" Hey Guys! Are you enjoying ba? Me kasi Oo! This place would be a great graveyard right?" Boses ni George ang naririnig namin mula sa mga speakers.
"F*ck you George!" Sigaw ni Gray sa speaker.
"Bakit George? Why are you doing this to us?" I ask her kahit hindi ko siya nakikita at boses niya lang ang naririnig namin.
"Answer us George!" Sigaw na din ni Andrew. Ngunit wala ng may nagsalita mula sa speaker.
"F*ck! Arggghh!" Suntok ni Andrew sa may dingding.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Namatay ang mga kaibigan namin dahil din sa isa pa naming kaibigan? Ang sakit isipin na magagawa niya sa amin yun. Ang pagkakaalam ko maarte lang at nakakainis ni George pero hindi siya mamamatay tao.
"So we were right na nakikita nila tayo. " luminga-linga nanaman si Cloud.
"Andito lang sila sa loob ng bahay. Maaring sa isa sa mga kwarto dito. " Lance.
"Maybe its time para magkalinawan na tayong lahat. I think sa atic na muna tayo magsimula." Hindi ko ma hulaan kung ano ang nasa isip ni Gray sa mga panahong ito. Hindi maipaliwanag ang expression sa mukha niya. Kahit sina Cloud, Lance at Andrew ganun din. Parang nahihirapan din silang tanggapin kagaya ko na si George ang may kagagawan ng mga ito.
"Bakit sa Atic Bro?" Kunot nuong tanong ni Cloud kay Gray. Parang sigurado kasi si Gray nung sinabi niyang sa atic kami magsimula.
" May isa pang kwarto doon na hindi ko mabuksan noong umakyat ako doon. Hindi ko na pinilit na buksan kasi nga parang kwarto yun ng may ari nitong bahay at restricted iyon sa mga bakasyonista dito." Paliwanag niya.
"Baka doon sila nagtatago all this time." Dagdag ko.
" Tayo na bago pa maka alis ang mga yun. For sure nakikita at naririnig nila tayo ngayon." Kinuha na ni Lance ang baril niya mula sa likod niya.
"Wag kang aalis sa likod ko Nee ha? O di kaya kaya wag kang lalayo kay Gray. Panatag ang loob ko kung siya ang kasama mo. Lets go!" Inihanda na ng bawat isa ang kanya-kanyang mga baril.
"Drew!" Tawag ko kay Drew at ipinasa sa kanya ang hawak kong baril. Nasalo naman niya ito.
"Thanks Sky." I just smiled at him. Kinuha ko yung isa pang baril sa bag ko. So bale tag iisang baril na kami ngayon.
Lumabas na kami ng kwarto at umakyat papuntang atic. Nauna sina Cloud at Lance. Hindi naman ako binibitawan ni Gray.
"Kaya ko ang sarili ko Gray." Bulong ko sa kanya habang nagtatago kami sa isang gilid. Tinitingnan pa kasi nina Lance kung walang kalaban at kung pwede na kaming sumunod.
"Please let me protect you this time Sky." Parang nagmamakaawa ang boses niya kaya hindi na ako umangal pa. Suminyas naman na si Cloud na sumunod na kaya sumunod kaming tatlo nina Drew. Iika-ika pa si Drew dahil sa sugat niya sa paa. Si Gray naman wala pang lakas ang balikat niya.
Biglaang binuksan ni Cloud ang pintuan at tinutok ang baril niya sa loob pero wala naman ng tao. Itong ginagawa namin mukha namang useless ei kasi nga nakikita naman kami ng mga kalaban namin so kahit anong gawin namin one step ahead parin sila.
"Walang tao." Mahinang saad ni Andrew. Wala ngang tao at walang bakas na nagkaroon ng tao sa lugar na ito. Maganda pala dito, parang kwarto ng babae at yung pabangong umaalingasaw sa loob ay parang pamilyar sa akin. Pero sigurado akong hindi ito kay George, ayaw na ayaw niya kasi ng Floral scent na pabango. Nakakahilo daw yun. Pero bakit may ganoong amoy dito kung andito si George?Siguradong magwawala yun ei. Pero nanahimik nalang ako, mukhang senseless naman ang iniisip ko ei.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...