Chapter40

168 3 0
                                    


[ Cody ]


Since ang mangyayari ay pag-uusap ng dalawang leader ng kampo ay hindi naman pwedeng magkita kami sa isang pampublikong lugar.
Napag-pasyahan kong mag-kita kami sa mismong lugar at teritoryo kung saan nanggulo yung lalaking iyon.

Parang Dinner date lang sa pagitan namin ni Uncle ang mangyayari dahil may inihanda pa silang table for two. Pormal ito na pagkikita kaya naman kahit konti ay dapat paghandaan.

Dahil ilang minuto pa man ang nakatakdang oras ng negosasyon na mangyayari ay napagpasyahan kong maunang umupo.

Ilang minuto na akong naghihintay sa pagdating ng leader ng INFERI at hanggang ngayon maski anino ay wala pa akong naaninagan.

Late si Uncle ng 15 minutes kaya naman nagsimula na akong mairita. Hindi dapat nale-late lalo na sa ganitong pag-uusap dahil buhay ng member nila ang nakataya. Kung hindi dahil sa instruction ko ay paniguradong nilalangaw na ang patay na katawan nung lalaking yon ngayon.

Nagpasya akong maghintay pa ng limang minuto. Matanda na kasi si Uncle at naiintindihan ko kahit papano na medyo mabagal na nga sya kumilos.

Hindi naman ako nabigo dahil saktong limang minuto ay nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan, ibig sabihin ay dumating na nga ang hinihintay ko.

Ilang sandali pa nga ay nilapitan na ako ng isa sa mga member na nagbabantay sa labas para ipaalam sa akin na parating na ang Leader ng kabilang kampo. Pero sa pagkakasabi nya nun ay parang nahalata ko ang pamumutla sa mukha niya.w

Hindi nga nagtagal ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Since parang may tunnel pa bago makarating dito ay maririnig mo na ang echo ng mga yabag nun. Tumayo na ako para na din sa pormal na pagtanggap sa bisita.

Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan at Nabalot ng takot at kaba ang buo kong pagkatao ng maninagan ko ang pigura na sigurado akong hindi si Uncle. Habang papalapit iyon ay pabilis ng pabilis naman ang kaba na nararamdaman ko.

Nang makarating na sya sa kinaroroonan ko ay parang ako naman ang nanigas sa pagkakatayo ko.

"So, can we start the negotiation."
She said as she flipped her hair.

tigalgal naman ako. Wala akong masabi.

"I.. I.. I'm.. -what are you doing here?"  yon lang ang natanong ko sa kanya.

"Baka namamasyal lang para makipag usap para sa isang spoiled brat kid!" mataray niyang sagot.

"Hindi ka pwede dito.. Only the INFERI gang leader ang pwedeng makipag negotiate sa Leader ng Mugen-Dai.. Where's Uncle?"  tanong kong sinilip pa ang tunnel. Naisip ko kasi na baka nauna lang sya.

"Ilan ba ang inaasahan mong leader ng INFERI Gang Mr. Sebastian, Dalawa?" tanong nito sakin na nakataas ang kilay.

No! Hindi maari to? hindi pwede to!

"Stop playing around Summer, buhay ang nakataya dito!" halos balutin ng boses ko ang buong lugar.

I heard her smirked.

"Who do you think is the one playing around here, Cody? Ako or yung spoiled brat member naming hawak-hawak niyo?" Seryoso nyang tanong.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Si Summer ay leader ng INFERI?

"Bakit?" Halos pabulong kong naitanong.

Hindi ko alam kung naiintindihan ba nya kung para saan ang tanong ko na iyon. Pero sana maintindihan niya dahil gusto kong malaman..

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon