Chapter18

437 9 0
                                    

[ SUMMER ]

Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin or dapat bang magalit ako sa nangyayari. Kasalukuyan lang naman nilang binabali ang braso ko at kasalukuyan pa din akong lutang sa ginagawa nila.

Nakahawak sa magkabila kong kamay ang dalawang lalaking anytime ay tila sasabog na sa galit at hindi ko alam kung bakit.

Patuloy pa din sila sa pagpapalitan ng salita at hindi ko alam ang gagawin kahit ang awatin sila ay hindi ko man lang magawa, parang walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa bilis ng nangyayari.

NA-TRAFFIC ANG WORDS, PERO ON THE WAY NA! LALABAS DIN SILA SA ESKINITA NG LALAMUNAN KO! PRAMIIIIIS!!

Wala! Lutang talaga ako!

Naglalakad lang ako, then the next thing happened is this,

Jusko! paano ko sila aawatin? Never akong napapasubo sa away kaya naman Zero knowledge ako pagdating sa ganito!

Nung nakita ko si Grey ay hindi naman ako nagulat, only when he holds my hand, pero parang bigla akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig ng sumunod na nangyari nang biglang sumulpot mula sa likuran ko si Cody, hingal na hingal ito at pawisan. Agad nitong kinuha ang kamay ko na naghatid ng mala-kuryenteng pakiramdam sa katawan ko. Hindi nya napansin ang presensya ng lalaking nasa kabilang side ko din.

Nakaramdam na ako ng sobrang takot ng magsukatan na sila ng mga matatalim nilang tingin at nagsimula ng magsagutan at ako naman ay tila mala-electric fan ang ulo na pinagpapalit-palitan lang sila ng tingin.

"What are you doing here?" -Grey

"I should ask you the same question, Grey. What the hell are you doing here?" -Cody

Oo, nga! yun din ang tanong ko, anung ginagawa nila dito?

"Im here to fetch her. Iuuwi ko na sya." -Grey

Wow, Kinilig ako dun! paulit nga!

"You'll take her home? Wala akong katiwa-tiwala lalo na sa taong katulad mo!" -Cody

Ako din, wala akong tiwala sa inyong dalawa! kaya pwede ba? bitawan nyo ko!

"Im not asking you to trust me. Now let go of her and I'll take her home!" -Grey

Kamay ko ang bitawan nyo dahil sumasakit na! mga Mushroom na to! kamay kaya nila hilahin ko para ma-feel nila??!!

"Bitawan mo sya Cody.." -Grey

Fernesssssss! haba ng hair ko ngayon!

"I said let go!" Pag-uulit ni Grey.

Actually, hindi na ako nakapag-isip ng matino nun dahil nung hilahin ako ng lintik na si Cody ay napadikit namn ako sa dibdib nya at freely kong naamoy ang pabangong nakakatirik ng mata sa bango!

Golly! nakakawala sa katinuan ang amoy!

Ilang sandali pa ay hinila naman ako pabalik ni Grey, My ESTRANG-HERO at sa dibdib nya din ako nag-landing!

Yung totoo?

Tug of war to ba talaga to?

Nagkaubusan ng Lubid sa hardware kaya ako ang proxy, GANERN???

hindi ko ipagkakaila na naguguluhan ako sa kanilang dalawa, kung pwede lang sana ay kanina ko pa sila pinag-babatukan sa pinag-gagawa nila sakin ay ginawa ko na!

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon