2:39 am, Simula na ng panglimang araw namin dito sa isla. Simula kaninang mag aala-una palang andito na kaming pito sa may sala. Maaga pa kaming natulog kagabi,nakatulog lang ako ng ilang oras dahil narin siguro sa pagod. Pero nung nagising ako kahit anong pilit ko hindi na ako makatulog pang muli. Nangtiningnan ko so Cloud ganun din pala siya kaya napagpasyahan naming lumabas ng kwarto. Nadatnan namin sina Gray at Lance,maya-maya lang lumabas din sina Bren, Lex and Drew. Hindi rin daw sila makatulog.
Tahimik lang kaming pito at pinapakiramdaman ang paligid. Hindi rin namin pinailaw yung mga ilaw, isang maliit na gasera lang ang ginagamit namin.
"Gusto niyo ng gatas? Gagawa ako." I broke the silence. Medyo nilalamig kasi ako so sapalagay ko kailangan kong mainitan kahit kunti lang.
"Ako Nee." Sagot ni Cloud.
"Pwede ako din Sky?" Si Gray.
"Me too." Si Bren.
"Pwede coffee nalang yung sa akin Sky?" Si Lance.
"Sure. Sino pa ang may gusto ng coffee?" I asked again.
"Ako din sana Sky." Si Andrew.
"Tulungan na kita Sky. Coffee din yung sa akin." Presenta ni Alex. Nag smile nalang ako as a reply.
Pumunta na kaming dalawa sa kusina. This time, pina ilaw na namin yung ilaw.
"Ako na ang gagawa ng sandwich Sky." Dumiritso siya sa ref at kumuha ng loaf at sandwich spread.
"Sige. Ako na bahala sa inumin." Inihanda ko narin yung mugs.
Tahimik lang kami ni Lex sa mga ginagawa namin. Nakapagtimpla na ako ng Apat na mugs ng gatas at tatlong mugs ng coffee.
"Tapos na ako Lex.Ikaw dyan?" Inilalagay ko na yung mugs sa isang tray.
"Tapos na rin Sky. Ako na niyan, medyo mabigat yan ei. Ito na lang sayo." Inabot niya sa akin ang tray ng mga ginawa niyang sandwich.
"Sige. Ikaw bahala. Thank you." Kinuha ko nalang yung inabot niya. Nagsmile naman siya at kinuha yung tray na may mga mugs.
"Lets go." Nauna na siyang maglakad so sumunod na ako. Ako nalang yung pumatay ng ilaw kasi ako yung nahuli tapus mas magaan yung dala ko.
Pagdating namin sa may sala ay same position parin ang mga kasamahan namin.
"Oy andito na ang order niyo." Biro ko sa kanila sabay lapag ng dala ko sa center table at ganun din ang ginawa ni Alex.
"Thank you!" Sabay abot nila ng dala namin.
Tahimik na naman ulit kaming umiinum at kumakain.
Nang malapit ko nang maubos ang iniinum ko ay parang nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa may ulo ko.
"Bakit parang nahihilo ako?" Reklamo ni Alex at nakahawak din sa may ulo niya.
"Ako nga rin."dagdag ni Bren.
"Sky/ Nee . ." Tinig nina Gray at Cloud ang huli kong narinig.Parang nagblackout ang lahat.
"Sky? Sky? Wake up." Naramdaman kong niyuyugyog yung braso ko.
"Sky? Please gumising ka na." Patuloy pa din ang pagyugyog sa braso ko.
"Hhmmmm." When I open my eyes, si Lance ang una kong nakita. Siya pala ang gumigising sa akin.
"Good your awake Sky." Then he hug me. Okay whats happening? The last time I remembered nahilo lang ako, pati na pala sina Bren and Alex. Then suddenly all went blank.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mistério / SuspenseA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...