Third Person's POV. .
Iniwan na ng tatlo si Andrew kahit labag sa kalooban nila. Pagkadismaya at inis ang nararamdaman nila para sa taong itinuring nilang kaibigan at tatalikuran lang sila pag nagkagipitan na.
" Wait guys, I dont know if my plan would work pero sana pakinggan niyo." Pigil ni Lance sa dalawang kasama habang tumatakbo sila sa may hallway ng bahay. Kanina pa siya tahimik kasi nag iisip siya ng plano kung paano nila ma iisahan ang kalaban. Simula kasi nung una palagi silang nauunahan ng mga ito.
"What is it Lance ?" Sagot naman ni Cloud ng tumigil na sila.
"Simula pa nung una, they are one step ahead of us. But what if yung mga alas mismo nila ang gagamitin laban sa kanila?" Simula ni Lance.
"I dont get it. Explain mo nga?" Hindi ma gets ni Gray ang gustong sabihin ng kaibigan. Si Cloud naman tahimik lang at nag iisip.
"Diba andoon ang control roon nila sa atic? Andoon ang monitor ng lahat ng cameras dito sa isla. I suggest na bumalik tayo dun at ehack yung system nila bago tayo sumugod sa watchtower. For sure kaya mong gawin yun Gray.Alamin muna natin kung ilan ang kalaban, mga posibleng mga traps na nag aantay sa atin on our way papunta doon." Paliwanag nito.
"Okay. Lets try it!" Sangayon ni Cloud. He checked his watch, 7:50. An hour and 10 minutes pa bago mag 9. Kailangan nilang bilisan bago mahuli ang lahat.
Tumakbo na sila paakyat sa atic at pumasok doon sa control room.
"Take note sa mga lugar na may makikita tayong traps." Utos ni Cloud sa kasamahan. Si Gray yung nagmamaniubra ng kung ano-ano sa computer.
"I think connected tong computer dito doon kung nasaan man sina Andrie. And I think maiisahan na natin sila." Nakasmile na saad ni Gray.
"Paano?" Si Lance.
"Gamit nito!" May inilabas si Gray sa bulsa niya. Isa itong maliit na device na parang flashdrive.
"Ano yan Bro?" Pagtataka ni Lance nung makita ang tinutukoy ng kaibigan niya.
" Andito ang pinag-aaralan at ginagawa kong program . And I think this is the best time to test it." Hindi na idenitalye ni Gray yung tungkol dun sa edinisenyo niyang program dahil mas lalo silang tatagal pag ganun.
Nanuod lang ang dalawa sa ginagawa ni Gray.
" Sana gumana ka. Please,please,please! "Gray murmured into himself. Alam niya na hindi pa perpekto itong ginawa niya pero naniniwala siya na makakatulong ito sa kanila.
"Loading. . . 1%. .5%. .10&. ."
"8:10 na, ambagal naman. Bilisan mo naman sa pagload oh." Kausap niya sa computer. After ilang minuto pa ay nakonekta narin sila.
" Ano yang may mga red na dots?" Tanong ni Cloud ng mapansin ang mga pulang dots na umiilaw-ilaw na nagkalat sa mapa ng isla na nasa screen.
"I bet these are the traps. Mas mabuti siguro kung e tetake note natin ang mga traps dito sa island." Suggest ni Gray.
"May mapa akong nakita dito kanina." May kinuha si Cloud sa may table na isang mapa ng isla.
" Good! Please paki zoom in ng exact locations ng traps Gray." Lance.
"Okay." At ganun nga ang ginawa ni Gray. Nilagyan din ng ekes ni Cloud ang mga lugar na yun sa mapa.
" Kaya pala gusto nila tayong papuntahin sa watchtower. Hindi pa pala tayo nakakarating dun ei patay na tayo sa mga traps nila." Napapailing si Lance sa sinabi niya.
" Diba wala pa ang mga yan nung nakaraang araw? Dinaanan din natin yan nung pumunta tayo dun ei." Kunot nuong tanong ni Gray.
" Maaaring nakaset up na yan bago paman tayo dumating at ngayon lang nila inactivate. Konektado rin ang mga yan sa server nila ei. Tingnan mo, umiilaw-ilaw. Tingnan mo ang sa may area na to. Dito sa may areang to namatay si Kuya. Hindi na umiilaw yung red na dot, so it means nagamit na yung trap." Tinuturo ni Lance yun sa screen.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...