"Hoy ba't nasa story ka ni Wyn?!"
Gulat na tanong ni Maceo at tumakbo papunta sa akin. Nakaupo lang ako sa sofa nong makita niya ako. Naghihintay sa kanila dahil magsisimba kami ngayon.
Kinurot ko si Maceo nong nakaupo na siya sa tabi ko ang lakas kasi ng boses niya at baka marinig nila Tito. Soundproff naman lahat ng kwarto dito sa bahay pero nababahala pa din ako. Boses kasi ni Maceo from earth to Mars eh!
"Hinaan mo nga boses mo at baka marinig ka nila Tito!" Sita ko sa kanya at sinamaan ng tingin.
"May pa tanong-tanong ka pang nalalaman kahapon ah!Kilala mo naman pala!" He said and smirked.
"Yes I know him pero hindi buong pagkatao niya. Wala akong oras na kilalanin siya." I said.
"Wala daw eh nagtanong ka nga kahapon eh!" He said. Wala akong masagot kaya mas sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Do you like him?Or manliligaw mo siya?!" He asked while his eyes are widened. My eyes widened too.
"What?!" Gulat na tanong ko din.
"Of course not!" Depensa ko.
"Defensive!"
"Totoo naman eh!"
"Sus!Susumbong kita kay Daddy!"
"Subukan mo la-"
"Dad!Max has a crus-" I cut him by covering my hand to his mouth.
"Damn you Maceo Jake!Try me and I'll tell your secrets to Tito Mavy. I'm dead serious Maceo!" Naiinis na sabi ko habang nakatakip pa din sa bunganga niya ang kamay ko.
Dahil sa lalaki siya at mas malakas sa akin, agad niyang nakuha ang kamay ko sa bunganga niya. He just pouted at me that makes me smirk. Tiklop din ito kapag sekreto ang pinag-uusapan eh. Dami kasi nitong tinatagong baho. Tsk!
Buti nalang at hindi narinig yung sigaw ni Maceo sa taas, kung narinig man sana bumaba na si Tito para alamin kung anong pinagsasabi nitong shokoy sa tabi ko na nanahimik na. Thanks to my fast hand at naitakip ko agad sa bunganga niya.
Ilang minuto pa kaming naghintay ni Maceo dito sa living room kinila Tita at Tito pati na rin kay Kuya Xano. Mas naunang bumaba si Kuya Xano kaya nakiupo na din siya dito sa Living room. Hindi naman nagtagal at bumaba na sila Tita at Tito.
Sa iisang sasakyan lang kami sasakay, as usual. Tuwing Sunday, kapag nagsisimba kami sasakyan ni Tito ang ginagamit namin. For how many minutes travel, we already arrived at the church.
Magkatabi kami lahat sa upuan at nakikinig lang sa Pari. After the mass like what we are doing before eating our lunch in a mall or a restaurant. This time we choose the mall, Tita wanted to go shopping too.
We are now walking inside the mall, looking for a restaurant where we could eat. Tito and Tita are just in front of us while we are at there back following them. I'm between Kuya Xano and Maceo, Kuya Xano are just roaming his eyes around us while Maceo is busy with his phone just like me.
Nagkaroon kasi kami ng family picture kanina kaya busy ako sa pagpost nito sa mga social medias ko. Ngayon nalang din ako nakapag post ng ganitong picture. Eh sa ngayon ko nalang ulit sila nakasama eh. Nakakamiss talaga!Aang daming weekend ang sinayang ko.
BINABASA MO ANG
Building Our Broken Hearts (Course Series #3)
Teen FictionCourse #3 Building our broken hearts A story of a Architect and Engineer "I made my life to be wonderful but I broke it into pieces but you... you mend the broken me. - Architect Maddison Aeon Xiomora Dixon "Life may break you but here I am ready to...