Chapter 22

209 7 3
                                    

6 pm, fifth day of our stay in this island. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman at ang dapat kong isipin. Gusto kong magalit, pero kanino? Sino ang sisihin ko sa mga nangyayaring ito sa amin? Nakakainis naman ei, iniisa-isa kami gamit ang mga traps. Sinadya ba ito o nagkakataon lang ba? Pero sino ang naglagay ng pampatulog sa ininom namin kanina at paano naman sumabog yung speed boat na dapat sanay mag aalis sa amin sa lugar na ito? May ibang tao ba dito sa isla o isa lang din sa amin ang may kagagawan ng mga ito? May kinalaman ba ang pagkawala ni George dito? Napakaraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Hindi ko rin alam kung sino ang makakasagot ng mga ito. Kung masasagot pa ba? O mamatay narin akong hindi pa na reresulba ang mga misteryong ito?

"Sky? Nakikinig ka ba?" Tapik bi Alex sa akin. Kinakaausap niya pala ako?

"Ha? Ano yun Lex? "

"Sabi ko hindi pa lumalabas sina Lance at Cloud." Ulit ni Alex sa sinabi niya kanina. Luminga-linga ako at wala nga silang dalawa. Apat lang kami ang andito, si Gray nakapikit lang at parang iniinda ang sakit ng balikat niya. Si Andrew naman naka yuko at nasaulo ang dalawang kamay niya.

"Oo nga no? Baka ano na ang nangyari sa kay Lance at sa kapatid ko." Bigla akong kinabahan, ang kakambal ko.

"Sundan nalang natin sila dun sa kwarto." Suggest ni Alex.

"Mabuti pa nga." Tumayo na siya pati narin ako.

"Punta lang kami kina Lance at Cloud." Paalam ni Alex kina Gray and Andrew.

" Sama nalang ako. Baka ano pa mangyari sa inyo." Tumayo na din si Andrew.

"Dahan-dahan nga!" Singhal ni Alex sa kanya. Nag aalala lang yan kasi muntik nang natumba si Andrew ng tumayo ei. Nakalimutan sigurong may sugat ang paa niya.

"I think all of us must stick together." Sabat naman ni Gray. He is right, para maging safe kami kailangan naming magsama-sama hanggang dumating na ang sundo namin. May roon pa kaming isang araw at dalawang gabi kasama ngayon.

"Yeah." Sang ayon ko at nag alalayan na pumunta sa kwarto kung saan dinala ai Bren. Sumunod naman sa amin si Spiff.

"Oh Nee? Bakit kayo sumunod dito? May problema ba?" Bungad ni Cloud ng makita niya kaming papasok sa bumukas na pintuan. Naka tayo silang dalawa ni Lance na nakamasid sa patay na hare kanina. Oo nga pala hindi namin iyon natapon.

"Ah, wala naman Nii. Nag alala lang kami kasi hindi pa kayo nakakalabas dito." Paliwanag ko.

"Ah sorry,may pinag-uusapan lang kasi kami ni Lance. Bro ipahinga mo na muna yang balikat mo mukhang malala ei." Baling niya kay Gray. Nakita noya sigurong nahihirapan si Gray dahil sa sugat niya.

"Ano ka ba Bro,wala to. Akala mo sa akin bakla? " Sagot naman nung isa.

"Hindi ba? Ikaw Babe ha." Biro naman ng kapatid ko. Ayos ah? Pampabasag ng seryusong atmosphere namin. Nakakaumay narin kasi.

"Tama na nga yang kalandian niyo. Ano ba pinag uusapan niyo Lance?" Singgit ni Alex. Naalibadbaran siguro sa dalawang baliw. Paano kaya kung maging kami na ni Gray, ganyan parin kaya silang dalawa? Ay erase! Erase! Dont think of those stuffs muna ngayon Sky.

"Ang bad mo talaga Lex! Fine ! Paliwanag mo nga Bro. Parang pinaprocess ko parin kasi yung sinabi mo kanina ei." Si Cloud. Nakitayo nadin kaming apat sa kanilang dalawa.

"Mabuti pa siguro kung doon tayo sa labas mag usap." Suggest ni Lance. Oo nga naman, naiiyak ako pag nakikita ko si Bren ei. Pero pakiramdam ko wala nang luha pang aagos mula sa mga mata ko. Nakakapagod nang umiyak.

"Okay. Doon na tayo sa may sala,mas medyo maaliwalas dun. Kainin narin natin ang iba nating baon. Nakakagutom!" Himas himas pa ni Andrew ang tyan niya.

Killing Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon