"Kung para naman pala sayo kaya ginagawa yan ng Tito mo, intindihin mo nalang. Makipag cooperate ka, kaysa naman mapahamak ka diba?"
Alanis explained. We are here at the coffee shop where Alanis were working. It's her break time so she has time to have a chitchat with me.
It's been 5 days since that happens. And about my bodyguard, hindi siya yung klaseng bodyguard na nasa tabi ko palagi. Nasa malayo siya at nakamasid lang sa akin.
Ngayon nalang din kami nagkita ni Alanis since pareho kaming busy sa school. Thursday ngayon at maagang natapos ang klase ko si Alanis naman ay walang pasok tuwing Thursday pero may pasok siya kapag Saturday, kaya nagplano kaming magkita para na din mag rant sa kanya about what happend.
"Makikipag cooperate pa din naman ako kung sasabihin niya ang rason. Ang sa akin lang gusto kong malinawagan about sa nangyayari." I said. She sighed.
"Sabi mo ayaw ng Tito mo na may kukuha sayo mula sa kanya diba?" She asked. Salubong ang kilay ko na tumanggo.
"Baka yan talaga ang pinaka rason kaya niya ginagawa ito. Sa tingin mo sino ang kukuha sayo?" She asked. Napaayos ako ng sandal sa inuupuan ko. Mukhang may punto siya.
"Wala. Wala na akong magulang para kunin ako sa kanila. Impossible din na may kaaway si Tito sa business world, mukhang lahat kasi ng business mans kaibigan niya." I said as I bited my cupcake.
"Sure ka?Yung Mama mo?Hindi ka niya kukunin?" Natigilan ako sa pagnguya.
"Iniwan na nga ako tapos kukunin na naman?" Kalmadong sabi ko. Alanis shrugged her shoulders.
"Sabagay." She said. I sighed.
"Tama na nga itong usapan na ito. May quizz pa ako bukas." I said and opened my books.
Kaya din kasi ako pumunta dito para makapag-aral. May coffee shop naman katabi nong Condo na tinutuluyan ko, dito lang ang pinili ko kasi yun na nga para makapag rant sa harap ni Alanis.
"Rant pa sige." She said na ikinabusangot ko.
Ilang minuto lang din ay bumalik na siya sa pagtatrabaho. Ako naman ay nagpatuloy na sa pag-aaral. Nagtagal ata ako ng dalawang oras doon bago ko maisipang umuwi na at magpaalam kay Alanis.
Mga 6pm ako dumating sa condo kasi naabotan ako ng traffic. Inilagay ko muna ang gamit ko sa kwarto bago tumungo sa kusina para makapagluto ng haponan ko. Marunong akong magluto, tinuruan ako ni Tita Addi noon.
Pagkatapos kong magluto ay agad akong kumain. Hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago dumeritso sa kwarto. Nag half bath muna ako bago sumampa sa kama ko at nagsimula na namang mag-aral hanggang si hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising na pinagsisihan ko. Pagdating ko kasi sa classroom namin ay nabalitaan ko na may emergency meeting pala yung mga professors ng Architecture. Sana pala chineck ko muna yung gc namin, natutulog pa sana ako ngayon.
I choosed to stay at the library. Nagbasa-basa lang ako ng mga randoms books, nagsasawa na kasi akong mag-aral nong eh ququiz namin mamaya kasi alam ko na lahat iyon simula kahapon. 2 hours pa yung meeting ng mga Professors kaya matutulog muna ako dito saglit.
I slept for 30 minutes. I tried to sleep again but I can't so I decided to go to my next subject building, I'll stay there until the Professors meeting finish. I put my things in the cement table and sat at the cement chair infront of our building.
BINABASA MO ANG
Building Our Broken Hearts (Course Series #3)
Teen FictionCourse #3 Building our broken hearts A story of a Architect and Engineer "I made my life to be wonderful but I broke it into pieces but you... you mend the broken me. - Architect Maddison Aeon Xiomora Dixon "Life may break you but here I am ready to...