Chapter16

223 6 0
                                        

Mga past 1 na siguro hindi pa kami kumakain. Nasa sala parin kami.Everytime na titingin ako sa couch kung nasaan si Kuya ay nag uunahan nanaman ang mga luha ko sa pag agos. Inakbayan naman ako ni Cloud and whisphered to my ears that everything is going to be okay, so I smiled nalang as a reply.

"What are we going to do now?" Tanong ni Bren habang naka akap sa isang pillow at nakasalampak sa sahig.

"We need to go home bago pa tayo lahat mapatay." Parang wala sa loob sa sagot ni Alex. Napatingin naman ang lahat sa kanya.

"What? Totoo naman ah? We are not alone here in this f*ckin Island." Knowing Alex, gusto na niyang sumabog anytime. Dala siguro ng pagod, frustration and gutom kaya siya nagkakaganyan.

"Pano mo naman nasabi yan Lex?" Tanong ni Claire sa kanya na kakabalik lang galing kusina kakatapus lang siguro siya sa pagprepare ng lunch namin.Ako nga nagulat din sa sinabi ni Alex ie. Parang sigurado siyang may ibang tao talaga dito sa isla.

"Lance ikaw na lang ang magkwento sa nakita natin. " Baling nito kay Lance. Nasa kay Lance naman ngayon nakatuon ang atensyon ng lahat.

" okay, ganito kasi yun. Diba magkakasama kami nina Alex and Andrew. Na cover up namin yung buong area namin tapus nakarating kami sa kabilang side ng island. And may nakita kaming Speed boat doon." Kwento ni Lance. Saan naman kaya galing yun? Baka naanod lang o ano paman. Yan yung iniisip ko, ayaw ko kasing matakot at mag over react.

"Baka naanod lang dito sa island Lance?" Cloud voiced out the question in my mind.

"Sana nga ganun nalang. Kaya lang nakatali yung boat ei. At the last time we stroll over there wala pa yun doon. I presume na may bagong dumating dito sa island using that boat." Sagot ni Lance na parang hindi sigurado sa huling sinabi.

"So it means, may makakasama na tayo dito sa island?" Parang nabuhayan ng loob na reaction ni Bren. Kita mo to, nasayahan pa na ni hindi nga namin alam kong ano ang agenda ng bagong dating ei. And hindi man lang nagpakita sa amin o ano paman.

"Bakit parang happy ka pa?" Bagot na tanong ni Alex.

"Kasi may sumusundo na sa atin. Kung hindi man ay may tutulong na sa atin dito sa island." Nakasmile na saad nito.

"Alam mo Bren? Sana ganun nga lang yun. Pero bakit hindi man lang nagpakita sa atin yung dumating kung wala siyang hidden agenda? " sagot ni Gray sa kanya.

"Hidden agenda? Ano yun?" Inosenting tanong nanaman ni Bren.

"Tinatagong pakay? Yun yata tagalog nun ei. Ewan ko lang." Si Andrew pala. Kanina pa siya tahimik ei,ngayon lang nagsalita.

"Ah! D ko pa din gets." Yung huling sinabi ni Bren ibinulong niya na lang kaya wala nang pumansin sa sagot niya.

" Pwede nating gamitin yung Speed boat na nakita niyo para maka uwi na tayo." Cloud suggested.

"Ay? Uuwi na tayo? 4th day palang natin dito, then hindi pa natin nakikita si George." Nakapout na sabat nanaman ni Bren.

" We did our best to look for her Bren. Wala talaga ei. Iligtas na natin ang mga sarili natin habang may chance pa tayo. " pinatt pa ni Andrew ang likod ni Bren.

"Chance na ano?" Kunot nuong baling ni Bren kay Andrew.

"Chance na mabuhay for Christ's sake Bren! Kahit ngayon lang gamitim mo muna ng maayos yang utak mo. Lebre lang namang gamitin yan ei." Naiinis na bulyaw ni Alex sa kanya. Tumahimik nalang si Bren.

"So pupunta tayo sa boat, gagamitin natin ito pauwi. Wala namang means of communication dito sa island kaya wala tayong mahihingan ng tulong. For now that Speed boat is our only hope." Paliwanag ni Lance sa amin.

Killing Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon