Kabanata 30

393 3 0
                                    




"Bye mga baby ko! Balik lang si mommy ah? Kay daddy muna kayo."


Paalam ko kinila Bald at Fox. Lumuhod ako sa sahig at pinaglaruan ang mga balahibo nila. Pupuntahan ko kasi si mommy ngayon para bisitahin ang puntod ni Daddy.


Daddy's death anniversary was yesterday, Me together with Wyn and Tito Mave and Tita Addi already went there. Sasamahan ko lang si mommy ngayon dahil hindi siya nakapunta kahapon. Kakauwi niya lang din kasi galing sa outing nila kasama ang mga iilang profesors na kaibigan niya mula sa RFU, kaya ngayon kami pupunta.


Bald and fox are now finally with us. Fox just got home from his training, pina train kasi namin siya ni Wyn sa isang Husky training companny. While si Bald naman iniwan namin kay ate Lily since last month me and Wyn are both busy at walang magbabantay sa kanya.


Buti nga at kilala pa nila kami ni Wyn. Si Bald halatang napapakain at naaalagaan ng maayos dahil medyo lumaki na ito. Thanks to ate Lily who took care of him. She's one of the best vet I know.


"Love, baka maaliw ka na naman kakalaro diyan at makalimutan mong pakainin si Bald at Fox." Sabi ko kay Wyn na busy sa computer niya at naglalaro ng cod.


Naka headphone ito pero alam kong naririnig ako nito dahil hindi nakalagay yung isang headphone sa tenga niya. Kanina pa siya diyan sa computer niya, naka live kasi. Maaga itong naglaro ewan ko din kung natulog ba ang isang to, dinalhan ko nalang ng umagahan kanina kasi halos ayaw ng humiwalay sa computer niya.


"Yes po! Painomin ko pa din ba ng vitamins si Bald?" He asked not looking at me.


"Ba't si Bald lang? Si Fox din!" I said.


"Aye! Aye! Captain!" He said and I hissed.


"I'll go na." Paalam ko.


Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa sahig at naglakad patungo sa kanya. Ngumuso ito na hindi nakatingin sa akin at patuloy sa paglalaro. Hinawakan ko ang panga niya at pinaharap siya sa akin at hinalikan ang labi niya.


"Ay gago! Namatay! Love naman eh!" Sabi nito na nakatingin sa computer niya. Nilingon ako nito at tinaasan ko siya ng kilay while fixing my slingbag at my shoulder.


"Sorry. Ingat ka! I love you." Paglalambing nito at inabot pa ang mukha ko para pugpugin ng halik. Pinkahuling hinalikan niya ay ang labi ko.


"I love you." He said.


"I love you. Bye." I said at kinawayan siya habang papaalis na ako. Kumaway lang ito pabalik habang nakangiti sa akin.


"Mga anak mo ah!" I said bago ko lisanin ang kwarto namin.


"Opo!" Yun lang sabi niya bago ako tuluyang lumabas.


Naghanap na ako ng taxi at sumakay. Tinext ko na din si mommy na ppapunta na ako. Nagreply naman ito na sakto daw pagdating ko luto na yung niluluto niya for lunch namin. May tira pa naman kaming ulam ni Wyn kaninang umaga, yun nalang ulamin niya.

Building Our Broken Hearts (Course Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon