Chapter 18

246 5 4
                                    

Noong bumalik si Lance ay may dala siyang daga. Anong ginawa niya sa daga? Pinakain niya ito sa pagkain ni Claire and Guess what? Nadead din yung daga. So we all concluded na food poisoning nga yung nangyari kay Claire. Hanggang ngayon feeling ko hindi totoo ang mga nangyayari sa amin. Pwede niyo ba akong gisingin sa bangungot na to? Parang hindi ko na kaya ei. Yung tipong ansakit-sakit na sa dibdib.Isa pang gumugulo sa akin kung sino ang may kagagawan ng nangyari kay Claire. Isa lang ba sa mga kasamahan namin o talagang may ibang taong gumawa nito. Hai! Ang sakit sa dibdib at ulo.

Oo nga pala andito pa kaming pito ngayon sa kusina nag uusap kung ano ang dapat naming gawin.

"I think bukas na natin isagawa yung plano." Suggestion ni Gray. Nakakatakot maglayag pag gabi. Medyo isolated pa tong island. Nakakatakot, baka hindi kami mamatay dito sa island mamatay naman kami sa dagat.

"Gray is right. Mga 7 bukas aalis na tayo. Okay lang ba yun sa lahat?" Tanong ni Lance sa amin. Tumango naman kami.

"So, its set then, 7 tomorrow were leaving.Cloud?. . ." May sinasabi pa si Lance ng napansin kong wala si Spiffy. Hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi.

" Hoy Gray, nasaan si Spiff?" Bulong ko kay Gray. Baka kasi maabala sina Lance sa sinasabi niya.

"Ewan ko. Andyan lang kanina. Wait hanapin ko." Pabulong niya ding sagot.

"I'll go with you." Tumayo na kaming dalawa at tahimik na lumabas ng kitchen.

"Saan mo ba last na nakita si Spiff Gray?" Paakyat kami sa hagdan.

"Nasa room lang namin kanina ni Andrew. Check natin dun." Tumango nalang ako at tumakbo na kami papuntang room nila.

" Spiff?" Tawag ni Gray. Tinatawag ko din yung pangalan niya. Pero walang sumasagot.

"Wala siguro dito Sky, sa iba naman tayo maghanap." Yaya niya.

"Sa room naman namin, baka pumunta siya dun. Hindi ko naisara kanina ei." Suggest ko sa kanya.

"Okay." Aalis na sana kami ng may narinig akong kaluskos sa may cr.

"Wait Gray. Did you hear that?" Pinakinggan namin yung tunog. May kumakaluskos nga sa pinto.

"Si Spiff na siguro yan. Nasarhan ng pinto." Agad na nilapitan ito ni Gray at binuksan yung pinto.

"There you are." Wika ni Gray when he saw Spiffy. Hindi na siguro siya makalabas kaya kumakaluskos.

" Pinag alala mo kami Spiff ha. Oy! Anong ginawa mo dito? Kawawang tissue." Paano ba naman, pinaglaruan niya siguro yung tissue nagkalat sa sahig ei punit punit na. Natawa naman kami ni Gray. Buti at andito lang pala siya. Wait up! Ano na kaya ang pinag uusapan nila doon sa ibaba?

" Sorry to interrupt your reunion but Gray you have to come with us." Biglang sulpot ni Cloud sa may pintuan. Kumunot naman ang nuo namin Gray. Alam niyo nanotice ko hindi uso sa amin ang pumasok muna sa loob ng isang room bago magsalita. Yung tipong palaging nang gugulat, Kung may sakit ako sa puso matagal na akong na dead bago paman nangyari ang mga bagay na to ngayon.

"Anong reunion?/ saan pupunta?" Sabay naming tanong ni Gray. Nagkatinginan naman kami at natawa.

"Ewan ko sa inyo. Lance asked us if we can go with him sa pagcheck nung boat na gagamitin natin." Sagot ni Cloud.

"Ah ganun?" Tugon nalang ni Gray. Ako naman nanahimik nalang. Naglakad na kami papunta sa may pintuan kung saan nakatayo si Cloud.

"Bilisan mo bro,nag aantay na siguro sa baba si Lance." Apura ni Cloud kay Gray.

"Okay okay." Naglakad na kami pababa at nag aantay na nga si Lance.

"Ako na ang bahala kay Spiff Gray. Mag-ingat kayo." Kinuha ko agad si Spiff kay Gray at ako naman ang nagkarga nito. May bandage parin ang paa ni Spiff pero medyo okay na siyang maglakad.

Killing Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon