Kabanata 21

307 4 0
                                    




"Baka may problema lang siya. Ganun ka din naman kapag may problema eh, halos galit ka sa lahat ng nakakausap mo."


Alanis said after she heard about what happened between me and Baldwyn. We are here now at Jollibee near BMSU. Alanis decided to visit me here, palagi daw kasing ako ang bumibisita sa RFU kaya siya na naman daw ngayon.


Instead of being with Wyn, si Alanis kasama ko sa vaccant time ko . Me and Wyn are not in good term tapos magsasama kami? Hindi nga ako nirereplyan non eh!


"Meron talaga, muntik ba naman kaming maghalikan sinong hindi mag ooverth-"


I stopped talking when I realize what I am talking. Dahan-dahan kong tinignan si Alanis and I'm right, nagulat ito sa narinig. Tanginang bunganga! Pasmado!


"Tama ba narinig ko? Muntik na kayong maghalikan?" She said. I gulped.


"H-Ha? May sinabi ba akong ganun? W-Wala kaya!" Maang-maangan ko. Tumalab ka please!


"Hindi mo ako madadala sa paganyan mo Maddison Aeon Xiomara!" Sabi nito na ikinangiwi ng mukha ko. Hindi ata ako makakatakas sa isang to!


"Fine! Sasabihin ko na!" I surrendered.


Kinuwento ko lahat ng nangyari sa araw na yun. Mula sa pagkikita namin sa araw na yun at pagsama ko sa kanya sa laro nila. Pati yung weird professor sa RFU kinuwento ko din sa kanya hanggang sa muntikan na kaming maghalikan.


"Hindi ko alam! Basta parang tinatawag ako nong ano niya basta ito!" I explained and pointed my lips.


"Yung utak ko naman nagpaakit don sa ano niya! Kaya ayun! Thanks to Maceo and he texted me kaya hindi natuloy!" I added.


"Ang landi mo!" Tumatawang sabi ni Alanis at binatukan ako. Sinamaan ko siy ng tingin.


"Anong malandi?! Hindi nga ako nagpahalik eh!" I frustatedly said.


"Ay te! Pareho niyong ginusto maghalikan!"


"Hindi nga natuloy!"


"Ay? Nanghihinayang ka te?"


"Alam mo bumalik ka na sa RFU at baka masipa kita papuntang Jupiter!"


She just laughed at me while I'm glaring at her. Nag change topic na siya, napansin atang napipikon na ako. She asked me how's our exam and I answered it. She also said that next week will be their exam too.


Hindi kami nagtagal sa Jollibee at bumalik na siya sa RFU. Malapit na din kasi matapos vaccant time naming dalawa kaya nagkaayaan ng bumalik sa school. Pinasakay ko din muna siya ng taxi bago ako pumasok sa campus namin.

Building Our Broken Hearts (Course Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon