatabi ang isa sa mga University Hearthrob..


Nagpalit na ako ng damit ko bago pa ako langgamin na kanina ay natapunan ng Juice na sinadya ata ni Cathlyn at ng mga alipores niyang krung-krung. Alam ko naman kung san nanggagaling yung kadramahan nilang yon eehh, at dahil yun sa eksena sa Classroom kanina.. Alam ko naman na si Besfie Summy ang puntirya nila kaya naman nagpaka-hero na lang ako at ako na ang sumalo. Alam ko naman kasi na hindi ni Summy sila papatulan. Pero alam kong nagpipigil ang bida nyong nagbabait-baitan.. May ka-malditahan din kaya sa katawan yung besfie kong yon!!.. Madalas kong tanungin sa kanya kung bakit hindi siya lumalaban.. pero palagi namang sagot niya sakin:

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon