Last words of Alex,5 years. What is that suppose to mean? Hangang ngayon ay palaisipan pa din sa amin kung ano ang nais niyang ipahiwatig.
Nilinisan at binihisan na namin si Alex at dinala sa silid kung nasaan si Bren pagkatapos ay bumalik kami sa silid kung saan nangyari ang pagpatay kay Alex. Baka may mahanap pa kami na kahit ano na makakatulong sa amin.
"You were right Bro. Ginagamit ang mga hares na clue sa atin kung paano mamatay ang isa sa atin." Si Gray.
" I guess so. Hey look at this! " Parang may nakita si Lance sa hawak-hawak niyang bonnet. Yung nakita namin kanina.
"What is it?" Inabot ni Cloud ang bonnet.
"Ron Andrie" basa ni Cloud. Tiningnan ko din at meron palang nakaborda sa loob ng bonnet na pangalan pero maliit lang at kung hindi mo bubusisiin ay hindi mo makikita.
"Ron Andrie? Hmmm. Ron Andrie Ledezma." Lumapit si Andrew sa amin. Nililinis kasi niya ang dugo ni Alex na nagkalat sa sahig.
"You know him Drew? Parang familiar." Tanong ko. Mukhang kilala niya at familiar din sa akin yung pangalan. Pero hindi ko matandaan kung saan at kung kung kailan ko narinig yun.
"Familiar din sa akin yung pangalan." Dagdag ni Gray.
"Ron Andrie Ledezma, ang bagong leader ng Raven Crest. " Raven Crest? Narinig ko na kay Alex ang grupong yan ah.
"You mean Andrie? Bakit may pangalan niya yan?" Naguguluhan din si Cloud.
"Wait! Wait! Sino ba kasi siya at ano yung Raven Crest?"
Awat ko sa kanila. Lutang ako sa usapan ei. Hindi ako makarelate.
" Ganito yan Sky, ang Raven Crest grupo yan ng mga riders na nakakalaban namin nina Alex sa underground race. Si Ron Andrie o kilala sa tawag na Andrie ang kanilang leader." Paliwanag niya. Ah ganun pala. Diba nasabi ko nang mahilig sa racing sina Andrew at Alex? Sina Kuya,Cloud at Gray ganun din. Si Lance lang yata ang hindi mahilig sa sports na yun ei.
"So ano sa palagay mo ang kinalaman niya dito?" Parang napakalalim ng iniisip ni Lance.
" Ewan ko. Pero leader nila noon si Rain, yung namatay five years ago na kinasangkutan niyo ni Alex Sky . Si Andrie ang kanang kamay at bestfriend noon ni Rain. Kaya ng namatay ito siya ang pumalit dito." Paliwanag ni Andrew. Nung sinabi niya yun pakiramdam ko tumayo ang mga balahibo ko. Bumabalik sa isipan ko ang duguang katawan ng isang lalaki.
"Pwede niyo bang ekwento ang mga nangyari?" Tanong ni Lance.
"Nasaan ka ba ng mga panahong yun Bro? Bakit hindi mo yan alam?" Nakakunot nuo ni Gray. Magkakaibigan na kaming lahat ng mga panahong yun, well except Claire. Paanong hindi alam ni Lance yung pangyayaring yun?
"I was in States that time,And 3 years ago lang ako umuwi dito." Paliwanag nito. Ah oo nga pala! Umalis noon ang pamilya ni Lance at bumalik lang 3years ago.
" Ah! Sorry. Nakalimutan ko." Napakamot si Gray ng ulo niya.
" Sa pagkakaalam ko ito ang nangyari. . .
Flashback (Third person's POV )
" Lex? Are you sure na ikaw ang lalaban ngayon?" Tanong ni Leo kay Alex na nasa labin-limang taong gulang palang. Si Leo ang leader ng Draco Riders,ang grupo kung saan myembro sina Andrew, Alex at Drake. Sa batang edad ei lumalaban na sila sa mga drag race. Hindi lang basta-bastang drag race ito. Kinabibilangan ito ng pinakamamayaman at mga batang racing enthusiasts mapa cars man o big bikes.
"Oo nga Baby, si Leo nalang kaya o ako ang lalaban? Dinig ko si Rain ang lalaban para sa Ravens ei." Parang nag aalala si Drake para sa kaibigang itinuturing na niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...