Kabanata 9

394 4 0
                                    




"So girl, anyare na?!"


I was about to turn on the Tv pero niyugyog ako ni Art habang sinasabi iyon. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Medyo malakas kasi pagkayugyog niya sa akin, nasali ata utak ko. Medyo nahilo din ako. Shit ka Art!


Andito na naman kasi sila sa condo ko. Nagulat nalang ako kanina na bigla nalang silang dumating dito. Nabanggit naman nila na babalik sila dito para tapusin yung All of us are dead pero hindi ko naman inexpect na ngayon.


"Teka nga! I thought we are going to watch All of us are dead?!" I asked.


"Oo nga! Pero chika ka muna!" Nakeisha said. I looked at Capri and she gave me a peace sign while smiling. Taga abot talaga ng balita ang isang ito.


"Bilisan niyo nga yang chikahan niyo at para makanood na tayo!" Sabi ni Maceo.


"Akala mo talaga hindi ka makikinig eh no?" Capri said. Maceo Mocked his face at her.


"Sige na! Kwento na!" Excited na sabi ni Art.


Napabuntong hininga naman ako. Tinignan ko yung tatlong babae na nasa harapan ko at nakatuod ang mga braso sa coffee table. Yung dalawang lalaki naman nasa likuran ko at nakaupo sa sofa.


"Me and Baldwyn already talked. I apologize and he did too. He said he will explain everything in his twitter account." I started.


"Tignan mo na baka me-" Hinarang ko ang isang kamay ko sa mukha ni Art para putulin ang sasabihin niya.


"Hep!Ako muna para iisang explanation lang." I said.


"And he wanted to be friends with me and I let him." I added.


"What?!" The three girls shouted. Bilog na bilog ang mga mata nila dahil sa gulat.


"Gago! Seryoso?" Si Maceo na kinalabit ako.


"Shocks! Ikaw? Makikipagkaibigan sa kakakilala mo lang? Really?" Hindi makapanewalang sabi ni Capri at nakaturo pa ang hintuturo sa akin.


"Knowing you, you are not that friendly." Dagdag ni Nakesiha.


"I already did. Alangan naman bawiin ko edi kawawa yung tao." I said.


"Nakakagulat ka naman kasi girl! Bigla-bigla ka nalang tumatanggap ng kaibigan." Art said.


"And what's the problem with that?" Nagsilingonan kami sa likuran ko nang magsalita si Niko.


"Gago ka ba pre? Alam mo namang allergic yan sa pakikipagkaibigan! Magulat ka din kaya! Bigay-bigay din ng reaksyon pag may time!" Maceo said. Tinignan siya ni Niko bago ako.

Building Our Broken Hearts (Course Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon