Third Person's POV. . .
Nang tumakas na sina Cloud at Lance at dala-dala si Elly ay naiwan naman ang nagaalburutong si Claire, ang nakahandusay sa sahig na duguang si Gray, ang nanghihina ng si Sky at si Andrie.
Dahil sa galit at inis ni Claire ay hindi na siya napigilan pa ni Andrie sa pagbaril kay Sky.
"Sky! Noooo!" Sigaw ni Gray ng makitang dahan-dahan ng pumipikit ang mata ni Sky dahil sa panibagong tama niya sa bidbid.
Kahit hirap na hirap na at wala ng makita dahil sa luha ay pinilit gumapang ni Gray papalapit sa babaeng pinakamamahal niya.
"You! Where do you think your going? Hindi ka makakalapit sa kanya!" Galit na tinutukan ni Claire si Gray.
"Ano ba Lara! Kumalma ka nga! Naiiinis na ako sayo ei!" Inagaw ni Andrie ang hawak niyang baril.
"Arrrggghhhh! I hate you Ron! F*ckin'B*llsh*t,paano kung makatakas sila?" Napapasabunot si Claire sa buhok niya.
"Calm down. Okay? Look at them, sa palagay mo kaya pa nilang lumaban at tumakas? " Pinulot ni Andrie ang nabitawang baril ni Gray kanina.
Si Gray naman sinamantala ang pagkakataong para makalapit kay Sky.
"Sky? Please wake up. Please!" Hinawakan niya ang kamay ni Sky. Humahagulgol si Gray dahil sa nangyari kay Sky ng mapansin niyang walang dugo ang lumalabas mula sa dibdib ni Sky na tinamaan ng bala.
Dahil sa pagtataka ay tiningnan niya ng pulso ni Sky at buhay pa ito. Tiningnan niya ang natamaan at wala itong sugat kasi sa pendant ng kwentas ni Sky tumama ang bala na dapat sana ay tatapos na ng buhay niya. Nahimatay lang pala si Sky dahil sa pagod at sa mga nawalang dugo sa sugat niya sa braso.
"My God Sky! Buhay ka, please hold on. Makakaalis din tayo sa empyernong to. Babalikan tayo nina Cloud at Lance and until that time, ill do everything just to protect you." Bulong nito kay Sky kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.
"Hoy ikaw! Tama na yang drama mo." Inilayo ni Andrie si Gray kay Sky at tinalian din. Medyo umiikot narin ang paningin ni Gray dahil sa nawawalang dugo sa kanya pero pinipilit niyang manatiling gising para kay Sky.
"Buti naman at buhay ka pa. Pero sige, ill let you sleep for awhile." Tiningnan ni Andrie ang pulso ni Sky kaya nalaman niyang buhay pa ito. Inayos niya ang pagkakasandal ni Sky sa isang tabi at tinabi dito si Gray. Hindi nila alam na nagising na pala si Sky at nagpapapanggap lang itong wala pang malay.Nakalungay-ngay ang ulo nila ni Gray sa isang tabi kaya medyo hindi na sila pinagbuntunan ng galit ni Claire.
"Kailan pa natin babawiin ang pinsan ko Ron? Baka ano na ang nangyari dun. Hoy Ron ano ba? Sumagot ka nga!" This time si Ron naman ang inaaway niya, si Ron naman nagtitiis nalang dahil sa inis niya na rin sa inaasta ni Claire.
"Talk to me Ron!" Sigaw naman nito.
"Shut the f*ck up Lara! May ginagawa ako for God's sake!" Napatigil naman at naupo nalang sa isang tabi si Claire ng sigawan din siya ni Ron.
"Elly? Nakikinig ka ba? Answer me." Sa wakas ay gumana narin ang ginagawa ni Andrie.
"What's that Ron? Ow God! Oo nga pala pwede natin siyang macontact. Pakausap ako, bilis!" Pang aapura ni Claire sa kanya ng marinig nitong sinusubukang kausapin ni Ron si Elly gamit ang device na ginagamit din ni Claire noon para makailusap sila.
"Hindi niya. . ."
"Andrie? I know kayo to." Napatigil si Andrie ng may sumagot sa kabilang linya at hindi iyon boses ni Elly.
"Lance? " Claire exclaimed.
"Tapusin na natin tong kahibangang to." Kalmado lang ang boses ni Lance.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...