KHALLIELEYA
When Arizs left after helping me arrange my books. The maid giggle in delight. Oh, no! She's still here. She have seen me so happy with Arizs's company.
"Ano pong meron?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.
"Siguro kung isang prinsipe si Arizs bagay kayong dalawa, Prinsesa Khallieleya," patuloy siya sa kaniyang pagtawa ng mahinhin sa akin.
Napailing ako at napayakap sa librong bigay ni Ate. If they only new what I see about Arizs. However, I am not the princess to his heart. It's Ate Khana. I'm only a kid that he babysits.
"Kahit hindi naman prinsipe si Arizs mayroong ikakasal sa kaniya. Isang tao na hindi pagdududahan kung anong estado sa buhay siya galing. Basta't marangal ang kaniyang trabaho at kaya niyang magsumikap sa pamilya sapat na iyon para pahulugin ang puso ng isang babae at mahalin siya ng lubusan."
"Kagaya mo ba, Prinsesa Khallieleya?"
I blush. I know I am. My cheeks are burning.
"Hindi ka naman mabiro, prinsesa. Hahaha! Sana nga mayroong makilala ang batang iyon. Yung tipong kagaya mo na may ganiyang pag-iisip." Napasulyap ako sa kaniya at kumindat ito sa akin.
Nagpaalam na siya na may trabaho pa itong tatapusin, kaya naman bumalik ako sa dati kong pwesto. Dumungaw ako sa labas ng bintana at tumulala.
The maid is wrong about me. I doubted Arizs's status in life before. It was during the incident with Prince Riello, the nasty prince who planned to use me. But he was the reason why my relationship with Arizs grew stronger. I should be thankful about it somehow.
📚📚📚
Nasa paaralan na ako ngayon at pinapanuod ko ang mga nag-uusap na mga prinsesa, prinsipe, aristokratiko, at iba pang mga marangal na tao. I feel terrified because everyone knew each other. While I, the new kid, doesn't know any one of them.
"Ang laki ng paaralan mo!" Manghang saad nitong si Arizs na sinisimulan ang trabaho niya sa pagbabantay sa akin.
"I don't like it here!" I hiss and hug myself.
"Bakit naman? Buti ka pa at nakakapag-aral ka. Gusto ko rin pumasok sa ganitong paaralan para matuto!" He said in excitement.
I turn my head to him in surprise. "You-you never gone to school?"
He nods his head.
I gasp, "Really?"
"Wala akong pera, e. At wala rin akong pamilya na susuporta ng pag-aaral ko." Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. I felt guilty of what I said. Maswerte pala ako at dapat hindi nagreklamo sa harapan niya.
"That's... sad."
"Huwag mo na isipin 'yon." He tries to shake off the topic.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at inabot ang braso niya. "Arizs, how about you call me 'Khally' instead?"
Nanlaki ang mga mata niya at nakaawang pa ang mga labi nito. "T-talaga? Ayos lang ba sa'yo?"
"Yeah. I don't mind. Calling me in honorifics is too long. Tsaka hindi lang ikaw ang tumatawag sa akin ng Khally. Pati si Kuya Prins, na kasamahan mo, ay tinatawag akong ganoon."
"Sige!"
I shrug and grip his arm. "Anyway, escort me to my class?"
Mabilis siyang tumango na may malawak na ngiti sa kaniyang mukha. "Oo nga pala may klase ka pa. Tara na, Princess Khallieleya. Tapos hihintayin kita sa labas ng klase mo."
BINABASA MO ANG
The Fairy Tale Princess [Wainwright Series 4]
Historical FictionCTTO Photo: dina.f Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: December 7, 2021 Ended: February 15, 2022 The books she read are nothing more but false fairytale. 📚📚📚 Sa kalagitnaan ng mainit na kontrobersiyal na away na umiikot sa pamilyang W...