"Yow! Whats happening here?" Bati ni Gray pagpasok namin sa bahay. Pero walang sumagot, iyak lang sila ng iyak. Sinalubong naman ako ni Alex at niyakap.
"What's wrong Lex? " hinagod ko yung likod niya. Ano ba ang nangyayari? Bakit iyak lang sila ng iyak?
"Sky. . .Sky. . ." Yun lang ang nasabi niya. Kinakabahan na talaga ako. Nakita ko naman si Cloud na lumapit sa may sala.
"F*ck! Shit! Anong nangyari! Kuya!" Bulalas niya bigla. Nagkatinginan naman kami ni Gray. Bumitiw naman si Alex sa akin. Agad akong lumapit kung saan naroon si Cloud.
Pagharap ko sa may couch, nakita ko ang duguang katawan ni Kuya Drake at wala nang buhay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko namalayan patuloy na pala sa pag agos ang mga luha ko. Parang nanlambot ang tuhod ko, naramdaman ko nalang na may umalalay sa akin. Hindi na ako nag abalang tingnan kung sino man iyon. Iyak lang ako ng iyak. Paano nangyari to? Hindi to totoo. Nananaginip lang ako.
"Please tell me this is not true. Kuya, stop fooling around. Hindi na nakakatawa." Patuloy pa din sa pag agos ang mga luha ko. Niyakap naman ako nung umalalay sa akin.
"Iiyak mo lang yan Sky." Akala ko si Gray or Cloud yung nakayakap sa akin. Si Lance pala.
Hindi na ako sumagot, I hugged him back and pour my heart out. Ilang minuto din siguro akong ganun. Hindi rin ako binibitawan ni Lance. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Bumabalik sa isipan ko yung mga moments namin ni Kuya.
Flashback . .
"Princess! Congratulations. .nakapasok ka pala sa gusto mong School Org.? Sabi ko naman sayo kaya mo ei." Malayo pa ako sumisigaw ni si Kuya. Hulaan niyo kung nasaan kami? Nasa parking lot ng school lang naman at uwian pa. Maraming mga estudyanteng nagtitinginan sa amin.
"Thanks Kuya! " Agad ko siyang niyakap. He patted my head naman.
"Galing talaga ng Princess ko. Kuya is very proud of you my little princess." Nakasmile na saad ni Kuya. Parang nakakatandang kapatid ko na talaga si Kuya. Parang siya pa nga yung kapatid ko kaysa kay Cloud ei.
"Syempre Kuya, Mana yata ako sayo. By the way, nasaan yung iba?" I noticed na siya lang mag isa.
"Sumakay ka na Princess, they are waiting for us. Proud kaming lahat sayo. So, we prepared a celebration. Si Cloud ang naka isip nito. Magpasalamat ka sa kanya, okay?" Paalala niya sa akin. Tumango nalang ako.
Sumakay na kami sa sasakyan niya, may inabot siya sa akin na ice cream. As in one gallon.
"Akin to lahat Kuya?" Excited kong tanong. Chocolate flavor ei. Favorite ko.
"Yeah. Wag mong sasabihin yan sa kapatid mo ha? Magtatampo yun kasi wala siya. I know kaya mong ubusin yan bago tayo makarating sa bar nina Andrew." Biro ni Kuya. Nagtawanan naman kami.
End of flashback. .
Napapangiti ako sa alaalang yun. Si Kuya talaga yung nag sospoiled sa akin sa hilig ko sa ice cream. Taga cheer ko pa yan sa lahat ng bagay at sinasabihang proud siya sa akin. Kahit maliit na bagay palaging may celebration,kasi daw life is shorrt so we must celebrate every little achievement we have.
Flashback. .
"Sky!" Tumaas na ang boses ni Kuya sa pagtawag ng pangalan ko. Galit na yan, naku! Nakakatakot.
"Bakit Kuya?" Nakayuko kong tanong habang naglalakad papunta sa kanya.
"Sinabi na nang doctor na magpahinga ka. Bakit ang tigas ng ulo mo? At sabi mo nasa bahay ka?" Inatake kasi ako ng asthma ko, at sabi ng doctor wag muna akong magpagod. E eto ako ngayon, nag vovolleyball. Malay ko bang pupunta dito si Kuya. Kaya nung tumawag siya at tinanong kung nasaan ako sabi ko nasa bahay.
"Sorry po." Natatakot talaga ako kay Kuya pag galit. Wala ngayon sina Mommy,nasa business trip. Kaming dalawa lang ni Cloud, hindi naman ako nakikinig sa kanya. Siguro sinumbong niya ako. Nakakainis ka talagang ulap ka!
" Get your things. Iuuwi na kita." Sinunod ko nalang ang sinabi ni Kuya.
