Chapter 34

191 4 0
                                    

[ Cody ]



"It's been two years... Right?"



Tanong nyang binawi ang daliri na nakadikit sa daliri ko at tinignan nya ako ng deretso sa mata,

Hindi ako makapagsalita.

Parang walang salita na gustong lumabas sa lalamunan ko.

Kung magsasalita naman ako ay hindi ko alam kung san ko hahagilapin ang mga salitang sasabihin ko sa kanya.

I stared at her for a moment dahil hindi ako makapaniwala na nasa harap ko sya ngayon..

Hindi ko alam kung paano ko ide-describe kung ano ang nararamdaman ko ngayon.. She's really different at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang nakikita ko..

She totally changed alot, from head to toe!

"Summ-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at tila nanlamig ang buo kong katauhan nang bigla syang lumapit sa akin at hapitin ako sa leeg dahilan para magkalapit ang mga mukha namin.. Konti na lang at magkakadikit na ang mga labi namin.

Klarong-klaro sakin ang amoy ng hininga nya..

Her eyes are fiery looking straight into my eyes.

"Cody..." She almost whispered my name.

Hindi ako makakilos.

Tulala ako sa inaasta nya ngayon..

Hindi ko alam kung paano magre-react.

Wala akong nagawa hanggang sa bitawan nya ako at muling tignan sa mga mata..

Muli ay wala na naman akong nakitang emosyon sa mga matang iyon.. Nakakagulat na mabilis na syang magpalit ng emosyon ngayon..

Matagal ang naging titigan namin.. Sa pagtingin ko sa mga mata nya ay tila gusto nyang basahin ko sa mata nya ang sakit ng dinulot ko sa kanya.. Siguro, madali ko lang nabasa dahil alam ko ang iyon lang naman ang dahilan..

Ako lang ang dahilan.

"Im so-" tila napako ako sa pagkakatayo ng magbawi sya ng tingin at lagpasan lang ako..

nilagpasan nya ako ng para bang isang estranghero..

Hindi kailan man nakilala.. na hindi kailanman naging parte ng buhay nya.

Ganun na lamang ang pighati na naramdaman ko sa isiping iyon..

"Summer!" tawag ko sa kanya na sinundan sya ng tingin. Kita ko namang napahinto sya sa paglalakad pero hindi man lang sya tumingin.

"Im sorry.." I almost Whispered.

Ang sakit.. Sobrang sakit na ipamukha sayo kung gaanong sakit ang natamo nya dahil sayo.

Lumingon sya ng bahagya... sakto lang na makita ko ang kalahati ng mukha nya.

Then, I saw her smiled a little.. pero ibang ngiti ang nakita ko.. Ngiti ng galit.

Matapos nun ay nagpatuloy na sya paghakbang papalabas ng building at hindi na muling lumingon.

Naiwan akong tulala lang...

Ilang sandali ako na nasa ganong posisyon..

Inuunti -unti ang pag-absord sa lahat..

At nung tila naka-recover na ako ay agad kong tinakbo ang direksyon kung san sya nagtungo pero walang bakas ni Summer.. Ilang beses kong chi-neck ang paligid pero hindi ko sya makita.

She's the Gang LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon