Third Person's POV. . .
Matapos mag-usap ang magkakaibigan ay nagpaalam si Alex sa kanila na aakyat muna para maligo at sinamahan naman siya ni Andrew.
"Oy Lex sa palagay mo tama kaya yung sinabi ni Lance tungkol dun sa mga hares?" Tanong ni Andrew habang paakyat sila ng hagdan.
"Ewan ko. Malalaman natin kung tama nga yun o mali kung mangyayari ulit." Wala sa loob naman na sagot ni Alex.
"Adik ka? If mangyayari ulit yun, it means may mababawas nanaman sa atin. Wag nalang! Tama man yun o mali okay lang,wala na akong pakialam basta ba'y hindi na tayo mabawasan."
"Wow ang drama mo naman Drew, wala ng mababawas sa atin no!" Parang siguradong pahayag ni Alex.
"Sana nga Lex,sana nga! Oh dito na pala room niyo ei." Nasa may harapan na sila ng silid nina Alex and Claire.
"Oo nga, sige na maligo ka narin muna sa room nyo. Okay lang ako dito." Pumasok na si Alex sa kwarto.
"Sigurado ka? Okay ka lang ba talaga dito?" Nag aalangan si Andrew na iwan si Alex pero mapilit talaga ito.
"Oo nga sabi! Naiinis na ako sayo Drew alam mo yun?" Totoong naiinis na talaga si Alex sa kakulitan nitong si Drew pero masaya rin siya na handa siyang samahan ni Drew kahit anong mangyari.
"Okay fine! Ilang hakbang lang layo ko sayo ha? Sumigaw ka lang Lex, dadating ako para sayo." Pahabol pa ni Andrew habang naglalakad patungo sa pintuan ang kanilang kwarto.
"Oo na!" Kunwaring matigas naman si Alex pero nung nakapasok na si Andrew ng kwarto nito ay napangiti siya.
" Hai naku Drew. Mahal kita, alam mo ba yun? Kaya lang ano naman ang laban ko sa mga babae mo? Hai! Bestfriend mo lang naman ako at parang kapatid." Kausap ni Alex sa sarili niya. Matagal na siyang may gusto sa bestfriend niya pero hindi naman niya ito masabi kasi ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila.
Sa kwarto naman nina Andrew, pagpasok niya napasandal siya sa pintuan.
"Kailan ko kaya masasabing mahal kita Lex?Pagsinabi ko ba yun sasagutin mo rin ba ako ng I love you too o magagalit ka lang sa akin? Hai! Ang hirap naman ei,kung pwede lang sana ayaw kong mawala sa tabi mo lalo na sa nangyayaring ito. Antigas kasi ng ulo mo ei! Wala naman akong magawa, mahal na mahal kita at ayaw kong nagagalit ka sa akin." Kausap rin ni Andrew sa sarili niya. Kaya lang naman walang sinisiryusong babae itong si Andrew ei kasi si Alex naman talaga ang gusto niya kaya lang hindi niya masabi kung gaano niya ito kamahal. Pakiramdam niya kasi katropa lang ang tingin ni Alex sa kanya.
"Promise Lex pag nakaalis na tayo dito aaminin ko na ang lahat sayo." Nakasmile si Andrew na para bang nasaharap nga niya si Alex. Nabansagang playboy ei napakatorpe naman.
Dalawang pusong pareho ang nararamdaman ngunit ng dahil sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan ay mas piniling manahimik nalang at pigilan ang nararamdaman.
Naghanap na si Andrew ng susuotin at pumasok na sa cr para maligo. At ganun din ang ginawa ni Alex sa kabilang kwarto. Sa ibaba naman, nag uusap sina Gray,Cloud at Lance ng kung ano ang dapat nilang gawin habang si Sky naman ay nakatulog na ng dahil siguro sa pagod at gabi naman na talaga kung tutuosin.
Sa kwarto ni Alex, Nasa loob pa siya ng banyo ng may pumasok sa kanyang kwarto at nagtago sa mag gilid ng pintuan. Hindi naman namalayan ni Alex na may ibang nakapasok dahil sa tunog ng tubig na nalalaglag mula sa shower.
Paglipas pa ng ilang minuto ay tumigil na ang tunog ng tubig, at pinihit na ang doorknob. Naghanda naman yung pumasok para sunggaban si Alex.
"Hhmmmm!hhhmmmm!hhhmmmm!" Tanging tunog na nagagawa ni Alex dahil tinakpan ang kanyang bibig ng taong hindi niya pa nakikita ang mukha. Nakatowel lang si Alex at tumutulo pa ang basa niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...