Chapter11

431 8 12
                                    


Feeling ko tuloy na parang mas nataranta pa si Dianne sa akin dahil bigla siyang namutla matapos niyang masaksihan ang patuloy na pag-agas ng dugo sa gilid ng mukha ko. Kung ako tatanungin niyo ay wala akong nararamdamang sakit. Mas fini-feel ko kasi ang tuhod ko na parang nanghihina at ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong may humigit ng damit ko mula sa likuran at  itinaas ang parteng leeg at ibinuhos ang malamig na tubig sa likod ko.

Summ.. Kalma lang.. Kalma.. Hindi ka dapat umiyak. Mas lalo kang papanget.

para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

Hindi pa dun natapos at may isinabog pa sila sa mukha ko  at parang nagmukha tuloy akong nag-foundation ng harina. Sabay nun ang sabay-sabay na malakas na tawanan sa paligid ko. Mas lumakas ang tawanan nila ng ibato mismo ni Cathlyn sakin ang mga hawak niyang kamatis. Bawat tama nun sa katawan ko ay kusa itong napipisa dahil nadin siguro sa sobra na itong malambot. Medyo masang-sang na din ang amoy nito.

Pumikit lang ako.. Madiin na pagpikit. Nakakuyom ang palad at kinakalma ang utak ko.

No! .. Hindi ko sila papatulan.. Hindi dapat! May pangako ako kay kuya Gayle at hindi ko pwede suwayin yon.. Hindi pwede.

Pero peste talagang mga mata kong ito at hindi nakikipag-cooperate at bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Patuloy sa pagpatak at hindi ko iyon mapigilan. Nakakainis talaga! tinraydor ako ng sarili ko. Dahil sa wala na akong magawa ay Hinayaan ko nalang na bumuhos na husto ang mga luha ko.

"Ano ba? Tama na!"

Ngayon na lang ulit bumalik sa ulirat ang pag-iisip ko at napagtanto kong kanina pa pala sigaw ng sigaw at awat ng awat si Dianne kina Cathlyn sa mga pinag-gagawa sakin pero hindi parin sila tumitigil..

Alam ko namang wala din magagawa si Dianne kahit maputol pa ang litid niya sa leeg kakasigaw dahil wala sa personalidad ni Cathlyn ang makinig sa iba.. Lalong ayaw niya na pinagsasabihan siya sa kung anu man ang dapat nyang gawin.. Ang kinakatakot ko lang ay dahil sa nakita nilang kasama ko si Dianne ay baka ito naman ang pag-initan at sa kanya ibaling ang galit sakin.

Mas dumarami ang nagtitiningan samin. Lahat sila nakatingin sa kung anu man ang palabas ni Cathlyn. Mga Tingin na ibat-iba ang reaksyon. May nandidiri.. May naawa.. may mapang-insultong tingin. Lahat!

Hindi pa rin ako dumidilat. Natatakot ako sa pwede kong magawa once na maidilat ko ang mga mata ko. Mas maganda ang ganito. Atleast pwede pa akong magsinungaling sa sarili ko na hindi ko kilala ang gumagawa sa akin nito.

Tuloy-Tuloy pa din ako sa pag-iyak at patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko. Ramdam ko din ang paulit-ulit na pagpahid ni Dianne sa mga luha ko sa mukha at pag- pagpag nito sa mga nagkalat na kung ano-ano sa damit ko.

Mas lumalakas ang mga tawanan..

Hindi ko na alam kung anu nang gagawin ko. Kung ano bang pwede kong gawin ngayon. Ano ba ang mas magandang desisyon na gawin sa mga oras na ito?

Hindi ko alam.. naba-blanko ako!

Nung parang naipon ko na ang lakas ko sa mga tuhod at binti ko ay agad akong tumalikod at tumakbo.

Narinig kong tumatawag sa akin si Dianne pero hindi na lang ako lumingon.

 

Tumakbo lang ako ng tumakbo, wala na akong pakialam kung sang lupalop ako dadalhin ng mga paa ko.. Bahala na.. Basta makalayo ako sa lugar na yon!
Sa lugar na mabibigyan ako kahit na konting katahimikan. Konting peace of mind. Kahit sandali lang.
Malayo sa mapang-aping mga tao..

Malayo sa mapang-husgang mga mata.

Malayo sa kanila.

Nang medyo naramdaman ko na ang pagod at pangangalay ng binti ko ay nagpasya akong maupo. Huminga ako ng malalim. Pero hindi parin pala tumitigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilan. Nakakainis talaga!

Mas naramdaman ko tuloy ang patuloy na pag-agos ng dugo sa mula sa noo ko, Halos namantsahan na ang kabuuan ng kabilang balikat ko dahil dun. Lagot na naman ako nito kay kuya. Pag nalaman nya ito, tyak hindi na talaga sya magpapapigil.
Kahit gustuhin ko mang lumaban ay hindi pwede. May pangako ako kay kuya Gayle at ayokong masira ang matagal niyang iniingatan ng dahil lang sa pagpatol ko sa mga taong yon. Mas dapat akong maging matatag dahil yon ang dapat.

"Miss? Are you okay?"

Naputol ang malalim kong pag-iisip ng marinig ko yon. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at mula sa harapan ako ay nakatayo ang isang lalaking katamtaman lang ang tangkad. Tama lang din ang pangangatawan nito at walang violent reaction kung isasali ko ang pagiging Gwapo niya! Actually, mas una kong napansin yon.

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon