Alex's POV
Sina Andrew and Lance ang kasama ko sa grupo. Nasa may right side kami ng island naka assign para maghanap. Medyo maliit lang yung area namin so I guess ma cocover up to namin.Nasaan na ba kasi ang babaeng yun?
"Oy Lex? Kanina ka pa tahimik. Problema mo?" Tanong ni Andrew na nakasunod sa akin. Si Lance naman ang pinakahuli kasi parang pinag aaralan niya ang paligid. Wierd talaga to.
"Tahimik naman talaga ako ah?" Tahimik nga ba ako? Parang hindi naman, pero yung gusto kong sabihin ei.
"Pag tulog? Yung totoo kasi?" Napakakulit talaga nitong si Drew.
"Fine! I miss my bike. Okay? " I lied, ang totoo niyan ay nag aalala talaga ako kay George. Kahit mainit ang dugo nun sa akin, mahal ko yun. We used to be close, parang little sister ang turing ko noon sa kanya. Kahit magkaedad lang kami ay mas kailangan niyang alagaan kaysa sa akin. Wala parati ang parents niya, ako ganun din kaya we found comfort in each others company. Yun nga lang kaya ko ang sarili ko, si George naman napaka fragile niya. Pero nagbago siya and I dont know why. Ito pa ngayon, nawawala siya. Hindi ko man lang natanong sa kanya kung bakit siya nagbago. So, sana mahanap na namin siya at para magkalinawan man kami kung ano ang issue namin sa isa't-isa.
"I know you're lying Lex, Im willing to listen you know." Is it that obvious when I'm lying? Si Sky, alam dun niya pagnagsisinungaling ako.
"Okay fine! I'm worried about George. Sana mahanap na natin siya." Hindi rin naman ako titigilan nito hanggat hindi ko sinasabi yung totoo ei.Maiinis lang ako.
"Sabi ko na ei. Ayaw mo lang aminin that you care for her." Parang proud pa siya na nahulaan niya ang iniisip ko.
"Alam mo naman pala ei, sana hindi ka na nagtanong." Pagsusuplada ko sa kanya. Nakakaasar kasi ei, kung hindi ko lang mahal kanina ko pa to pinatay ei.
"Meron ka ngayon?" Tanong nanaman niya. Anong meron? I dont get it.
"Meron ng ano?" Taas kilay kong tanong.
"You know, the girl thing. Yung every month tapus mood swings yung mga girls." Tumataas-taas pa yung kilay niya na nakasmile. Parang timang, Bwisit talaga to sa buhay ko.
"Alam mo bwisit ka. Isa pa masasapak na talaga kita. Lumayo ka nga sa akin! Pinapakulo mo dugo ko ei." Singhal ko sa kanya, Tumahimik naman siya. Alam niya kasing galit na ako. Mabilis talaga akong magalit, kahit maliit na bagay lang pag hindi ko magustuhan parang gusto kong sumabog. Parang ganun.
"Yan kasi ang ingay mo Drew." Kantyaw ni Lance sa kanya. Sa wakas nagsalita na rin to.
"Gago ka Lance, alam mo yun!" Pagsusungit naman nito kay Lance.
"Ikaw yata ang meron ei." Pinagtawanan pa niya ito. Wierd talaga tong si Lance. Hindi mo magets takbo ng utak ei. Minsan tahimik, yung tipong parang pinag-aaralan ang bawat bagay na makita niya. Minsan naman palabiro at palakantyaw. Minsan seryuso,minsan kalog. Parang ganun, hirap mapredict yung mood niya. Pero you cant deny the fact na matalino siya at cute.
"Bilisan niyo ngang dalawa diyan!" Utos ko sa kanila, kanina pa kami naglalakad . Na una ako kaysa kanilang dalawa. Familiar saakin tong place, malapit dito yung ilog na pinuntahan namin last time.
"Yes ma'am" I heard Drew.
"Diba in this area yung ilog na pinuntahan natin nina Kuya?" I asked them.
"I guess so. Ligo muna tayo?" Sa sagot ni Lance,napatingin ako sa kanya. Seryuso siya? Andito kaya kami para maghanap kay George hindi para mag enjoy. I gave him a wierd look.
"What Lex? I was just kidding. Relax." Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay. Inirapan ko nalang siya at naglakad na ulit. Si Andrew naman ngayon tahimik pa din. Nasindak ko siguro, aba dapat lang! Kung hindi ay makakatikim talaga siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...