Chapter 3

658 13 0
                                    



[ SUMMER's POV ]


Dahil sa late ako ay dun ako naka-pwesto sa pinaka-likurang bahagi ng room.. Sa sulok. Group2, last seat at PERMANENT daw yun dahil nag-iba ang sitting arrangements.

Gusto kong magreklamo kaso naisip ko din na wala ako sa lugar para gawin yon. Agad kong tinungo ang pwesto ko at halos ibalibag ko ang bag sa upuan at saka ako umupo.. Nagtinginan lang sila sakin dahil alam nilang ayaw na ayaw ko talaga sa likod dahil anytime pwede akong dalawin ng antok.. Pero kahit pa ayoko sa pwestong to' parang wala na din akong magagawa.. kailangan sumunod sa patakaran.

Malayo sa kina-uupuan ko ang naging pwesto ni Alexa hindi katulad nung dati naming pwesto na magkatabi lang kami.. Nasa kabilang row na siya ngayon at nasa harapan, hindi tulad ko na nasa likuran.. nakakinis talaga!!!..

Ilang sandali pa ay tinawag na ang pangalan na nakasira sa araw ko.. Si Cody Sebastian slash kumag slash kurimaw slash mayabang slash bakulaw!!!..

Limang Bakanteng upuan pa ang ang natitira na di pa occuppied. Dalawa sa likuran ko, isa sa likuran ni Alexa, Dalawa sa likuran ng kaiblang group at kung talagang minamalas pa, Sa tabi ko yung isang bakante. Nagsimula na akong magdasal na sana ay hindi siya mapwesto dito sa tabi ko dahil talagang hindi ko yon matatanggap.. Ok na sa akin na nasa likuran ako naka-upo, matatanggap ko pa yon! pero ang makatabi pa ang kumag na yon??.. Ngayon pa lang ang awang awa na ako sa sarili ko.. Pero atleast marami pading option na di siya dito mapapaupo dahil mas marami ang bakante.

"Next.. Cody Sebastian." Tawag ng prof namin.


-"Please.. sana makatabi ko si Cody my prince!!"

-"pangako kong tataasan ko na ang grades ko sa MATH basta hayaan niyo lang po na makatabi ko ang love of my life!"

-"Cody my loves!!'

-"Oh, Cody,, Sana makatabi kita!!"

Yon ang mga narinig kong mga dasal ng mga babaeng nasa likuran ko para lang makatabi ang bakulaw na yon!!.. Akala mo naman kung sinong kagwapuhan??!!.. (Well, Gwapo naman siya..) pero kahit na!! ang pangit paring ng ugali niya!!.. At kahit kaylan, wala pang naging gwapo na pangit ang ugali para sakin!!..

Pero kahit na ganun Nagsimula na din akong magdasal para sa sarili ko para sureball na di ko siya makakatabi.. kung sila halos tawagin ang lahat ng santo para lang makatabi yang' Cody na yan!, ako naman kaya kong tawagin kahit god pa yan ng taga outerspace para lang diko siya makatabi

pumikit pa talaga ako nun habang magkalapat pa ang mga kamay ko para naman mapansin ni lord na seryoso ako.

"Parang awa niyo na po!!.. babawasan ko na po ang pagiging pasaway ko kay kuya Gayle at hindi ko na po ako hihingi sa kanya ng kung ano-ano basta wag' ko lang po makatabi ang kumag na yon!!!.. Please!!! please!!! please!! magiging miserable po ang buhay pag-aaral ko kung makakatabi ko po siya!!.."

Parang dumadagundong ang dibdib ko dahil sa kaba sa paghihintay na susunod na sasabihin ni Sir Starwax.. Ilang sandali pa ay diko parin siya naririnig magsalita.

Yung totoo??.. Ano to Prof, CONTEST na may thrill at may pabitin effect pa??..

"To the first group.. sa likuran ni Ms. Alexa Llanarez." Sa Wakas sabi ni Sir.

Yesss!!.. Yesss!!.. diko siya makakatabi!!.. Wohooo!!!.. alright!!.. ahahaha!!.. Salamat po!!..

Parang nag-pyesta naman ako sa loob-loob ko at muntik na akong mapatalon sa tuwa dahil don.. Sabi na nga ba at malayong mangyaring magkatabi kami at matatawag ko yon na isang himala!!.. Kabaliktaran naman ng mga reaksyon ng mga nasa likod ko.. Ngayon ko lang napansin na nasa likuran ko na nga pala nakaupo ang mga MEAN GIRLS ng School na to!!.. Si Bessy, Clarisse, Tiffa at ang leader ng grupo nilang si Cathlyn na super arte. Total Bully ng mga Nerd na nagbabait-baitan na katulad ko at mga taong nagpapa-api talaga.. Kung ako lang ang masusunod, matagal na sanang nagkapalit-palit ang mga mukha nilang apat, pero palaging nire-remind sakin ni Kuya na Ingatan ko daw ang record ko dito sa school. May time daw para dun at wag lang daw muna ngayon. Hindi ko man maintindihan pero sumusunod na lang ako dahil siya ang Kuya ko at iginagalang ko ang desisyon niya para sa akin.

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon