More than an hour pa bago mag alas nuwebe, hindi ako mapalagay at pakiramdam ko nasa hukay na ang dalawa kong paa. Kung noon isa palang, ngayon dalawa na talaga.Sino ba naman ang hindi? Ei hanggang ngayon ay hindi parin kami magkaintindihan kung ano ang dapat naming gawin.
"Sabi ng wag tayong maghiwa-hiwalay. Mas delikado yun ei." May inis na sa boses ni Andrew. Kanina pa namin pinag aawayan yan ei. Ay mali pala! Silang dalawa lang ni Gray ang nag aaway. Gustong puntahan ni Gray si Spiff pero ayaw namang pumayag ni Andrew. Kami naman ni Lance kanina pa tahimik simula ng bumalik kami dito sa kwarto nina Alex. Ang kapatid ko naman palipat-lipat ng tingin sa dalawa. Hindi ko rin naman alam kung sino ang tama sa kanila. Pareha naman silang may point. Hai! Ang gulo.
"Paano si Spiff? Ha?! Hahayaan ko nalang bang mamatay siya?" Mahal na mahal ni Gray si Spiff at hindi niya hahayaang may mangyaring masama dito. Maski naman ako ei, hindi ko gusto ang mapahamak si si Spiff.
"Hindi sa ganun Bro, pero kapakanan muna ng lahat ang dapat nating isipin ngayon." Mahinahon ang boses ni Cloud na sumabat sa bangayan ng dalawa. Naingayan na siguro. Hinawakan niya sa may balikat si Gray.
"Ei ano? Hindi niyo ako naiintindihan ei! Mahalaga si Spiffy sa akin." Tinabig niya ang kamay ni Cloud. Gusto ko na rin sanang sumagot na tama si Gray. Kaya lang naunang magsalita si Lance, hinayaan ko na lang. Kanina pa tahimik yan ei.
"Pupunta ba tayo doon sa watchtower?" Napatingin kami sa kanya. Kanina pa nila pinag aawayan kung pupuntahan ba ni Gray si Spiffy pero nakalimutan namin ang tungkol doon sa watchtower. Or ako lang ang nakalimot? Ay ewan!
"No! We will find a safer place. Mas mahalaga yun kesa pumunta pa tayo ng watchtower na yun." Natahimik kami ng biglang nagmungkahi ulit si Andrew.
"What? Hahayaan nalang ba natin ang mga kaibigan natin na matusta doon? Wag ka ngang selfish Drew! They are our friends for God's sake!" Gulat na reaction ni Cloud. Pati nga kami nina Gray at Lance nabigla din sa sinabi ni Andrew.
"What the hell is wrong with you Drew? Akala ko sama-sama tayong pupunta sa watchtower para iligtas ang mga bangkay ng mga kaibigan natin kaya ayaw mong puntahan ko si Spiff. Yun pala mas pipiliin mong magtago at iligtas ang sarili mo? " Galit na si Gray
" Aso lang si Spiffy Gray. Marami pang ganun ang makikita at mabibili mo kung makakaligtas tayo dito. At totoong kaibigan natin sila pero patay na sila ei. Maligtas man natin sila,wala namang magbabago. Hindi na sila mabubuhay! Tayong lima may pag-asa pang maka alis ng buhay dito. Sasayangin nalang ba natin ang pag-asang yun?!" Tumayo na at tumaas ang boses ni Andrew.
"Ei Gago ka pala ei!" Susuntukin sana ni Gray si Andrew buti nalang at naawat siya ni Cloud.
"Tama na yan Bro. Calm down." Dinig kong sabi ni Cloud at dinala si Gray sa kabilang side ng kwarto nina Alex.
"How can I calm down? The selfishness of that bastard stinks all over the place. Arrggghhh! I want to hit him so hard para matauhan ang gagong yan." Nanggagalaiti na talaga si Gray.
"Pabayaan mo na muna Bro. Wala lang sa sarili yan dahil sa nangyari kay Alex. Intindihin mo nalang." Pakiusap ni Cloud sa kanya kaya medyo huminahon na siya at hindi na sumagot pa. Medyo naintindihan niya siguro ang pinanggagalingan ni Andrew.
Sa kabilang side naman dinala ni Lance si Andrew.
"I understand you Drew, I really do. Pero kaya ba ng consensya mo na masunog ang katawan ng mga kaibigan natin at ang katawan ng babaeng pinakamamahal mo? Ako kasi hindi ko makakaya yun. I'd rather die than to abandon them." Kalmado lang ang boses ni Lance habang tinatapik-tapik si Andrew. Hindi naman na ito sumagot.
Nasa kabilang side ng room sina Andrew, sa kabila naman sina Gray. At ako nakaupo pa din sa kama, hawak-hawak ang naiwang bonnet ng Psycho na Andrie sa kaliwang kamay at ang baril ko naman sa kanang kamay. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang naiinis ako, na nagagalit, na ewan ko. Naghalo-halo na lahat ng emosyon. Pati na ang tensyon dito sa loob ng kwarto ay naghalo-halo na din. I need a break, lalabas na muna siguro ako.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...