Kabanata 16

349 8 0
                                    




"Here's you Iced White Chocolate Mocha, Madame"


Napatitig ako sa nakalahad na Starbucks iced coffee sa harapan ko. Inilipat ko ang tingin sa may hawak nito at nakangiting Baldwyn ang nakita ko. Tinaggap ko ito at sumipsip agad.


"Thank you." I thanked.


He sat beside me pero pabaliktad. Nakasandal ito sa simentadong lamesahan habang umiinom sa iced coffee na binili niya at naka focus sa cellphone. Andito kami sa harap ng building sa susunod kong subject, dito kami tumambay kasama sila Rail at Dead kanina. Umalis lang sila para mag starbucks.


"Si Rail at Dead?" I asked as I shifted my gazed at my notes.


"Nagpaiwan." Hindi maayos yung pagkakabigkas niya non kasi parang kinakagat niya yung straw. When I looked at him, I was right.


"Inomin mo nga ng maayos yan Wyn!" Sita ko. Tinignan naman ako nito at inayos niya naman ang pag-inom nito. Binalik niya muli ang atensyon sa cellphone niya.


It's been two weeks at madalas na kaming magkasama. Naikwento ko na din sa mga kaibigan ko that I am in love with him, except kay Alanis na siya mismo nakaalam na in love ako. I kinda regret that I told my friends about this kasi puro sila tukso sa akin.


Sa two weeks na dumaan nakaya kong itago mula kay Wyn ang nararamdaman ko. I'm always acting normal when I'm with him, when he's gone doon na ako nagwawala. Hindi din nawawala yung bangayan naming dalawa.


"Aalis na ako mamaya." He said. He's now looking at me.


"Okay."


"Paano ikaw?"


"Alangan naman sasama ako sayo? Syempre, papasok sa class ko!" I said and rolled my eyes.


"Nag susungit na naman! Hindi kita samahan sa training mo mamaya eh!" He said. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Edi don't! Hindi ka kawalan." I said and stucked out my tongue.


Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko kanina habang sumisipsip sa iced coffee na binili niya. I heared him chuckled but I didn't look at him. Saya niya sakin ah? Ako din masaya sa kanya na may halong pagkamuhi. Char!


"Just kidding. I'll come with you." He said.


Sinasamahan talaga ako nito kapag may training ako. Change schedule na kasi yung training nila, tuwing hapon na. Pinapabayaan ko nalang na sumama ayaw kasi mag-paawat eh.


"Okay." I just said without looking at him.


"How about lunch? Sama ako?" Paghihingi niya ng pahintulot.


"Lalabas ako mamaya. Magkikita kami ni Alanis." Sagot ko.

Building Our Broken Hearts (Course Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon