Kabanata 13

369 9 0
                                    




"Ate, saan po sila?"


I asked one of our maids. I just woke up and went straight here in the kitchen. Today is Sunday and I was expecting everyone here in the dining room but I found no one.


"Maaga po umalis sila Ma'am and Sir, Ma'am Max." The maid answered. My brows furrowed.


"I thought we will attend mass today?" I asked.


"Emergency daw po kasi pupuntahan nila Sir. Tsaka, ang sarap pa daw kasi ng mga tulog niyo." She said.


"Tulog pa sila?" Tanong ko na naman.


"Si Sir Maceo nalang po. Si Sir Xano umalis din po hindi namin alam saan pupunta." Sagot niya at tumanggo lang ako.


Hindi muna ako kumain at umakyat muna dito sa taas. Dumeritso ako sa kwarto ni Maceo. Hindi na ako kumatok at agad na pinihit ang doorknob at pumasok.


Sakto naman pagpasok ko nakaupo na si Maceo sa kanyang kama at halatang bagong gising dahil humihikab pa ito. Nakasuot lang ito ng white plain t-shirt at napakagulo ng buhok.


Madilim ang silid niya dahil nakasara lahat ng kurtina niya. Kahit madilim dito makikita mo pa din gaano kakalat yung kwarto niya. Hindi naman ganun kakalat pero parang ganun na nga.


"Wow! Ang sipag mo naman, Maceo! Nakikita ko ang kasipagan mo sa madumi mong kwarto!" I said as I crossed my arms infront of my chest while roaming my eyes and walked towards him. I stopped infront of his bed.


"Andito ka na din naman. Edi linisan mo." He said. I just rolled my eyes.


"Pinsan mo ako, hindi katulong!" Sabi ko at inirapan siya.


"Oo alam ko pero yung mukha mo parang katulong." He said and yawned again.


Inabot ko yung unan na malapit sa akin at tinapon sa kanya. Sinalo niya lang ito at inilagay sa harap niya bago inabot yung cellphone niya mula sa sidetable niya. Dumapa naman ako sa kama niya.


"Gago! Alas nuwebe na pala?!" He asked and looked at me.


"Hindi, alas singko pa." I said. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.


"Tapos na kayong magsimba?"


"Oo, kakauwi lang namin."


"Magsinungaling ka sa utot mo!" He said and throw the pillow at me. Tumawa lang ako. Nakaisa din!


"May emergency na pinuntahan sila Tito." Sagot ko.


Tumanggo lang siya at tinignan ulit ang cellphone niya. Pinalitan ko ang posisyon ko, humiga ako at pumikit. Katulad ng kwarto ko, malamig din dito sa kwarto ni Maceo.

Building Our Broken Hearts (Course Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon