Nakaupo lang ako at nakutunga-nga sa aking computer habang pinanunood ang slide show na ginawa ko.
Walang tigil ang pag agos ng luha ko habang lumalabas sa monitor ang masasayang mukha ng mga kaibigan ko.
Ang pinakamamahal kong Kuya Drake na palaging andyan pag inaaway ako nina Cloud at Gray. Number one supporter ko sa lahat ng bagay. Namimiss ko na ang pagtawag niya sa akin na Princess pati na ang masasarap niyang luto.
Ang shunga-shungang si Bren. Kahit na sumasakit ang ulo ko at naiinis na ako sa kakaintindi sa kanya ay mahal ko parin siya. Namimiss ko na ang pagpapaliwanag sa kanya ng mga bagay-bagay na hindi niya maintindihan.
Ang kaartehan ni George at pagiging conyo niya. Kahit bwisit na bwisit ako minsan sa pagiging maldita niya ay naiintindihan ko na siya. Bawat aksyong ginagawa niya ay may rason at para rin iyon sa amin. Yun nga lang hindi sa magandang paraan niya ipinapakita iyon. Bilib din ako sa kanya dahil nakaya niyang pigilin ang nararamdaman niya kay Alex para lang hindi masira ang pagkakaibigan nila ng tuluyan.
Ang kaastigan ni Alex. Kahit na napaka strong niya outside, I know how fragile she was inside. Kahit walang sinasanto yan, upod sindi ng sigarilyo at walang kapantay pagdating sa inuman ay miss na miss ko parin ang mga banat niya.
Ang crush kong si Andrew, napakabuti rin niyang kaibigan. Kahit inisip ng lahat na kaya niyang iwan ang mga kaibigan niya ay pinatunayan niya paring isa talaga siyang tunay at tapat na kaibigan. Kaya niyang ialay ang sariling buhay para lang mailigtas ang mga taong pinahahalagahan niya ng walang pag aalinlangan.
Kahit hindi happy ending ang love story nina Alex at Andrew sa palagay ko ay masaya parin silang dalawa ngayon. Hindi man sila nagkaaminan ng tunay nilang nararamdaman sa isa't-isa ay naipakita naman nila ang kanilang pag iibigan sa paraang alam nila noong nabubuhay pa sila.
Ang Mr. Smarty Pants ng grupo na si Lance. Hanggang huli ay ginawa niya ang lahat para lang mapanatili kaming ligtas at kahit wala nang buhay ang mga kasamahan namin ay pinapahalagahan parin niya ito. Namimiss ko na ang pagiging tahimik niya at pagiging kalog minsan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang huling bagay na sinabi niya sa akin. Hindi ko man kayang suklian ang pagmamahal niya ay masaya parin ako at ako ang maswerteng babaeng minahal niya hanggang sa huli niyang hininga.
Pati narin si Claire. Kahit na may kinalaman siya sa lahat ng nangyari sa amin sa isla kaibigan ko parin siya. Isa lang din siyang biktima na pinaniwala ni Andrie sa mga kasinungalingan niya. Kahit na sinabi niyang pagpapanggap lang ang lahat, alam ko at ramdam ko na tunay lahat ng ipinakita niyang kabaitan sa amin. Pati na ang friendship namin sa loob ng ilang taon.
Miss na miss ko na silang lahat. Isang linggo na ang nakalipas mula nung nakaalis kami sa islang yun ay ramdam na ramdam ko parin ang sakit physically and emotionally. Hindi pa nag hilum ang mga natamo kong sugat pati narin ang sugat na naging epekto nito sa puso at isipan ko. Pitong kaibigan ko ang nawala dahil lang sa isang pansariling rason.
Kahit wala na sila ay malaki parin ang pasasalamat ko sa bawat isa sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako magiging kung sino man ako ngayon. Positive man o negative ang mga alaala ko sa kanila, makalimutan man iyon ng isip ko ay hinding-hindi iyon makakalimutan ng puso ko.
Sa ngayon, tanging sa mga pictures ko nalang makikita ang napakaganda nilang tawa. Ang napakacharming na mukha ni Claire, Ang gwapong mukha ni Kuya, Ang astig na get up ni Alex, ang napakafashionistang si George, ang cute na cute na si Bren, ang dimples nina Andrew at Lance.
"Nee? Tama na yan, palagi ka nalang umiiyak sa harap ng computer mo." Inakbayan ako ni Cloud.
"Kailangan nating tanggapin ang mga nangyari sa atin Sky. Hindi nila gustong magmukmok nalang tayo." Dagdag pa ni Gray na hinawakan ang kamay ko.
"Tama si Gray Nee. Naeemagine ko si Kuya na nagsasabing " Hoy Cloud at Gray! Ano nanaman tong ginawa niyo sa Princess ko? Bakit umiiyak nanaman to?" Naku Nee! Lagot nanaman kami dun." Ginaya pa ni Cloud ang boses ni Kuya.
"Naku Bro lagot talaga tayo kay Kuya kung parating umiiyak tong si Sky."
"Tama, kahit masakit kailangan nating mabuhay ng normal para sa kanila." Nakangiti kong sagot sa kanila kahit tumutulo parin ang luha ko. Tama sila ei, in due time makakamove-on din ako. Lalo na at andyan ang pinakamamahal kong kapatid at si Gray. Alam kong hindi nila ako iiwan at tutulungan din nila ako in every step of the way.
"Patayin mo na muna yan. Dadalawin pa natin ang puntod nila." Tama si Gray at si Cloud, we must live a normal life for them. I paused the slide show. Timing ang pagtigil nito sa picture naming lahat na masayang naka akbay sa isa't-isa. Kahit masakit, kailangan naming tanggapin ang katutuhanan at mamuhay ng normal para sa sarili namin pati narin sa mga kaibigan namin.
Kahit ang mga magulang namin at mga magulang ng mga kaibigan namin ay hirap na hirap ding tanggapin ang mga nangyari sa mga anak nila. Ngunit makakaya namin tong lahat kung magtutulong-tulong kami sa pag tanggap ng katutuhanan.
Ang Shinzoo Island na hugis pusong isla na dapat sana ay magbibigay sa amin ng masasayang alaala ay naging lugar ng bangungot para sa bawat isa sa amin. Maraming buhay ang nawala sa isang napakagandang isla. Isang paraiso kung maituturing ngunit parang empyerno ito sa aming magkakaigan. Ang dating Shinzoo Island ay tinagurian nang Killing Island ngayon. Ang isla kung saan ang sampung magkakaibigan ang isa-isang pinatay gamit ang mga traps hanggang sa tatlo nalang ang natira.
A/N: Special to My Kuya @terrencelopez08 for the wonderful book cover . Thank you Kuya ko!!
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Tajemnica / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...
