5:48 pm na kami nakabalik ng bahay. Injured yung mga kasamahan namin dahil sa pagsabog nung boat na dapat sana ay gagamitin namin para maka uwi na kami.
"Bren pwede ka bang kumuha ng mainit na tubig?" Nasa isang tabi lang kasi si Bren ei. Parang wala sa sarili.
"Bren?" Tawag ko ulit sa kanya. Pero wala pari, tulala lang siya.
"Ako na Sky." Presenta ni Alex.
"Thanks Lex. Small basin nalang please and towel." Agad naman niya itong sinunod.
"Maliligo na muna ako." Paalam ni Lance at agad na tumayo.
"Paano yang mga sugat mo?" Pigil ko sa kanya.
"Okay lang to Sky. Dont worry." Dumeritso na siya sa kwarto nila.
"Pabayaan mo na Nee. Upset lang yun kasi palpak ang kinalabasan ng plano natin." Paliwanag ni Cloud sa akin. Ngayon lang kasi ako ni Lance tinalikuran.
"Ah. Okay. Gray ikaw?" Baling ko sa nakapikit na si Gray.
"Okay lang din kahit parang hindi." Sagot niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Ha?" Kunot nuo kong tanong.
"Ah. Wala!" Pumikit nanaman siya ulit.
"Andito na Sky oh." Nilapag ni Alex ang kanyang dala sa center table.
"Ito na rin yung first aid kit Sky oh." Kararating lang din ni Andrew galing kung saan. Nagpresenta kasi siyang maghanap ng first aid kit. Medyo iika-ika siyang maglakad. Nasugatan pala yung talampakan niya. Pero sabi niya maliit lang naman daw yun.
"Unahin na kita Nii. Para makapag pahinga ka na muna." Tumango naman si Cloud kaya ginamot ko yung mga sugat niya sa kamay. Buti at maliliit lang. Tahimik lang ako ng ginagamot ko siya. Kawawa naman kapatid ko.
"Oy! Andrew. Yung paa mo." Tawag ni Alex na umupo medyo malayo sa kanya.
"Aanhin mo?" Sagot naman nung isa.
"Puputulin ko." Ay ayan nanaman ang pambabara ni Alex.
"Wag na oy!" Mas umusog palayo si Andrew kay Alex.
"Gagamutin ko! Shunga ka talaga." Inabot niya yung isang betadine at cotton sa kit.
"Talaga?" Medyo lumapit si Andrew sa kanya.
"Bilisan mo bago pa mag bago isip ko." Tumabi naman na si Andrew at ginamot na ni Alex yung paa niya. Nakakamiss ang ganitong eksina. Yung parang nag aaway pero lambingan lang pala.
"Tapos na Nii. Pahinga ka na muna." Kakatapos ko lang gamutin ang mga sugat niya.
"Wag kang lalabas ng bahay Nee ha? Magpapahinga lang muna ako sa room natin." Paalam niya.
"Okay. Tapos ko kay Gray susunod na din ako." Naglakad na si Cloud.
"Pahinga na din muna ako Sky." Paalam din ni Alex. Tapos na pala niyang gamutin si Drew.
"Ako din." Si Drew.
"Sige. Sunod na din ako. Elalock ko nalang yung main door." Sagot ko nalang sa kanila.
Kami nalang ni Gray ang naiwan.Ay! Pati pala si Bren na tulala pa rin. Nasa tabi niya si Spiffy natutulog.
"Gray? Gray?" Hinawakan ko yung braso niya. Nakatulog na siguro to.
"Oy Gray? Gamutin natin yung sugat mo,para makapagpahinga ka na rin." Medyo niyugyog ko yung braso niya.
"Okay." Minulat na niya yung mata niya at bumangon.
BINABASA MO ANG
Killing Island (Completed)
Mystery / ThrillerA circle of friends who decided to spend their Vacation in Shinzoo Island a beautiful heart shaped island . Who would have thought that the planned vacation in this wonderful island will cost their lives and will end up as their graveyard? May ib...