I checked my watch, it's already 12:45 noon.
"What the hell is going on here?Saan galing tong dugo?" Tanong ni Alex.
" Guys? Claire? Bren? George? Nasaan kayo?" Kinakabahang tawag ni Kuya Drake sa kanila.
Saan kaya galing ang dugong nagkalat dito. Wala pang tao, kinakabahan na din ako. Tumakbo naman sa itaas sina Cloud and Andrew to Check the girls.
"Spiffy?!" Sigaw ni Gray.
"Aw!Aw!" Spiffy answered, galing ang tunog sa ilalim ng center table. Tiningnan namin and were surprised to see Spiffy with a bloody hare.
" My god! What did you do Spiff?" Tanong ni Gray sa kanya. Sa posisyon nilang dalawa, parang binabantayan ni Spiffy ang hare. Parang umiiyak si Spiff at tinutulak niya ng kanyang nguso ang hare na para bang sinasabi niyang tulungan namin ito.
I checked the hare, buhay pa ito. May palasong nakatarak sa may dibdib nito.Sinuri ko ang buo nitong katawan, wala namang sign na nasugatan ito dahil sa kagat ni Spiffy. Sapalagay ko sinadya ang pagkakapana ng hare. Someone did it, But who?
"Sino naman kaya ang may kagagawan nito? " tanong ko kina Alex, Lance at Kuya.
Tiningnan nila ito. Umalis naman si Lance, I bet he followed the blood trail. Kinuha ko yung hare at gagamutin sana but nang hinawakan ko na siya, wala na. Patay na ito. Tumatahol ng tumatahol si Spiffy.
" Huli na ang lahat. It's dead." I declared. Kawawang nilalang. Binuhat naman ni Gray si Spiffy.
"Guys what's happening?" May nagsalita mula sa hagdan. It was Claire na halatang bagong ligo.
"I think kami ang dapat magtanong niyan Claire." Sagot ni Alex sa kanya.
" I don't know. Kagagaling ko sa kwarto, naligo kasi ako
pagkatapos kong magluto. My God! Saan galing yung dugo?" She noticed the blood on the floor.
"Ei sino yung sumigaw?" Tanong ko.
"Ha? Wala naman akong narinig ah?" Baka sa lakas ng tubig ay hindi niya narinig yung sumigaw. Sino kaya kina Bren and George yun? Hindi pa sina Cloud bumababa.
" May narinig kasi kaming sumigaw. And to our surprise ito ang nadatnan namin. I'm happy that you're okay." Paliwanag ni Kuya.
"Guys I think may sugat na ng dinala ni Spiffy yung hare. Look at this trail, it leads outside. Siguro lumabas si Spiff at nakita niya ang duguang hare at dinala niya dito para makita natin. Kaya nga lang walang tao ng pumasok si Spiffy kaya hinanap niya pa tayo sa loob ng bahay dala-dala ang hare kaya nagkalat yung dugo." Mahaba-habang paliwanag ni Lance.
" Guys si George yung sumigaw. Napunit daw kasi ang damit niya." Wika ni Cloud habang pababa ng hagdan. Sumusunod naman sa kanya sina Andrew, Bren at George na parang namatayan. Dinidibdib niya siguro ang pagkasira ng damit niya. Napunit lang yung damit makasigaw naman kala mo mamatay na. Pinakabahan pa kami.
"My God! Why did you bring that kadiring creature in here Sky?" Maarteng tanong ni George sa akin kasi hawak-hawak ko yung patay ng hare sa mga kamay ko.
"Spiffy did. Dinala niya dito for us to see it. Kaya nga lang walang tao so dinala nalang ni Spiff diyan sa may gilid ng center table at binantayan. Wala bang kahina-hinalang nangyari dito ng wala kami?" Si Lance ang sumagot ng tanong ni George sa akin.
"Hmmm? Kahina-hinala? Parang wala naman. Pero teka pano ba masasabing kahina-hinala ang isang pangyayari?" Tanong ni Bren.
"Kahina-hinala yun bang makikita ka nalang nilang patay sa isang tabi kasi pinatay na kita dahil diyan sa utak mong napakaslow!" Inis na sagot ni Alex sa kanya.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...