Nung nasa sasakyan lang kami,walang nagsasalita. Nung nakarating na sa bahay.
"Sorry Princess, nag alala lang talaga ako sayo." Basag ni Kuya sa katahimikan.
"Its okay Kuya. I understand,sorry po ulit." Niyakap ko siya.
"Its okay little princess." He hugged me back.
"Cloud? Gray? Andito na ang prinsesa ko, bantayan niyong mabuti. Baka kung saan naman to pumunta." Sigaw ni Kuya kina Gray and Cloud na nanonood ng basketball.
End of flashback. .
Pinapagalitan di ako ni Kuya pag matigas ang ulo ko. Napaka swerte ko talaga na naging Kuya ko siya kahit hindi sa dugo. Ang totoo niyan Kuya siya naming lahat. At ngayon, wala na siya. Sa isang iglap lang wala na ang Kuya namin.
Naramdaman ko na patuloy pa rin ang paghagod ni Lance sa likod ko. Kaya bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Okay ka na Sky?" Tanong niya na inaalayan parin ako hanggang sa naka upo ako.
"I dont know. " My voice is breaking.
"Uminom ka muna Sky. " inabutan ako ni Alex ng tubig. Napansin ko na seryuso palang nag uusap sina Claire, Drew, Cloud and Gray. Pero ayaw ko munang marinig kung ano ba talaga ang nangyari kay Kuya.
"Thank you. Si George ba andito na?" Tinanggap ko naman yung tubig. Umiling lang si Alex. So wala pa talaga si George.
"Magpahinga na muna kayong lahat ,maghahanda lang ako ng pagkain." Narinig kong paalam ni Claire. Naalala ko na naman si Kuya. Tumulo nanaman ang mga luha ko.
Flashback. .
"Kuya ano yan?" Tanong ni Gray. Nasa bahay kaming apat ngayon. Si Kuya, Ako, Si Cloud and Gray.
"Nakalimutan ko ang tawag. Basta nakita ko to sa internet and I tried to prepare one . Masarap naman, kaya gusto kong matikman niyo." Sagot niya na busy pa rin sa pagluluto.
"Ah. Ikaw Sky? kailan ka matututong magluto?" Aasarin nanaman ako ng mokong na to panigurado.
"Pag pinag aralan ko na. Bakit?" Taas kilay kong singhal sa kanya. Uunahan ko na siya ,akala niya.
"Naku Bro! Pag yang kapatid ko ang mapapangasawa mo, gutom aabutin mo. Di kaya highblood. Sunny aide up lang alam lutuin niyan ei" Sabat ni Cloud na galing naman kung saang parte ng bahay.
" Parang tama ka bro. Pero okay lang, mahal ko naman yan ei. Magpapadeliver nalang kami palagi." Paki ride on naman ni Gray.
"Yuck! Ayaw ko kayang makasal sayo. Kung mag aasawa ako ang katulad ni Kuya. Diba Kuya?" Proud kong saad.
"Depende sayo Princess. Pero promise mo pag nag asawa ka na Princess parin kita ah? Ipagluluto parin kita palagi." Nakasmile si Kuya habang humihiwa ng mga sangkap niya.
"Syempre Kuya!"
"Parang gusto kong magselos sayo Kuya ah?" Biro ni Gray sa kanya.
"Bakit naman Gray?" Natatawang tanong nito.
"Kasi Kuya mas gusto kang pakasalan ng kapatid ko kaysa kanya. .Aray naman bro!" Sabat ni Cloud kaya ayun binato ni Gray ng kamatis.
"Alam niyo kayong dalawa,wag niyong pinag titripan yang Princess ko. Sige kayo, hindi ko kayo papakainiin ng niluto ko."
End of flashback. .
Bawat galaw ata ng mga kasamahan ko si Kuya ang naiiisip ko. Ang eveytime na titingin ako sa couch parang dinudurog ang puso ko.
Parang gusto ko nang malaman ang nangyari kay Kuya. Kahit masakit, kailangan ko na siguurong tanggapin.
"Lance? Can you tell me what happened?" parang kalmado na ako ngayon.
"Are you sure?" Umupo siya sa tabi ko. Tumango naman ako and sinimulan niya nang magkweto.
Patuloy lang ako sa pag iyak habang nagkukwento si Lance. Trap naman pala ang dahilan ng pagkamatay ni Kuya. May dapat ba kaming sisihin? Mayroon bang may kasalanan sa nangyari? Ang hirap naman ei.
Hindi pa natatapos ang pang apat na araw namin dito dalawa na ang wala. Si George hindi pa nakikita. Si Kuya naman nawalan ng buhay. Ano pa ang susunod? Anong klaseng bakasyon ba to! Buhay nga naman oh!
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...