Chapter 12

210 6 0
                                    

We decided to divide the whole island into three parts to cover it all. Me and my group was assigned on the left side, Andrew's group on the right side and Kuya's on the center. Bali yung bahay ang naging basihan namin ng paghati.

" Do you think it is okay na nagkahiwa-hiwalay tayo?" I asked Cloud and Gray. For me kasi its better if we all stick together.

"I think it is the right thing to do Sky. Why? What's bothering you?" Patuloy parin kami sa paglalalakad namin.

" I think so too Nee. I know what your thinking, You want us all to stick together. Right?" My brother really knows me.

"It is just that, I think mas safe tayong lahat if magkakasama tayo lalo na in times like this na nawawala ang isa nating kasamahan. Wala malang tayong idea kung nasaan siya. Buhay pa ba siya o patay na." Woah! Bakit ko ba nasabi yun? Kahit naiinis ako kay George minsan, kahit kailan hindi ko inasam ang kanyang kamatayan. I love her, we all do.

" I see your point Sky, and you're right. Pero mas mapapadali ang paghahanap natin kung maghihiwa-hiwalay tayo." Patuloy parin kami sa paglalakad at pagmamasid ng paligid. Malayo-layo narin kami sa beach house, and its already 10:29. Medyo mainit na pero mahangin parin dito at cool yung paligid because of the trees.

"Tama si Gray Nee. We have to find her as soon as possible." May point din naman sila kaya tumahimik nalang ako.

Spiffy sniffs and sniffs pero wala naman siyang nakikita na kung ano. Kami nga wala din. Nasaan ka na ba kasi Georgina Perez?

"Aw!aw!" Nilapitan namin si Spiff. Tiningnan namin yung nakita niya. Isa iyong pink slipper yung left side lang. Familiar ito, kanino ko ba to nakita?

"Good job baby." Pinatt ni Gray ang ulo ni Spiffy.

"Kay George ba yan?" Tanong ni Cloud habang hawak-hawak yung tsinelas. Hindi kay George yan. Red yung suot niya kagabi. Red yung two-piece niya ei.

"No, hindi sa kanya yan. As far as I can recall red yung suot niya kagabi." Hindi lang pala ako ang nakakita nung suot ni George kagabi. Pati pala si Gray.

"Tama. Red yung two-piece niya, and knowing her red din yung isusuot niyang slippers. " I added. Pero familiar talaga to ei, yung tipong parang nakita mo na tapus hindi mo lang maalala kung saan.

"So kanino kaya to? Parang bago lang to naiwan dito. Walang mga putik or signs na matagal na to dito." Halata sa mukha ni Cloud na napapa-isip ito. Kahit gusto kong sabihin na parang nakita ko na ito ay hindi ko nalang sinabi.

"Pabayaan mo nalang yan diyan. Hindi naman si George yan ei. Si George ang hinahanap natin hindi ang nawawala mong tsinelas." Pina iinom ni Gray ng tubig si Spiff. Ako naman pilit na ina alala kung saan ko nakita itong tsinelas.

"Yeah. Tayo na nga." Ay baliw! Itapon ba naman yung tsinelas. Ay bahala ka diyan. Nag lakad nanaman kami ulit. I checked my watch and 11:20 na pala. Malalim parin ang iniisip ko, bakit ba kasi ang hina ng memory ko ei.

" Are you listening Nee?" Cloud snapped me. I wasn' t paying any attention kaya hindi ko alam na kinakausap niya pala ako.

"Ha? Ah, ano yun Nii?" Para akong tanga. Hai buhay!

" Sabi ko gusto mo bang kumain?" Ngayon ko lang na notice na inaabot niya pala sa akin ang isang sandwich. Sila naman ni Gray kumakain ng chips.

"Ah, sige. Thank you." Kakainin ko nalang to. Gutom narin ako ei. Pero bakit akin sandwich then kanila chips? Nasaan ang hustisya? Ang daya nila. Gusto ko din ng chips!

" Teka! Bakit wala akong chips?" Naka frawn ko na tanong.

"Alam mo kasi Sky, mas kailangan mo yan kaysa chips kaya kainin mo na." Pinatt ni Gray ang ulo ko. If I know pinapahid lang niya yung cheese sa ulo ko.

"Yuck! Lamayo ka nga! Diskarte mo ei. Kala mo sa akin? Pahiran ng kamay mo na may cheese? " sita ko sa kanya.

"Hoy hindi kaya!" Dipinsa naman ni Gray.

"Tama na nga yan. Maghahanap pa tayo kay George so no time para mag landian kayo diyan." Tawa ng tawa si Cloud. Teka! Ano daw? Landian? Did I heard it right?

" Landian ka diyan! " Sigaw ko sa kanya.

" Wala Nee. Kaw naman oh! High blood agad."

"Tayo na nga Cloud. Inaaway na naman ako ng langit na yan. Sa ulap nalang ako sasama ayaw ko na sa langit." Pagdrama ni Gray. Baliw lang? Bahala kayo diyan. Maghahanap na ulit ako.

"Tayo na nga Spiff." Yaya ko kay Spiffy at sumunod naman ito. Sumunod na rin yung dalawa.

Lakad dito, lakad doon. Hanap dito, hanap doon. Sigaw dito, sigaw doon. Wala paring George na nahahanap o sumasagot. Pagod na kaming tatlo, I checked my watch. 11:47 na, kailangan na nami sigurong bumalik. Hindi pa namin na cover yung buong area kasi medyo malapad yung side namin. Kina Alex yung medyo maliit. Ito kasi yun. Diba heart ang shape ng island. Kung nasa itaas ka, makikita mo ang beach house sa left side nung heart, so and paghati namin pa horizontal, kaya yung part namin ang sa may dalawang curve, tapus kina Alex yung sa may edge. Gets niyo ba? Kung hindi, problema niyo na yun. Malaki pa problema ko dito.

" 11:47 na pala. Balik na tayo?" I asked them.

"Okay. Saktong 12 andoon na tayo. Wala din naman tayong nakikita ei." Gray agreed.

"Okay. Lets go." Pati din si Cloud. So ayun, bumalik na kaming apat. On our way pabalik ganun pa rin ang aming ginagawa. Wala pa din. Sana nakita na siya nung iba.

12:20 nalarating na kami ng bahay. Andoon na silang lahat at parang may hindi tama. Anong nangyari?

Killing Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon