KHALLIELEYA
The next few days were back to normal. Si Arizs na naghahatid sa akin. Magkasama pa rin kami ni Eric. Tapos si Ate Viera naman ay nabalitaan kong na-suspend na naman.
"You know, I admire your sister."
"Si Ate Viera?" Tumango siya. "What do you admire about her? She's always suspended. It's a bit disappointing because she's a bright student."
"Hahahaha! That's what I admire about her! Kahit ma-suspend siya ay ginagawa niya kung alin ang nararapat—maliban sa pamamahiya. I like her bravery."
"Well, that's my sister." I chided and walked down the hallway with him. "Nga pala, malapit na ang kasal ni Ate Mora. Sa Sabado na iyon gaganapin."
"Oh! Oo nga pala. Tsk! Wala pa rin yung isusuot ko. Hindi pa dumadating sa palasiyo."
Tinapik ko naman siya sa balikat. "Don't worry about your suit. It will come soon."
Ngumuso siya tapos ginulo ang buhok ko. "Sana maswerte akong may ate ako na marunong manahi katulad ng iyo. At least hindi na ako mamomroblema sa kahihintay ng susuotin kong damit."
I stick my tongue out, "Your lost."
"Yeah, it is."
Nang makalabas na kami ay nagpaalam na siya tapos humalik sa pisngi ko. Wala pa rin magbabago kahit ilang beses ko itong sabihan na huwan na niya uulitin iyon. Honestly, it does not bother me though. It is part of the etiquette lesson anyway. Before leaving you have to kiss your friends in the cheeks good bye. Pero ang kabalyero ko ay hindi komportable sa ideyang iyon.
Nang makasakay na ako sa karwahe tumabi sa akin si Arizs. Pinunasan na naman niya ang pisngi ko. Yes, this becomes an almost daily routine of his too.
"Khally, lagi na lang ba?" Nakasimangot niyang wika sa akin.
"Walang masama roon, Arizs."
"No, enough. Huwag ka na papayag na may hahalik sa pisngi mo."
"Hayaan mo na."
"Khally..."
Napabuntong-hininga ako at pinigilan ko ang kamay nito. "Arizs, madiin na ang pagpunas mo sa pisngi ko." Napakurap pa siya tapos bumitaw. "Arizs, sabi ni Miss Bourgoise sa akin na hindi ka na pumapasok sa klase niya. May pinapagawa pa ba si Ate Khana?"
"Ano kasi... Khally..."
"I see, you are busy. I'll tell her to stop coming until you are ready to study again." Ibinuka niya ang bibig niya pero dali ring nagsara. Wala na akong sinabi pa at tumitig ako sa labas ng karwahe. May tinatago na naman sa akin si Arizs.
"Sorry, gusto ko kasing bumawi muna sayo. Huwag ka sana magalit kung hindi muna ako pumapasok."
Sa mga araw na wala si Arizs ay nalaman ko na ang katotohanan sa ibang tao. He was out because he was ordered by my sister. Sana nagpaalam pa rin siya kung bakit ito nawala ng ilang araw. Maiintindihan ko naman, kaya lang tinago niya iyon. Nakatatampo ng damdamin.
Dumiretso ako sa hardin pagkauwi namin ni Arizs sa palasiyo. Naghalunkat muna ako ng libro upang makapagbasa ako roon. I was smiling to myself as I remember our next reading session with Eric is later. I skip and hop my way to my garden, ngunit napatigil ako nang maabutan ko ang mapapangasawa ni Ate Mora sa aking gazebo.
"Hello po," magalang kong bati sa kaniya at yumuko ng kaunti. "Hinahanap niyo ho ba si Ate Mora? Nakita ko po siya sa kusina na kumukuha ng prutas." Ngumiti ito sa akin at umiling.
Ano kaya ang ginagawa niya rito?
"Hello, Princess Khallieleya. It's nice to finally meet you. Maaari bang makipag-kwentuhan sa'yo?" Tumango naman ako. "Mabuti! Madalas kasi kitang hindi naaabutan dito sa palasiyo tuwing naglalakad ako," he chuckled and my face flush. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historical FictionCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...