Third Person's POV. .
Pagkalabas ng tatlo sa bahay ay dumeritso na sila sa watchtower. Maingat ang bawat galaw nila para maka iwas sa mga nakaset up na traps.
Doon naman sa watchtower ay inaakala ni Elly na hindi parin ang mga ito gumagawa ng aksyon dahil sa napapanood nito.
Si Andrew nakalabas na ng bahay at nagtungo sa ibang deriksyon.
Ang mga magulang naman nila ay naghahanda na sa pagsundo sa kanila at inaantay nalang ang sasakyan.
Malapit na sina Lance,Gray at Cloud sa watchtower at tanaw na nila ito pati na ang usok na nanggagaling sa malalim na hukay sa may gilid nito.
"Bro? Yan ba ang hukay kung saan daw nila susunugin ang mga katawan?" Tanong ni Cloud sa mga kasamahan.
"I gues, and tingnan niyo doon sa may watchtower." Turo ni Lance sa may itaas. Napakuyom naman ng kamao ang dalawa sa nakita.
"Mga demonyo talaga! Bilisan na natin bago pa mahuli ang lahat." Nagtatangis ang mga ngipin ni Gray dahit sa galit ng makita ang bangkay ng mga kasamahan nilang nakasabit sa itaas ng watchtower at nakatuon malapit sa hukay.
"Ang kapatid ko. Aaarrrggghhhh!" Sabay takbo nanaman nilang tatlo pero maingat ang bawat hakbang nila.
Umakyat na sila sa watchtower. Nauna si Cloud tapus si Gray, nasa hulihan naman si Lance.
"Teka! Andito yung power generator ng buong isla." Naalala ni Lance na nakita niya iyun noong pumunta sila rito at nakita niya iyon sa mapa. Pumasok siya sa maliit na kwartong iyun at sumunod naman ang dalawa.
"Anong gagawin natin dito?" Palinga-linga si Gray dahil sa mga parang glass na nagbaabsorb ng sikat ng araw na nakaharap sa malapad na bintana ng watchtower tapos may machine na nagcoconvert nito into an electricity.
"Sa palagay ko magsisira tayo ng mga bagay-bagay. Right Lance?" Nakangising sagot ni Cloud sabay putol ng mga wires malapit sa kanya.
"Yeah." Binaril naman ni Lance yung machine kaya umusok ito. Mabuti nalang at soundproof ang kwartong iyun at hindi dinig ng kalaban ang mga ginagawa nila.
"Ganun? Sige ako rin." binasag ni Gray ang mga glass na mahawakan niya. Ilang minuto lang ay dumilim na ang paligid. Patay na ang ilaw at wala ng kuryente.
"Let's go." Yaya ni Lance. Nagawa na nila ang dapat nilang gawin. Alam niyang nagkakagulo na ngayon ang mga kalaban nila kaya pagkakataon na nila para lumusob. Nang biglang nakarinig sila ng malakas na putok pati pagsigaw ni Sky.
"Shit! " mas lalo pa nilang binilisan.
Tumatakbo sila ng may nabangga si Cloud. Hindi niya ito kilala.
"Paanong?. . ." Nagtatakang tanong ni Elly. Sa pagkakaalam niya kasi ay nasa bahay parin ang mga ito.
"Who are you?" Gray asked.
"He is one of them." Lance announced. Agad namang sinunggaban ni Cloud ang lalaking nakabangga nila.
Tahimik lang si Elly habang naglalakad silang apat patungo sa kwarto kung nasaan sina Sky.
Sinira nila agad ang pinto at itinutok nina Gray at Lance sa loob ang hawak nilang mga baril.
Naabutan nilang nakagapos si Sky at dumudugo ang braso, may babaeng nakatalikod sa kanila ang may hawak na baril na akmang babarilin nanaman sa kabilang braso nito. May isang lalaki naman ang andoon sa harap ng computer, kinilala nila itong si Ron. Tinutukan ito ni Gray ng baril.
Nagulat silang tatlo ng humarap sa kanila ang babaeng bumaril kay Sky.
"Claire?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lance sa babae.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...