Chapter21

394 8 8
                                    


[ Summer ]

Masyado ata akong napaaga ng dating dito sa school kaya naman tulad ng dating gawi, dumiretso ako dun sa favorite kong tambayan. Pagkarating na pagkarating ko palang ay parang bata kong inihagis ang bag ko sa damuhan at dun umupo.

"Bakit ang tagal mo?"

"Ay- butiki!"

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa gulat ng marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko. Nang tiignan ko kung sino ay ganun nalang ang biglang pag-init ng mga pisngi ko.

Magtatanong pa kayo kung sino?

Hahay, sino pa nga ba?

Nakaupo sya sa bandang likuran ng puno kaya naman hindi ko sya napansin kanina pagdating ko.

Tsaka teka- Pake ko ba  kung andito sya?

Agad naman syang tumayo sa kinauupuan nya at naglakad papalapit sakin.

Craaaap! Bakit kailangan pa nyang lumapit dito at hindi nalang sya manahimik sa pwesto nya? Nang-aasar ba talaga?

"Anung ginagawa mo dito?" Pairita kong tanong na pinilit kalmahin ang boses ko. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para titigan sya dahil parang bumabalik ang mga nangyari kagabi. Alam kong wala akong karapatang mag-inarte dahil hindi ako maganda, (konti lang!) pero.. Duh! Kagabi lang kaya yun?!  yumuko nalang ako para hindi ko sya makita.

"Nag-hihintay sayo.." diretso nyang sagot na nag-angel sit sa harapan ko sabay silip ng mukha ko na pakiramdam ko ay sobrang pula na!

Shete-ocho-nwebe! Ano Summer? Ano isasagot mo? Mag-isip ka daliiiiii...

"Ha? As if naman na alam mong pupunta ako dito!" Pagtataray ko para mawala ang kaba sa dibdib ko pero parang wala namang epekto.

kaya mo to Summer, I-GLOBE mo lang yan! GO lang ng Go!

Hindi sya sumagot. Pakiramdam ko ay para bang may kung anung namumutakti sa tyan ko at grabe ang reaksyon ng mga bulate  ko sa tyan ng maramdaman kong hinawakan nya ang baba ko at iniangat yon ng marahan para magkatitigan kaming dalawa.

Last nalang! Maiihi na talaga ako dito sa kaba!

"Hindi ako ang may alam.." Then he smiled na sobrang nakakatunaw "My heart does.."

 

DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!

Okay, ika-capslock ko nalang para maramdaman nyo kahit papano ang sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa pinagsasabi ng lalaking to!

"Ano bang pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong sinabi at nagbawi ng tingin. Tinanggal  nadin nya ang pagkakahawak sa baba ko.

Sheeeeet! Baka matanggal na yung mga veins na nakakabit sa heart ko sa sobrang pagtibok sa pinagsasabi ng kutong lupa na to!

"Alam mo bang hindi din ako nakatulog kagabi?" Pa-cute nyang sabi habang sinisilip yung mukha ko.

Penge akong sako! Isusupot ko lang yung ulo ko!

chaka Teka nga-  paanong nalaman nyang hindi ako nakatulog kagabi?
Hindi kaya may CCTV sya sa kwarto ko? Or di kaya kasabuwat nya yung isa sa mga guard sa bahay?  Ah, hindi hindi! Malabong mangyari yun!

Baka- wait nga!
Bigla-bigla lang ay tila nakaramdam ako na parang gusto kong mangkalbo ng kaibigan ngayon?! malakas yung pakiramdam ko na si Alexa yung nag-chika nito sa kanila! lagot skin yun mamaya!

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon