Chapter9

458 12 0
                                    


Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa tulong ng isang Kilalang Tao sa Business Industry.

Akala niyo aahh! Nagbabasa din naman ako ng Magazine paminsan-minsan kaya kahit papaano ay may alam din naman ako sa mga ganyang klaseng bagay!

Medyo may edad na din siya ng konti Pero hindi parin nawawala ang kakisigan nito. Gwapo siya sa Magazine at masasabi kong Iba parin talaga sa Personal.

"Okay lang po ako. Salamat!" Sagot ko.

"I know you're not okay.. look your Bleeding!" Natataranta nyang sinabi.

"Po?" Dahil sa pagkagulat ko sa sinabi niya na "Bleeding" daw ako ay agad kong sinilip ang pwetan ko para makita ko yung bleeding na sinasabi niya, Pero wala naman akong nakitang Japanese Flag sa Pwetan ko. Hinarap ko siya at ganun na lang ang pagpipigil nya sa tawa niya.

"Haha. you.. you are.. haha.. you are Funny Hija!" Yun na nga at hindi na niya napigilan ang tawa niya sa kagagahan ko. Medyo nahiya naman ako sa pinag-gagawa ko. Over din naman kasi ako.. Pag Sinabi bang 'Bleed' tagos agad?

Inabutan niya ako ng panyo at pinahid ko naman ang dugo na nandun. Jusmiyo! pati ata ang panyo, mamahalin?!

"Medyo malalim ang tama ng sugat mo iha.. Gusto mo bang Dalhin ka namin sa Ospital?" -Siya na nagpahid pa ng maluha-luha nyang mata kakatawa.

Teka-

Namin? May kasama siya?

"Ay, naku! Wag' na ho! maabala ko pa kayo!" -ako na medyo palingon lingon pa naghahanap kung sino ang tinutukoy niyang kasama.

Malay ko ba kung may ibang nilalang siyang kasama na di ko nakikita .. Kinilabutan ako bigla sa iniisip ko.

"I insist Iha.. Wag kang mag-alala. Lilinisan lang naman yang sugat mo at pagkatapos ay ihahatid ka nalang namin sa Bahay nyo." Pag-aalala niya,

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag. Kahit Bilyonaryo pa siya at Famous.. Hindi naman pwede na basta na lang ako sumama diba?

"Pero Sir.. Kasi po-"


"Wag ka na ngang mag-inarte!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at mula sa magarang kotse ay lumabas si Sadako- Este ang taong nakatadhana para guluhin ang buhay ko!

Bakit siya andito?

"Cody?" Gulat kong tanong.

" *Rolled eyes* Problema?" -Cody

" ikaw!" Bawi ko.

"Oh, Magkakilala pala kayo?! Pagkakataon nga naman! " Manghang Sabi ni Mr. Famous na medyo natatawa. "Mabuti pa iha at Dalhin ka na namin sa Ospital." Muli nyang pag-alok.



*****



Tahimik lang ako sa sasakyan habang tapal-tapal ko pa din sa dumudugo kong noo ang panyo na binigay ni Uncle!

Feelingerang palaka diba? Siya nagsabi nun! Uncle na lang daw itawag ko sa kanya!

Sino ba naman hihinde? Duh, Bilyonaryo ang Uncle ko! Ansabeeh ng malandi kong Bangs? Diva Diba?

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon