"Bye Max!"
My groupmates bid their goodbyes to me, I smiled and waved my hands at them. We just finished doing our reporting for tomorrow. It's already 6pm and we decided to go home and continue our work tomorrow.
Binilisan ko ang lakad ko patungong main gate baka kasi maubusan ako ng taxi. Kapag ganitong oras kasi halos may sakay na lahat ang mga taxi, kailangan ko na ding umuwi dahil gutom na ako. Laking pasalamat ko nang may makitang naka-abang na taxi sa harap ng main gate kaya agad akong pumasok doon, baka maunahan pa ako.
Inabot kami ng traffic kaya mga 7:30 na ako nakauwi. Pagkababa ko ng taxi ay tumawid ako sa kabilang side para pumunta sa fastfood, bibili pa kasi ako ng haponan ko kasi wala akong panahon para magluto. Gutom na gutom na talaga ako, legit.
Wala namang masyadong tao dito kaya naka order agad ako. Pagdating ko sa condo inilagay ko muna sa countertop lahat ng gamit ko at nagsimula ng kumain. Nong matapos ay agad akong tumungo sa bathroom para mag half bath.
I did my skincare routine and comb my hair. I also charge all of my gudgets especially my laptop that we used earlier. After that, I throw myself to my bed.
"Thanks God!Nakahiga na rin!" I said and sighed heavily.
I stared to my ceiling. Tulala lang akong nakatingin doon hanggang sa biglang nag ring yung cellphone ko na nasa sidetable at nag chacharge. Napalingon ako doon at agad na bumangon.
Gumapang ako sa kama ko papunta roon at inangat ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Tito Maverick yung tumatawag. Walang pagdadalawang isip, agad ko itong sinagot.
"Tito." Bungad ko sa mahinang tono.
"I'm outside your condo building." He answered. Nanlaki ulit ang mga mata ko.
"Po?" Tanong ko. Nagproproseso pa kasi sa utak ko yung sinabi niya. What is he doing here?
"Come here Aeon I need to give you something." He said. Tumanggo ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Sige po. I'll be there in a minute." I said wala na akong narinig na sagot mula sa kanya kaya pinatay ko na ang tawag.
Pumunta ako sa walk in closet ko para magbihis naka sleeveless lang kasi ako baka pagalitan pa ako ni Tito kung makitang ganito ang suot ko. Dahil na rin siguro sa pagmamadali ko jacket nalang ang kinuha ko at agad itong sinuot.
Agad akong lumabas ng condo unit ko at sumakay ng elevator. Habang nasa loob ako ng elevator hindi ko mapigilang hindi kabahan, ngayon lang kami ulit magkikita simula nong nangyari nong nakaraan. Kahit ayaw kong magkita kami dahil sa hiyang nararamdaman ko, hindi ko din maitatanggi na namimiss ko ang Tito ko.
Tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Kagat ang ibabang labi akong lumabas ng elevator. Nilagay ko sa loob ng bulsa ng jacket na suot ko yung dalawang kamay ko dahil ang lamig nito dahil nga kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Building Our Broken Hearts (Course Series #3)
Teen FictionCourse #3 Building our broken hearts A story of a Architect and Engineer "I made my life to be wonderful but I broke it into pieces but you... you mend the broken me. - Architect Maddison Aeon Xiomora Dixon "Life may break you but here I am ready to...