Gray's POV
I am happy for myself, finally nasabi ko na kay Sky ang dapat kong sabihin. This may be the best place for my confession but this is not the right time. Well, the truth is plano ko na talagang magconfess sa kanya sa huling gabi namin dito. Napagplanuhan na nga namin nina Cloud yun ei. Pero parang malabu ng mangyari yun kaya ginawa ko nalang ngayon. Ayaw kong mamatay na hindi ko man lang nasasabi sa kanya na mahal ko siya. Sounds gay, but who cares?
"Nasaan si Bren?" Napabitiw ako kay Sky nung may nagsalita. Si karibal pala, isturbo! Ang talim ng tingin niya sa amin ah? Narinig niya siguro ang pinag-usapan namin ni Sky. Kahit hindi niya ako sinagot, i can feel it. She likes me too, okay assuming!
"Ayan oh." Turo ko sa inuopuan ni Bren kanina.
"Andyan lang siya kanina. Baka umakyat sa itaas?" Parang naalarma ako kaya tumayo ako at ganun din si Sky.
"She's not there. Doon ako galing." Cold na sagot ni Lance kay Sky. Selos yan! Sorry ka nalang dude! Pero nasaan na kaya si Bren? Wala sa sarili yun, baka saan na pumunta at may masamang nagyari sa kanya.
"Shit!" Tanging sambit ko nalang.
"I'll check in the kitchen." Tumakbo si Sky papuntang kitchen.
"Wala din." Saad niya sa kanyang pagbalik.
"Sa labas." Agad kaming tumakbo sa labas.
"Bren?! Bren?!" Tawag namin sa kanya habang naglalakad papalayo na sa bahay.
"Hindi niyo man lang ba namalayan na lumabas siya?" Tanong ni Lance.
"Hindi ei, si Spiff pala Gray nasaan?" Tanong ni Sky. Oo nga pala. Nasaan na yun?
"Ewan ko. Baka sumama kay Bren?" Hindi ako sigurado sa sinabi, nasa tabi kasi siya kanina ni Bren ei.
"Aaawwww!aawww!aaawww!" Si Spiff yun ah?
"Si Spiff yun ah?" Si Lance.
"Aaaww!aaaww!" Tahol parin ito ng tahol. Sinundan namin kung nasaan siya. Nasa ilalim ng mataas at malagong puno si Spiff.
"Andyan ka lang pala." Si Sky naglalakad na kami papalapit sa kanya.
"Ano yung tinatahulan niya sa itaas?"tanong ni Lance. Medyo malayo pa kasi kami sa kanya kaya hindi namin makita. Parang ngang may tinatahulan si Spiff.
"Oh F*ck!" Sambit ko ng makita ko si Bren na nakabitin sa itaas ng puno.
"Shit!" Sambit naman ni Lance. Si Sky naman binuhat si Spiff kaya siguro hindi niya nakita ang nakita namin.
" Breeennn!!" Sigaw niya nung itinangala niya na ang kanyang ulo.
"Hold on Bren!" Aakyat na sana ako kaya lang naunahan na ako ni Lance.So pinabayaan ko nalang.
"Bren!" Umiiyak na si Sky. Tumigil na kasi sa pangingisay. Naputol na ni Lance yung baging gamit ang maliit na kutsilyo galing sa bulsa niya at dahan-dahang ibinaba si Bren. Sinalo naman namin ni Sky si Bren at wala na itong buhay.
"Paano ka ba kasi napunta dun? Ha Bren?" Yunyog ni Sky sa kanya habang umiiyak. Napaka iyakin talaga ng babaeng to. Promise ko Sky pagnakaligtas tayo dito hindi ka na iiyak.
Hindi naman makalapit si Lance kay Bren. Hindi maexplain ang expression sa mukha niya.
" Tawagin ko lang yung iba." Inihiga namin si Bren sa damuhan. Agad akong tumakbo pabalik ng bahay. Ayaw ko sanang iwan si Sky kasama ni Lance. Syempre karibal ko yun, pero this is no time for my selfishness.
Shit! Malayo na pala kami sa bahay. Pagdating ko sa bahay dali-dali akong umakyat sa room namin ni Andrew. Walang tao. Kaya dumeritso ako sa room nina Alex. Andoon nga sila. Natutulog si Alex, nakamasid si Andrew sa kanya. Magawa nga kay Sky. Di joke lang, Oo nga pala nagmamadali ako.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...