Chapter 3

367 12 0
                                    

Nasa labas na kaming lahat. It's time for the bonfire. First game Spin the bottle. Palagi naman ei ,kung sino man naka imbento nito ay maraming maraming salamat sayo. Nagagawa ko ang mga bagay na ayaw kong gawin.

Sitting position namin pabilog. Ako sa left ko si Cloud,then his best friend Gray, Kuya Drake, Andrew, Alex, Lance, Claire, George,then Briana,nasa right ko si Briana ei.

" Okay guys here's the rule, who ever spins the bottle will be the one to ask or order the person na tinuturo ng head ng bottle. Game?" Panimula ni Kuya Drake, as you can notice He is the leader of the group. He is the kuya of all nga diba? He is always on the front line. Wala naman kaming angal dun, buti nga yun ei may umako sa responsibility of being our kuya.

" Game! " All of us answered.

Kuya did the first spin. It stopped pointing to Andrew.

" Buena mano ka nanaman dude! Hahahahah!" Kantyaw ni Alex kay Drew.

" Oo nga ei. " nagkamot pa siya ng ulo niya na nakasmile. Tinukso naman siya ng iba, pag naglalaro kasi kami parati siya ang unang natataya or napaparusahan. Poor him,pero walang reklamo yan.

" Pano ba yan dude. Hehehehe! Truth or dare?" Kuya asked him.

" Dare? " alanganin niyang sagot.

" okay simple dare, tumakbo ka papunta doon sa punong yun, pagdating mo dun ay sumigaw ka ng AKO SI DARNA! ." Natatawang dare ni Kuya.

" Sus! Yun lang? " sagot ni Andrew.

" Hindi pa tapos, isusuot mo to at maglalagay ka ng lipstick." inilabas ni Kuya ang isang pares ng two piece at isang lipstick. Wow! Hindi handa ah. Hahahahaha! Kulay pink yung two piece.

" seriously dude? Ow shit!" Nagtawanan naman kaming lahat. Ayaw na ayaw kasi ni Andrew ng lipstick, ewan ko diyan ei ang mga babae niya naman mukhang clown sa kapal ng lipstick. Hahahahaha!

" Yeah! Seriously. " Kinuha naman ni Drew yung props, isinuot yung two piece. Syempre may damit siya sa loob, malamig kaya dito baka magkasakit pa tong si Crushy ko. Patayin pa ni Alex itong si Kuya.Hahahahahahaha.

" Come here babes, I'll put your lipstick on." George offered him. Lumapit naman siya dito at nagpalagay ng lipstick, hindi ma pinta yung mukha niya habang nilalagyan siya ng pulang lipstick. Gwapo parin siya, bakit kaya? Hahahahaha.

" Bakit ba ayaw mo sa lipstick Drew? " Briana asked. Tiningnan naman siya ng lahat, wanna know why? Ei kasi po pang hundredths times nang sinagot ni Andrew yan. Siya rin palagi ang nagtatanong.

" Ewan ko sayo Bren, just do your task Drew. Don't mind Her." Utos ni George. Si Bren nagpout nalang, ang cute. Andrew did what He was told,parang baliw. Pagkatapos ay tinanggal niya agad yung lipstick. And guess what? Panyo ni Alex yung ginamit niya. Hihihihihi!

Next spin, pointed to Claire.

" Okay! Claire,truth or dare?" Andrew asked Claire.

" Dare nalang. " tipid niyang sagot.

" Dare? Uminum ka nitong beer at mag sexy dance sa gitna. " utos ni Drew.Si Claire naman pulang - pula. Hindi sanay si Claire sa mga ganyan. Hindi siya sumasama sa mga clubs, hindi umiinum. Baliw talaga tong si Drew, mukhang seryuso pero wala ring kwenta. Kawawang Claire. Miss Goody will do a sexy dance.

" do I have to do it?" Nahihiya niyang tanong.

" You must darling, get out of your shell." sabat ni George sa kanya.

" Oh my God! Your a seafood Claire? Akala ko tao ka. Why do you have to lie to us? Tanggap ka naman namin kahit ano ka pa. And you George alam mo pala hindi mo man lang sinabi sa amin. " seryusong speech ni Bren. Hai ayan nanaman! Now you know na kung bakit ko sinabing siya ang pinaka shunga sa lahat?

Killing Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon