Quarter to 11 na but maghahanap pa kami kina George and Bren. Pagbaba namin si Claire nalang ang naiwan.
"Where's everyone?" I asked her. Pabalik balik siya ng lakad, halatang hindi mapakali at tumigil lang siya ng marinig niya ang boses ko.
"Nauna na silang lumabas, matagal daw kasi kayong dalawa." She explained.
"So tayo na? Claire?" Cloud suggested. Naglakad na kami papalabas. He noticed that Claite is not following us.
"I told them kanina na maiwan nalang ako dito para kung bumalik si George ay may tao dito." She answered.
"Seriously?" I asked, Siya lang mag isa dito sa bahay.
"Yeah. Don't worry I'll be fine here. Ow! Before I forgot, mag 11:30 pala na hindi niyo parin sila nakikita ay bumalik na kayo dito. Yang yung bilin ni Drake kanina." She assured us.
"Okay. Mag-ingat ka dito ha?" Nagpaalam na kami at umalis.
Naglalakad na kami palabas ni Cloud pero na kay Claire parin ang iniisip ko. She's all alone in the house. Tapus lahat kami nasa labas naghahanap sa mga nawawalang sina George and Bren paano kung pagbalik namin si Claire naman ang mawala?
"Magiging okay lang ba si Claire doon?" I asked Cloud.
" Don't worry, she will. And we will find George and Bren." Cloud patted my head. I just smiled.
" George? Bren? Where are you?" Dinig kong sigaw. I bet kay Lance na tinig yun.
"Malapit lang sina Lance dito. Its his voice." I told Cloud.
"Oo nga. Wait Nee, wag kag lalayo sa akin." Hinawakan niya yung kamay ko. At times like this, nafefeel ko talagang mahal ako ng kapatid ko. We took a different route para mas malawak yung range na napuntahan namin.
"Okay. Magtawag narin tayo." Hinigpitan ko rin ang paghawak sa kamay niya. Yung kabilang kamay namin nakahawak sa flashlight. Hindi pa kami malayo sa bahay pero nakalabas na ng bakud.
" George? Bren!" Sigaw ko. Walang sumasagot. Hindi ko na rin naririnig ang tinig ni Lance. Mga huni nalang ng insikto ang naririnig ko.
"George?! Briana?!" Sigaw din ni Cloud. Kanina pa kami sigaw ng sigaw wala naman sumasagot. I checked my watch, 11:10 na. Twenty minutes left at babalik na kami ng bahay. Sana makita na namin sila.
Sigaw dito, sigaw doon. Lakad dito,lakad doon. Wala pa din. Medyo malayo na kami sa ilaw ng beach house. Medyo natatakot ako dahil sa iba-ibang tunog ng mga kung ano-ano sa paligid but I feel secured kasi hawak ng kapatid ko ang aking kamay.
"Nii? What's that?" May narinig kasi akong kaluskos sa may malagong damo. Napakapit ako kay Cloud ng mahigpit.
"It's nothing. Daga lang siguro yan or kung anong hayop jan." Doon niya itinuon yung flashlight.
"Aahhh!" Napatago ako sa likod niya ng lumabas yung nasa may damo. Pulang-pula yung mata niya. Nakakatakot.
"Nee,calm down. Malaking daga lang yun. Wag kang matakot." Pinakalma niya ako. Daga lang pala bakit parang ang laki noong nakita ko? Na eemagine ko pa yung mga mutts na nakalaban nina Peeta sa Hunger Games.
Nang makalma na ako, naghanap na kami ulit. May naalala ako bigla.
"Nii? May nabanggit ba si Gray about Spiffy? Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita." Mula kaninang hapon hindi ko na siya nakita ei.
" Ah, iniwan niya daw sa room nila ni Andrew. Hindi pa makapaglakad ng maayos ei. Don't worry about him, for sure tulog na tulog na yun. Mana yata sa akin yun. " Nagawa pa niyang magbiro.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...